Chapter 1: The Arrival

69.2K 1.8K 376
                                    

I'm walking in the middle of the woods until I found what I'm looking for.

Infront of me is a gate. A golden giant glamorous gate. Above of it is the name of the Academy.

'Terrensia Academy'

It is made of golds and diamonds.

I stared at it blankly.

Oh well, what do I expect. Afterall we're in Terrensia Magissy, a world full of magic.

As the gate opened I composed myself and walked through it as I remained my emotionless face.

Sa pagtapak ko pa lang sa loob ng akademiya ay napatigil na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga ginagawa at napalingon sa aking direksyon. Maging ang mga naglalakad na mga estudyante ay napahinto at napapagawi sa akin ang kanilang mga paningin. Hindi ko nalang sila pinansin pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Bumungad sa aking harapan ang mala kastilyong akademiya. Sobrang laki nito at sobrang lawak din ng kapaligiran na sakop nito. Ngunit dahil sadyang wala akong pakialam ay hindi ko na ito pinagtuunan pa ng atensyon.

Nang nasa pasilyo na ako ay kagaya kanina napapalingon ang mga estudyante sa aking gawi, ang iba ay nasilayan ko pang natitigilan at napapatulala nang ako ay makita.

I just ignored them.

Patuloy lang ako sa aking paglalakad hanggang sa ilang saglit pa ay natagpuan ko na ang Headmaster's Office.

I knocked thrice on the double wooden door and after I heard a voice saying,

"Come in." I immediately get inside.

Sa aking harapan ay isang lalaking nakaupo sa kaniyang upuan at sa tingin ko ay nasa middle 30's na ang edad. Sinenyas niya ang upuan sa harap ng mesa nito senyales na pinapaupo ako, nakayuko pa rin siya habang may sinusulat na kung ano. Maputi siya, matikas ang pangangatawan at nasisiguro kong malakas base sa kaniyang aura.

Nang sandaling iniangat na niya ang kaniyang ulo ay napatitig sa akin ang gulantang niyang mga mata. Tulala siya habang laglag ang pangang nakatingin sa aking mukha. Tinitigan ko lamang siya gamit ang malamig kong tingin at lihim na napairap sa kaniyang itinuran. Makalipas ng ilang minutong pagkakatitig sa kabuuan ko at nang siya'y matauhan sa kaniyang iniasta ay napatikhim pa muna ito bago tuluyang nagsalita.

"G-Goodmorning miss, how may I help you? Oh, by the way I'm Jiro, the Headmaster of this academy." pormal at nakangiting pagpapakilala niya.

"Enroll." tipid kong sagot at tila nagulat naman siya sa sobrang lamig ng pagkakasabi ko no'n.

"A-Ah okay. So, let me ask you a few questions first." he said and the moment that he realized na wala akong balak magsalita ay nagpatuloy na lamang siya sa kaniyang sinasabi.

"What's your name?"

"Shamiere." i answered blankly.

"Wh-What's your surname?" tanong niya habang nauutal. Seriously? Headmaster ba 'tong kaharap ko?

"None."

"What? Is that even possible? What about your house? Where are you from? What's your power?" sunod-sunod na tanong niya habang nakakunot ang noo. I just looked at him plainly.

Napabuntong hininga naman ito.

"Well, if that's the case, pirmahan mo na lamang ito at magiging regular na estudyante kana rito sa Terrensia Academy at bukas na bukas din ay maaari kanang pumasok. This will be your class schedule." sabi niya at may iniabot sa aking papel. Pagkatapos kong pirmahan ang pinapapirmahan niya ay iniabot ko ang inaabot niyang papel na class schedule ko raw.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon