SHAMIERE'S POV
Tila'y huminto ang oras nang makita ko kung paanong naglaho ang emosyon sa mga mata ng mga kaibigan ko.
Kakaibang kaba ang daglian kong naramdamam ko nang dahan-dahang bumalatay ang mga itim na ugat mula sa leeg nila paakyat sa mukha nilang lahat.
Wala sa sariling napaawang ang mga labi ko dahil sa aking nasaksihan.
This can't be happening.
"Hindi mo ako maiisahan! Ngayon, humanda kang harapin ang itinuturing mong mga kaibigan!"
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na tingnan si Zokus matapos niyang bigkasin ang mga katagang iyon.
Nanatiling nasa mga kasamahan ko ang paningin ko. Kahit na ang pagkurap ay hindi ko magawa. Gustuhin ko mang humakbang papalapit sa kanila ay tila'y napako na sa kinatatayuan ko ang mga paa ko.
Inaamin kong natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanila ngayong katulad na sila nina Yvonne at Bea.
Hindi ko alam kung makakaya kong saktan sila.
Kung makakaya kong labanan sila.
Hanggang sa tuluyan na ngang mangyari ang siyang kinatatakutan ko.
Sabay-sabay silang nagsitayuan at napatingin sa gawi ko gamit ang nanlilisik nilang mga mata na tila ba ay isa akong kalabang marapat nilang paslangin.
Wala sa sarili akong napahakbang paatras nang magsimula silang humakbang papalapit sa akin.
Unti-unting bumalatay sa mga labi nila ang nakakakilabot na ngisi.
Nakarinig ako nang pagkabitak sa likuran ko at do'n ko nakitang nagkakaroon na ng lamat ang yelong nakabalot sa katawan ni Yvonne.
Nasilayan ko rin mula sa hindi kalayuan ang muling pagtayo ni Bea mula sa pagkakasalampak sa tuyong lupa at nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin.
Isang napakalakas na halakhak mula kay Zokus ang siyang dumagundong sa buong kapaligiran na naging dahilan upang muling matuon sa kaniya ang ngayon ay luhaan ko ng mga mata.
Puno nang poot at kasamaan siyang tumitig sa aking mga buliga kasabay nang pagbitaw niya sa mga sumunod na mga kataga.
"WALA KA NANG KAWALA!"
THIRD PERSON'S POV
"Argh!!!"
Isang impit na pagdaing ang napakawalan ng dalaga matapos muling tumama ang kaniyang likuran sa matayog na pader na siyang nagdulot sa dagliang pagkabitak nito.
Iniangat niya ang paningin sa kaharap. Wala siyang makitang kahit na anong emosyon sa mga mata nito, tanging purong itim lang.
"V-Van, ako 'to." mahinang sambit nito bago palisin ang dugo mula sa gilid ng labi nito.
Ngunit wala sa katinuang humakbang papalapit lang sa kaniya ang huli at muli siyang hinawakan nang mahigpit sa buhok bago muling inihagis palayo.
Gustuhin niya mang lumaban ay hindi niya magawa sa takot na baka masaktan niya nang husto ang mga kaibigan.
Sunod na lumapit sa kaniya sina Mitch at Serene.
Nababalot ng tubig ang magkabilang kamay ng dalagang si Serene samantalang napapaikutan naman nang maliliit na ipo-ipo ang katawan ni Mitch. Ilang sandali pa ang naglaon ay magkasabay silang naglakad papunta sa dalaga at agad na nagpakawala nang sunod-sunod na mga atake.
Gamit ang kapangyarihamg hangin ay ipinalutang ni Mitch ang kaibigan sa ere. Ginamit iyong pagkakataon ni Serene, agad siyang bumuo nang mahahaba't matutulis na mga sandata na gawa sa tubig at agad itong itinuon sa direksyon ng dalaga.

BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...