SHAMIERE'S POV
Masaya kaming naglalakad nina Bea at Yvonne patungo sa silid-aralan namin nang bigla na lang humarang sa daanan namin si Amanda.
Mag-isa lang siya at hindi niya kasama ang mga kaibigan niya.
"Headmaster told me to call you. Pumunta ka raw sa office niya." magkakrus ang mga brasong sambit niya. Tumango lang ako at akmang tatalikuran na namin siya nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko.
"Shamiere!"
Nilingon namin siya at nagtatanong ang ekspresyon ng mukha ko na tumitig sa mga mata niya.
"Fine! Pumapayag na 'kong maging kaibigan ka! I know naman na gustong-gusto mo nang maging kaibigan ako kaya pagbibigyan na kita. I'll be your friend! But keep this in mind!" aniya pa at dinuro ako.
"Sa ating dalawa, ako pa rin ang mas maganda! Bye!" dagdag niya bago tuluyang nagmartsa paalis.
Napaawang na lang ang mga labi ko dahil sa aking narinig.
At kailan ko sinabing gusto ko siyang maging kaibigan?
"O-Okay? HAHAHAHA!" tuluyan nang humagalpak ng tawa ang dalawa.
"HAHAHA! Ano 'yon? No'ng isang araw lang ay muntik na kayong magpatayan tapos ngayon ay sasabihin niyang magkaibigan na kayo? At ikaw pa ang may gusto, ah? HAHAHA tibay!" tatawa-tawang anas ni Bea na nagpatawa na rin sa akin.
Ramdam ko naman ang pagiging sinsero ni Amanda kahit na pataray ang pagkakasabi niya no'n. Kaya mas mabuti na 'to, kahit papaano ay mababawasan ang mga kaaway ko.
"Hayaan niyo na lang." napapailing na sambit ko sa kanila.
Hindi kalaunan, nang natapat na kami sa hagdan papunta sa silid namin ay huminto ako kaya tumigil din sila mula sa paglakad.
"Mauna na kayo, susunod na lang ako. Didiretso na muna ako kay Headmaster."
"Gusto mong samahan ka namin?" pagpresinta ni Yvonne ngunit umiling lang ako.
"Hindi na kailangan, ako na bahala, pero salamat." hindi naman na sila nagpumilit pa at umakyat na sa itaas kaya nagpasya na akong magtumgo sa opisina ng punongguro.
Paglaon ng ilang minutong paglalakad ay agad akong nakadatal sa pintuan ng silid ng punongguro. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob.
Nang makapasok sa kaniyang silid ay agad ko siyang naabutan na seryosong nakatingin sa labas ng durungawan kung kaya't tumikhim ako upang makuha ang atensyon niya.
Nang mapansin na niya ko ay umayos siya ng upo bago iminuwestra sa akin ang bakanteng taborete sa harap ng kaniyang mesa. Agad naman akong umupo ro'n at mariing tumingin sa kaniya.
"Bakit niyo ho ako ipinatawag?" diretsong tanong ko sa kaniya.
"Natutuwa akong napagtagumpayan ninyo ang inyong misyon." paunang wika niya bago bumuntong-hininga.
"Ngunit Shamiere, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Maraming estudyante ang nakakita ng pag-aaway ninyo ni Mr.Wintson, maging si Professor Harson ay nasaksihan niya rin ang nangyaring tunggalian sa pagitan ninyong dalawa. At ang sinasabi nila sa 'kin ay nakita nila kung papaanong humilom ang mga sugat mo. Was that true?" dagdag katanungan niya na siyang nagpabilis nang tibok ng puso ko.
"Mahalaga pa ba 'yon, Headmaster?" pilit na itinatago ang pangamba sa tinig na tugon ko.
"Ang importante ngayon ay maayos na ang kalagayan ni John." dugtong ko pa.
"Just answer my question, Shamiere. Is it true?" muli na naman akong nagpakawala ng isang malalik na buntong-hininga bago siya sagutin.
"O-Opo."
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...