THIRD PERSON'S POV
Lahat ay napatigil sa biglaang pagpasok ng isang misteryosang babae.
Maging ang mga Hari't Reyna ay tulala habang nakatitig sa kaniya.
Lahat ay napasinghap sa angkin niyang karikitan.
At hindi man makita ang kaniyang wangis ay natitiyak ng lahat na siya ay may angking kagandahang labis-labis na nakakaakit.
Kagandahang walang kapantay.
Kagandahang pamatay.
Mas nakaagaw pa ng pansin ang suot nitong sadyang walang kapantay na tila ba'y gawa sa liwanag ng buwan.
Iba't ibang uri ng dyamante ang nagsilbing palamuti sa kaniyang katawan.
Ang maalon niyang kulay gintong buhok ay kay gandang pagmasdan na tila'y tubig sa karagatan.
Ang kaniyang maskara ay nakakasilaw kung pagmamasdan dahil sa ginto nitong kulay.
Subalit ang siyang higit na mas nakaagaw sa pansin ng lahat ay ang kakaibigang enerhiyang nagmumula sa kaniyang dagap.
"She's like a Goddess."
"Who. . . Who is she?"
"She looks so heavenly."
Nagsimulang umugong ang sunod-sunod na bulungan sa buong kapaligiran.
Ngunit ang paningin ng binatilyong si Theo ay nanatiling nakapako sa babaeng ngayon ay nakatitig na rin sa kaniya.
At doon ay tuluyang kumabog ang dibdib niya.
"Ang kaniyang mga mata, napakapamilyar." wala sa sariling sambit nito sa isipan.
"I thought the theme color of this event is black, then why is she wearing white? Attention seeker much? And duh, this is not a Masquerade ball, why does she have to wear a mask?" inis na anas sa sarili ng dalagang si Amanda.
Hindi nagtagal ay nagsimulang humakbang ang dalaga.
Ang lahat ng mga taong nadaraanan niya ay sunod-sunod na nagsisihawian upang siya ay bigyan ng daan.
At dahil sa paglalakad niya ay muli na namang humalo ang kulay puti't ginto sa kaniyang kasuotan.
Nakakamanghang tingnan, sadyang bukod-tangi sa lahat.
Ngunit ilang saglit pa ang nagdaan at ganoon na lamang ang agarang paggugulumihanan at pagtatakang bumalatay sa mukha ng lahat nang sandaling mag-umpisang humakbang ang dalaga patungo sa lalaking nanatiling tulala habang wala sa diwang nakatitig sa kaniya.
At habang binabagtas ang daanan ay hindi maawat ang mga kababaihan at maging ang mga kalalakihan sa pagtitig sa kaniya.
Lahat ay pinagmamasdan ang bawat paggalaw niya.
At bawat hakbang na gawin niya ay siyang pamumuo at pagkawala ng mga gintong paru-paro mula sa kasuotan niya na mas lalong nagpatingkad sa kahiwagaang tinataglay niya.
Ilang minuto pa ang naglaon at tuluyan na niyang narating ang kinaroroonan ng binata.
Ang kinaroroonan ng magkakaibigan.
Ngayon ay nasa kanila na ang atensyon ng buong panauhin.
Wala itong ginawa kung hindi ay ang pagmasdan ang binatilyo sa mga mata nito na siyang agaran namang tinugunan ng huli.
Nanatili lang silang nasa ganoong sitwasyon nang bigla na lamang silang matigilan dahil sa biglaang pagsingit ng kung sinuman.
"Oh, hi there, miss, my name is Lash, pleased to meet you." nang-aakit ang tinig at abot tenga ang ngiting sambit ng binata na pumunta pa sa harap ng kaibigan upang ilahad ang kamay nito sa dalaga.

BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...