Chapter 13: Curiousity Begins

21K 856 10
                                    

THIRD PERSON'S POV

Matapos sumabog ang buong entablado ay bumaba ang dalaga mula sa pagkakalutang sa ere at dire-diretso itong lumabas patungo sa labasan.

Muling bumalik sa dati ang ekpresyon at emosyon ng mukha nito na tila ba'y parang walang nangyari. Habang ang lahat nama'y laglag ang panga at nanlalaki ang mga mata na animo ba'y hindi makapaniwala sa kanilang mga nakita.

Nang makabawi sa pagkagulat ang mga Royalties ay agad silang nagsitakbuhan upang habulin ang dalaga.

Huminto ang babae nang marinig niyang tinatawag siya ng kaniyang mga kaibigan.

Nasa mawalak na damuhan na sila ng field sa labas nang pinangyarihan niyon nang lumingon ito sa kanila.

"Sh-Sham!" usal ni Mitch habang hinahabol ang paghinga.

Hindi pa rin sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan kanina lang.

"W-We missed you! Saan ka ba nagpunta, ha? Pinag-alala mo kaming lahat!" saad naman ni Bea. Hindi kumibo si Shamiere at tiningnan lang sila.

Maya-maya pa ay nagulat siya nang bigla nalamh siyang batukan ni Yvonne.

Malamig niya itong tinitigan. Napaatras naman ang huli sa takot nang maalala niya ang kayang gawin ng kaniyang kaibigan.

"A-Ah, eh, para 'yan sa pag-alis mo na walang paalam!" utal na sambit nito at agad na nagtago sa likod ng binatang si Theo. Natuon naman ang pansin ng dalaga sa lalaki. Titig na titig ito sa kaniya at tila ay may malalim na iniisip.

"I missed you." sabi nito sa kaniya kaya tiningnan niya lang ito bago tinanguan.

 "May I ask, what's your power?" dugtong ni Theo na siyang nagpatigil sa kaniya.

"Oo nga, Shamiere. Grabe, ang astig mo

kanina!" singit ng binatilyong si Gino.

"Ano nga ba ang kapangyarihan mo?" sabat naman ni Megan na tila ba'y nagsasapantaha.

"Ang tagal na nating magkakaibigan pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sinasabi sa amin kunh ano ang kapangyarihan mo." nagtatampong sabat naman Kianah.

"Oo nga naman, Shamiere. Ano nga ba ang kapangyarihan mo? Kanina kasi hindi namin matukoy kung ano 'yon." giit pa ni Eros.

Naghihintay naman ang iba sa isasagot niya. Pero bumagsak lang ang kanilang mga balikat nang magsalita ito.

"I'm tired." saad nito at nag-umpisa nang maglakad patungo sa dormitoryo nila.

Wala na silang ibang nagawa pa kung hindi ang pagmasdan ang likuran nito hanggang sa mawala na ito sa paningin nila.

Napabuntong hininga na lamang sila.

"Tingin ko tuloy ay hindi pa natin siya lubusang kilala." paunang sambit ng dalagang si Mitch.

"Paano ba naman, kahit na isang detalye ay wala tayong alam tungkol sa kaniya, maliban nalang sa pangalan niya." nakatungong dugtong pa nito na siyang muling ikinabuntong-hininga ng kaniyang mga kasama.

"Hayaan na muna natin siya. Maybe she's just really tired, we'll just talk to her tomorrow. For now, let her rest." pahayag naman ni Van.

Sumang-ayon naman sa kaniya ang lahat at nagpasyang puntahan nalang ang tatlong estudyanteng hanggang ngayon ay nakaratay pa rin sa silid-pagamutan.  Balak nilang simulan na ang misyong iniatas sa kanila ng punongguro.

Sumama na rin sa kanila sina Bea at Yvonne.

Nang marating nila ang kwarto sa clinic na kinaroroonan ng tatlo ay wala pa ring pinagbago. Wala pa ring malay ang mga ito at ang mga sugat at pasa sa kanilang katawan ay makikita pa rin.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon