Chapter 92: Winged

13.7K 409 112
                                    

THEO'S POV

As white as snow, as smooth as clouds, and as big as I can tell.

That's how I can describe her wings, her massive angel wings.

My eyes sparkled in disbelief and amazed for what I am seeing right now.

"Sh-Sham. . ." I stuttered. She's right in front of me, kneeling while spreading her heavenly wings to cover me, to protect me.

"I'll risk everything for you." she said in a low melodeous voice.

But right at that very moment, I suddenly felt the dark aura that surrounds us getting stronger.

And for the second time, I heard a loud explosion.

I looked at Sham but she didn't flinched even a little.

She slowly opened her massive wings that made me gap in awe for how big they truly are.

And the moment she once closed them, I saw the dark smoke scattered around us.

Nang tuluyan itong mawala ay nakita ko ang nanlilisk na mga mata ni Zokus na nakatitig sa likuran ni Shamiere.

Muli siyang bumuo ng atake, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na itim na apoy kundi ay isa nang itim na enerhiya na napapalibutan ng kulay itim ding kuryente.

Nanlaki ang mga mata ko at kumakandaliling tinitigan si Shamiere.

Matatamaan siya!

"Sham!" sigaw ko pero bago pa man ako makagawa ng panangga para sa aming dalawa ay napaloob na kami sa isang barrier na gawa sa puting enerhiya.

Hindi ako makapaniwalang napatinging muli sa kaniya.

Gayunpaman ay hindi mababakasan ng kahit na anong takot at kaba ang kaniyang mga mata, salungat mula sa nakita ko kanina. At bagkus ay napalitan ito ng galit nang sandaling lumingon siya sa gawi ni Zokus.

"Dito ka lang."

Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang isinambit niya, nanatiling na kay Zokus ang paningin niya.

"What? No!" pagtutol ko pero hindi na siya nagsalita pa. Walang kahirap-hirap siyang lumabas mula sa barrier at nang akma ko siyang susundan ay nagtaka ako nang hindi ako makalabas sa ginawa niyang panangga.

Kinutuban ako sa kaniyang ginawa.

Kakalabanin niya ng mag-isa ang Hari ng kadiliman!

Sinubukan kong kalampagin ang harang pero tila naging isang babasaging krystal na ito kung kaya't agad kong ginamit ang kapangyarihan ko, sunod-sunod akong nagpalabas ng bolang apoy subalit hindi pa rin ito tumatalab.

Sigaw ako nang sigaw sa pangalan niya pero patuloy lang ang naging paghakbang niya papalapit sa kalaban. Papalapit kay Zokus.

Ilang hakbang nalang at tuluyan na niyang maaabot ang kinatatayuan nito.

"Sham!" buong lakas kong sinapak nang makailang beses ang kinapapalooban kong panangga ngunit ako lang din ang nasaktan. Wala na akong nagawa pa kundi ang tingnan sila habang paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ni Shamiere.

Hindi nagtagal ay naglaho na parang usok ang kaniyang mga pakpak mula sa kaniyang likuran.

Nagsimulang umihip nang malakas ang hangin na siyang tumangay sa mahaba't ginintuan niyang buhok. Maging ang mga tuyong dahon na nagkalat sa kalupaan ay nagsiliparan patungo sa iba't ibang direksyon. Nag-umpisa ring magsisayawan ang mga patay na punong-kahoy sa kapaligiran.

Ilang sandali pa, mula sa kinatatayuan ko ay ramdam na ramdam ko ang biglaang pag-iba ng temperatura, lumamig ang paligid kasabay nang pagyelo nang nilalakaran ni Shamiere, hanggang sa naglipana ang yelong iyon sa buong lugar, maging ang inaapakan ko ay tuluyan nang nabalot ng yelo.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon