Chapter 53: Water Kingdom

9.2K 440 33
                                    

Shamiere's POV

"HUWAAAAAG!!!"

Natigil sa ere ang mga sandata ilang dipa ang layo kay John nang marinig kong may sumigaw.Napalingon ako sa gilid at mula sa labas ng force field ay nakita ko si Dawn na kinakalampag ang harang at pilit na sinisira yun.Nagtaka ako sa kinikilos niya,tinapunan ko siya ng tingin at agad itong binalik sa kaharap ko.

Ano ang relasyon niyong dalawa.

"Shamiere!" Sunod kong narinig ang boses ni Theo na tinawag ang pangalan ko kaya muli kong nilingon ang pwesto ni Dawn at dun ko nakitang kasama na niya sina Theo at iba pa.

Seryoso at nag-aalala ang ekspresyon sa mukha niya.Nang dahil sa naagaw nila ang atensyon ko ay nawala ang pokus ko sa lalaking nasa harapan ko.Nabalik lang ito nang sunod sunod kong marinig na nagsibagsakan ang mga sandatang nakalutang sa ere.

Ngumisi siya at akmang susugod ulit pero mabilis akong nakabuo ng kadenang gawa sa apoy at agad itong pinulupot sa katawan niya.

Sa sandaling iyon ay naglaho ang force field na gawa sa itim na enerhiya.Pilit siyang pumapalag mula sa pagkakagapos sa kaniya ng kadena pero hindi niya magawang miski ang makagalaw man lang.

Nakita kong papalapit na sina Dawn samin kasama sina Theo maging ang iba pang mga estudyante.

"John! John?!" Agad na sinubukang hawakan ni Dawn si John pero napahiyaw siya nang mahawakan niya ang kadenang gawa sa apoy na binuo ko.

"Parang awa mo na kunin mo tong kadenang to.Baka masunog si John!" Baling sakin ni Dawn.Pero hindi ako makapag-isip ng maayos.Bakit ganito nalang siya kung umasta pagdating kay John? Kaano-ano niya ba siya?

"But Dawn! That's not John! Someone's using his body!" Biglang sabat ni Serene.Maluha-luha namang napatitig sa kaniya si Dawn.

"Get out of my way!" Narinig ko ang papalapit na boses ni Professor Harson.Nang makalapit na siya ay seryoso muna siyang tumingin sakin bago niya tingnan si John.Wala pa rin ito sa sarili niya.

"Someone's manipulating his body." Saad ni Theo habang nakatingin kay Prof. Tumingin naman si Prof sa kaniya pabalik.

"I know.The creature who's controlling him is a Zokusian for sure,we need to take the black smoke out of his body.Kung tatagal pa to sa katawan niya,maaari niya itong ikamatay." Si Prof.

Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata ni Dawn na lalong nagbigay kaisipan sa akin.

"A-Ano?! Kailangan natin siyang iligtas!"

"Calm down, Ms. Devons.He will be okay." Saad nito sa kaniya at humarap kina Theo.

"Tulungan ninyo akong dalhin siya sa clinic.Tingnan natin kung may magagawa ang mga Derrians at Healers."

"ARGHHHHH!!!" Lahat kami ay muling natuon kay John ang paningin ng kumawala sa bibig niya ang napakalakas na sigaw na tila ba gustong wasakin ang kadenang nakapulupot sa kaniya.Wala nakong pagpipilian pa kung kaya't agad akong bumulong sa hangin ng kung anong salita dahilan para matumba siya sa damuhan ng walang malay.

***

"Napalabas na po namin sa katawan niya ang itim na usok na siyang dahilan kung bakit siya nagkaganun." Sambit ng Derrian.

Nandito na kaming lahat sa loob ng clinic at kasalukuyang kinakausap ang Derrian tungkol sa lagay ni John.

"P-Pero bakit hindi pa rin ho siya nagigising?" Bakas ang pag-aalala sa boses na tanong sa kaniya ni Dawn.Bumuntong hininga naman ito bago nag-aalinlangang tumingin saming lahat.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon