SHAMIERE'S POV
"You are so cool, Sham!" pagpuri sa 'kin ni Lash, hindi ako sumagot at tiningnan ko lang siya.
Nasa dormitoryo kaming lahat ngayon dahil hindi raw ako pwedeng lumabas. Mabuti na lang din at hindi na nakarating pa kay headmaster ang nangyari dahil kung hindi ay baka hindi lang sespension ang makuha ko.
"Mabuti na lang at hindi mo na pinatulan." sabat naman ni Yvonne at ngumiti. Nang ibaling ko kay Serene ang paningin ko ay daglian niyang iniwas ang mga mata niya sa akin bagay na ikinangisi ko.
She cares.
"Ah, Sham?" napatingin kaming lahat kay Mitch nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Hindi ka na ba talaga makakapunta sa ball?" tanong niya na nagpabuntong-hininga sa akin.
Umiling ako bago muling tumingin sa kaniya.
"Hindi na." sambit ko na nagpabagsak sa mga balikat nila.
"Pero pwede naman sigurong madaan sa pakiusap si Headmaster." agad na suhestyon ni Lash.
"You know him very well, Lash. Once he decided, it's done." nawawalan ng pag-asang sagot ni Van.
"I agree, but, we can't just leave Shamiere while we're enjoying the party, right?"
"Y-Yeah."
"What if we-"
Hindi ko na sila pinatapos pa sa sasabihin nila at agad na akong sumabat sa usapan nila.
"Hayaan niyo na. 'Wag niyo na akong isipin."
"Pero, Sham-"
"Ayos lang, kasalanan ko naman."
Napabuntong-hininga na lang sila bago napatango.
"Are you sure you'll be okay?" sa pagkakataong 'to ay si Theo naman ang nagsalita. Marahan niyang ipinatong ang kamay niya sa kamay ko habang nakatitig sa mga mata ko.
Pilit akong ngumiti sa kaniya bago tumango.
"I'll be okay."
Matapos ang usaping 'yon ay nabalot kami ng nakakabinging katahimikan. Makaraan pa ng ilang saglot ay ako na ang kusang bumasag sa katahimikang 'yon at muling inagaw ang atensyon nilang lahat.
"Bakit hindi niyo yata kasama si D-Dawn?"
Banggitin ko pa lang ang pangalan ng babaeng 'yon ay kumukulo na ang dugo ko.
Ngunit kailangan kong malaman kung ano ang ginagawa niya sa mga oras na 'to at kung saan siya maaaring naroroon ngayon.
Nagkatinginan naman sila bago dahan-dahang napailing.
"Hindi pa namin siya nakikita, Sham, eh." ani Megan.
"Ever since she went out from the clinic." hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko na dugtong ni Serene. Tumango na lang ako sa kanila at hindi na nagsalita pa.
"Ah, saka nga pala, Sham, pwede mo bang sabihin sa amin kung paano mong nagawang pagalingin ang mga bali sa katawan ni Amanda? At hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagawa mo 'yon, 'di ba?" walang ano-ano'y saad ni Eros.
"Napag-usapan na natin-"
"She won't tell us." mabilis na pagputol sa sinasabi ko ni Serene.
"Akala ko ba ay naiintindihan niyo na 'ko? 'Wag niyong sabihin na maging kayo ay pinaghihinalaan na rin ako?" hindi maiwasang masaktan ang tinig na sambit ko sa harapan nilang lahat.
Ngunit agad akong nabigla sa agarang paghampas ni Serene sa mesang na sa unahan naming lahat at dagliang mapatayo.
"Who wouldn't?! Tell us, you can manipulate the fire, earth, water and the freaking air, Sham! Not to tell, you can also produce and control the dark magic!"

BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...