Chapter 6: Confused

26.9K 1K 53
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Theo." simpleng sambit ng lalaking nasa harapan ng dalagang si Shamiere.

Hindi naman kumibo o nagsalita ang dalaga at tanging tinitigan lamang ito. Naalala niyang ito ang lalaking nakabanggaan niya kahapon at ang lalaking nang insulto sa kaniya.

Inakala niyang 'yon lang ang sasabihin nito ngunit hindi niya inasahan ang sumunod nitong binitawang mga salita.

"I'm sorry for calling you stupid yesterday. I was just not in the mood and sadly, you're the one that I've bumped with, that's why I called you such word." mahabang saad nito habang nananatiling nasa mga mata ng dalaga ang paningin.

"Damn it! I've said that i will act like I'm not affected by her presence but here I am, mesmerized the moment i laid my eyes on her perfect face. I even explained why I called her stupid. I also apologized for calling her stupid. I never apologized to someone before but look at what I am doing right now. Heck, apologizing is not even in my vocabulary, but because of this girl right infront of me standing and doing nothing, I did. Damn! This is not so me." usal pa nito sa kaniyang isipan.

Subalit tila'y napahiya lamang ito nang walang ibang ginawa ang dalaga kung hindi siya ay pagmasdan at suriin ang kaniyang kabuuan. Nananatili lamang tikom ang labi nito't hindi nagsasalita.

She didn't say a thing. She just stared at him blankly.

* * * * *


Nakaawang ang labi at hindi makapaniwalang nakatingin ang lahat sa dalawa na siyang pinangungunahan ng dalagang nagngangalang Mitch.

"I can't believe that this is happening." sambit nito sa kaniyang isipan bago suriing muli ang sitwasyon ng dalawa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsalita ang kaniyang kaibigan na mahigit sa limang salita kung kaya't ganito na lamang ang naging reaksyon nila. Bukod doon ay napansin din nila na iba rin ang pakikitungo nito sa dalagang si Shamiere bagay na naghatid nang pagsasapantaha sa kanila.

Kung sa kanila'y malamig ito kung makipag-usap, kay Shamiere naman ay hindi. Hindi rin kasi ito basta-bastang nagsasalita kung kaya naman ay nagulat talaga ang mga ito nang magsalita ang binatilyo nang gano'n kahabang salita. At hindi lang 'yon ang siyang nagpamangha sa kanilang lahat, humingi rin ito ng paumanhin na kailanman ay hindi pa nito nagagawa sa kahit na sinuman.

"Don't tell me, may epekto rin ang taglay na kagandahan ni Shamiere sa kaniya. Na kilala namin na walang pakialam sa kahit na sino dito sa academy. Well, hindi rin naman namin siya masisisi. Sadyang napakaganda talaga kasi ni Shamiere. Pati na rin ang personaliad niya. Parang gusto mo talagang alamin ang pagkatao niya." sa ikalawang pagkakataon ay sambit nito sa kaniyang isipan.

She's interesting, very very interesting.

Nakatuon lang ang kanilang mga atensyon sa dalawang panauhin.

Ang dalagang si Shamiere ay nanatili pa ring tahimik at walang ibang ginawa kung hindi ang taimtim na pakatitigan ang binatilyo.

Ilang saglit pa ang naglaon ay muling nagsalita ang binata bagay na siyang naging sanhi upang tumawa ang kaniyang mga kasamahan.

"W-Well, if you won't accept my apology then fine! It's not that I'm waiting for you to say anything! Tsk." pagkatapos na pagkatapos nitong isaad ang mga katagang iyon ay lumisan ito sa lugar na iyon nang walang pasabi.

Naiwan naman ang kaniyang mga kaibigan na tatawa-tawa habang pinagmamasdan ang papalayo niyang pigura hanggang sa ilang sandali pa'y maglaho na ito nang tuluyan.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon