Chapter 36: Love In Madness

12.9K 594 127
                                    

SHAMIERE'S POV

Hiyang-hiya akong tumingin sa kanilang lahat matapos kong magpalit ng damit sa likod ng puno. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa matinding hiya na nararamdaman. Hindi rin ako makatingin sa kanila ng diretso.

"I-I." tanging naiusal ko lang. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila matapos nila akong makita sa gano'ng sitwasyon.

Nang tingnan ko sila ay hindi rin makatingin sa 'kin ang mga lalaki at pulang-pula rin ang kanilang mga mukha.

Si Bea ang unang nagsalita kaya napatingin ako sa kaniya.

"Why are you here Sham? At b-bakit nakahubad ka?!"

Napapahiyang naiiwas ko naman ang paningin ko mula sa kaniya.

"I-I thought there's no one who can find this place so I decided t-to swim."

"Nang n-nakahubad?!" biglang sigaw ni Theo dahilan upang maibaling ko sa kaniya ang paningin ko at do'n ko nakitang magkasalubong na ang magkabilang kilay niya.

"I-I. . ."

"You're still a woman, Sham. You should've been be mindful." sabat naman ni Van.

"Tama Sham, paano kung may ibang nakakita sa 'yo rito at may gawin sa 'yo?" dagdag pa ni Mitch.

"I can protect myself."

"Kahit na! Sa susunod na maligo ka 'wag kang maghuhubad!" muli na namang sigaw ni Theo.

"Alangan namang basain ko ang damit ko?!"

"Kung 'yon ang paraan para hindi mo na kailangang maghubad, oo!"

Sa totoo lang ay naiilang na 'ko sa mga pinagsasabi nila.

"Eh, bakit ba galit na galit ka?!"

"Because you're stupid!"

"W-What?!"

"Tsk! I'm outta here!"

Saad nito at nagmartsa papalayo. Agad ko naman siyang pinigilan.

"Sandali! P-Pwede ba kitang makausap?" hindi siya lumingon pero batid kong narinig niya ang sinabi ko.

"For what?" malamig niyang tugon.

"I have to tell you something."

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumagot.

"I'll see you there." batid kong sa tambayan ang tinutukoy niya. Tumango nalang ako kahit na hindi niya 'ko nakita at nag-umpisa na siyang maglakad paalis.

Tumingin naman ako sa mga kaibigan namin at marahan nila akong tinanguan senyales na sumunod na 'ko sa kaniya. Ngumiti lang ako ng tipid at napapahiyang iniwas ang paningin sa mga lalaki bago tuluyang sumunod kay Theo.

Nang makarating ako sa bahay sa gitna ng gubat ay naabutan ko siyang nakaupo sa upuan habang nakasandal at nakatingala sa kisame.

"T-Theo." tawag pansin ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa gawi ko at tumayo, naglakad siya patungo sa 'kin at tumigil sa harap ko.

"I-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.

"Not in here." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Saan?"

"Follow me."

* * * * *

Natagpuan ko ang sarili kong nakasunod kay Theo paakyat sa. . . rooftop?

Hindi pa 'ko nakakapunta rito ni minsan kaya no'ng tuluyan kaming makaakyat sa itaas ay namangha ako dahil tanaw na tanaw mula rito ang kabuuan ng akademiya. Mas nasiyahan pa 'ko dahil sa preskong ihip ng hangin na siyang dahilan nang paglipad ng iilang hibla ng buhok ko.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon