Chapter 79: Ready

8.1K 325 25
                                    

SHAMIERE'S POV

Lumipas ang isang araw ng hindi ko pa rin nalalaman kung ano ang dahilan kung bakit nagkaganon si Theo.Pero ang mahalaga,ayos na kami.

Naglalakad ako ngayon sa mahabang daanan para puntahan si Mitch sa dormitoryo nila.Kailangan ko ng bawiin ang dapat sa akin.

Ngayon din ang araw kung kailan pwede na akong lumabas,ngunit hindi pa rin nagbabago ang ipinagbabawal sa akin ni Headmaster. Hindi pa rin ako pwedeng dumalo sa ball na gaganapin na bukas ng gabi.

Kaya nga halos lahat ng mga estudyanteng nakakasalubong ko ay may kaniya-kaniyang dala na kung ano na nakapaloob sa malalaking supot. Lahat sila ay nagmamadali at tila naghahanda na, halata sa mga mukha nila ang labis na pagkasabik para sa gaganaping pagsasaya kinabukasan.

Nasa harap nako ng malaking gusali kung saan ang dormitoryo nila Mitch nang bigla kong mamataan si Amanda na maarteng nagbibitbit ng isang napakalaking sisidlan na sa tingin ko ay kung saan nakasilid ang damit na susuotin niya bukas.Halata sa mukha niya na nabibigatan siya sa kaniyang dinadala. Napailing nalang ako bago ko siya puntahan.

Mabilis akong naglakad papalapit sa kaniya.Nung una ay hindi niya pa ako napansin dahil sa laki ng kahong dala niya pero hindi kalaunan ay natuon din sakin ang paningin niya.

Agad siyang napangiti nang makita ako.

"Oh Sham! Mabuti at pwede ka ng lumabas." Ngumiti lang ako bilang tugon.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin habang inaayos ang kinakarga niya.

"Ah dyan lang kina Theo, may kukunin lang sana." Sagot ko at nilingon pa ang likuran niya kung nasaan ang gusali.

"What is it?"

"Hindi naman importante,ikaw babalik kana sa dorm?"

"Yes,this ballgown is heavy so i really need to go there immediately haha!"

"Ganun ba? Sige,mauna kana."

"Ah Sham,you will be there tommorow at the Ball right?"

"H-Ha? Hindi,pinagbawalan akong dumalo ni Headmaster." Nalungkot naman ang ekspresyon ng mukha niya.

"But that's unfair!" Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Ayos lang."

"Hayst, if only I can do something about it. Anyways before I forgot, sa tingin ko wala sina Theo dyan.Rinig ko nasa Grand Hall sila for the preperation for tomorrow night,tumutulong sila sa pag-oorganize for the party." Saad niya bago tuluyang magpaalam.

Tinanaw ko lang siya palayo at nang mawala na sa paningin ko ay binaling ko ang tingin ko pabalik sa dormitoryo nina Theo.

Ito na ang pagkakataon ko para makuha ang libro at ang susi ko.Ang kinakailangan ko nalang gawin ay ang pasukin ang silid ni Mitch.

Siniguro kong walang estudyante sa paligid ko at nang makumpirmang wala nga ay nagteleport ako papunta sa loob ng dormitoryo nila.

Inikot ko ang paningin ko nang tumambad sa akin ang malapad nilang sala.Nang dumapo ang paningin ko sa mga pintuang nagkakasunod-sunod at may iba't ibang kulay ay hindi nako nagsayang pa ng segundo at mabilis na pinuntahan ang direksyon nun.Sa tingin ko ito ang mga kwarto nila.

Ang kapangyarihan ni Mitch ay hangin,ibig sabihin ang kulay ng kaniyang pintuan ay kulay puti.Agad na napangiti ako nang makita ko ito.

Pag napasakin na ulit ang libro,wala ng sinuman o anuman ang makakahadlang sa lahat ng plano ko.Sa lahat ng plano namin.

Tinahak ko ang daan papalapit doon.Akmang bubuksan ko na ang pinto nang makarinig ako ng kalabog galing sa kusina nila.Dahil sa gulat ay napapiksi ako dahilan para matamaan ko ang nakapatong na vase sa isang maliit na mesa.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon