Chapter 11: Power Leveling Day

21.3K 852 5
                                    

MEGAN’S POV

Ang lahat ay naghahanda na para sa gaganaping Power Leveling na ipagdadaos mamaya. Samantalang kaming mga Royalties kasama sina Bea at Yvonne ay nandito sa tambayan namin. Nag-uusap-usap lang kami dahil handa naman na kami para mamaya. Nasali rin sa usapan namin si Shamiere. Umaasa kami na sana ay nando’n siya mamaya dahil sobrang nag-aalala na kaming lahat sa kaniya.

"Sa tingin niyo ba  ay darating siya mamaya?" tanong ni Gino.

"We don't know, but she had to. Kasi kung hindi pa siya magpapakita sa’tin mamaya ay mapipilitan akong libutin ang buong Terrensia Magissy para lang hanapin ang babaeng yo’n" seryosong sagot naman ni Theo.

" Pag-ibig nga naman." tukso pa nila Lash.

"Tsk." singhal naman nito.

"Humanda lang talaga sa’kin pag nakita na natin ang babaeng ‘yon, mababatukan ko talaga siya." sabat pa ni Bea.

"Saan ba kasi nagsusuot ‘yon eh, ni paalam wala man lang." dugtong pa ni Yvonne.

Nag-usap pa sila sa kung ano-anong bagay habang ako ay tahimik na nakikinig lang sa kanila.

Ilang oras na kaming nananatili rito at dalawang oras nalang ay magsisimula na ang Power Leveling.

"Tara na guys, pumunta na tayo sa Battle Field." aya ni Mitch na sinang-ayunan naman naming lahat.

Habang naglalakad kami papunta sa Battle Field ay nakasalubong namin si Amanda kasama ang mga kaibigan niya.

"Hey, babe." Nang-aakit ang tinig na bati niya kay Theo ngunit hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng huli.

"Anyways, nasaan na ‘yong malanding babaeng ‘yon? It’s like a miracle na hindi niyo siya kasa-kasama ngayon." saad niya at nagpalinga-linga pa sa likuran namin. Agad namang kumulo ang dugo ko at sigurado akong pati mga kasamahan ko ay gano’n din dahil sa sinabi nito.

Sigurado kaming si Shamiere ang tinutukoy niya.

"Oh well, buti nga at hindi niyo siya kasama. Baka natauhan na kaya't umalis nalang ng academy. Mabuti na din ‘yon para wala ng malanding babaeng lalandi sa’yo." she said looking at Theo and chuckled. Nagpantig naman ang tenga namin sa mga pinagsasabi niya. Akmang magsasalita na’ko nang maunahan ako ni Theo.

"What did you just said?!" nanggagalaiting sigaw nito sa kaniya. She stilled as she heard Theo shouted.

"W-What? B-Babe, are you mad because I called that girl a slut? Well, she really is a slut so don't get mad-“

Hindi na natapos pa ni Amanda ang sasabihin niya nang biglang may mga buhangin at maliliit na bato ang lumipad patungo sa direksyon niya bagay na agad na ikinabilog ng kaniyang mga mata.

"DON'T YOU DARE CALL OUR FRIEND A SLUT, YOU BITCH!" galit na galit na sigaw ni Bea bagay na agad naming ikinabigla, lubos na hindi inaasahan ang kaniyang ginawa.

"Arghh! Stop it! Stooop!" sigaw nito habang winawagayway ang kaniyang mga kamay upang maprotektahan ang sarili. Pero hindi natinag ang dalawa at mas tinodo pa ang paggamit nila ng kapangyarihang kontrolin ang buhangin at mga bato na kasalukuyang pumapaikot kay Amanda.

"Bea, Yvonne stop it. Your energy will drained if you continue doing that, we still have a Power Leveling. We're just gonna waste our time if we deal with her." mahinahong sambit ni Van at marahang sinulyapan ang babae na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatitig sa kaniya.

Tinigil naman agad nina Bea at Yvonne ang ginagawa nang mapagtanto nilang tama ang kaibigan.

Agad namang pinuntahan si Amanda ng kaniyang mga kasama at tinanong kung ayos lang ito.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon