Chapter 51: The Key

9.5K 425 25
                                    

Shamiere's POV

Kinaumagahan nagkakagulo ang lahat.

Nang lumabas kami galing sa dorm namin ay bumungad samin ang nagkukumpulang mga estudyante sa harapan ng library.Sira ang pintuan at mula dito sa labas ay kitang-kita namin ang nagkatumbahang mga shelves ng mga libro.

Nakita pa namin sina Theo sa loob.

Nung sinubukan naming pumasok ay hinarangan pa kami ng ibang facilities pero nang makita kami ni Theo ay sinenyasan niya itong papasukin kami.

"Good morning." Bati niya samin at lumapit siya sakin.Hinalikan niya ko sa noo at bahagyang ngumiti.Pero hindi ko yun nagawang suklian dahil alam kong may nangyayari.

"Sorry about yesterday hmm?" Dagdag pa niya.Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya at walang imik.Mabuti nalang at inunahan nang magtanong ni Bea.

"Uh Theo, anong nangyari dito?" Tanong niya habang nililibot ang paningin sa buong silid.

"We still don't know.In fact,we just informed that the library was already a messed and this is what we've saw when we arrived here." Sagot niya dito.Hindi kalayuan ay nakita ko naman ang iba na papalapit na sa amin.

"Hey guys! Morning." Bati nina Gino samin.Tinanguan ko lang sila samantalang bumati naman pabalik sina Bea sa kanila.Nakita ko pang sumulyap sakin si Serene pero hindi ko nalang yun pinansin pa.

"Any clues what happened?" Baling sa kanila ni Theo.Nagkatinginan muna sila bago nagsalita si Van.

"We found this cloak." Paunang bigkas niya at inangat ang hawak-hawak niyang itim na cloak.Kumunot ang noo ko.

"We think that this cloak was owned by him or her.The one who broke in here."

Lumapit ako papunta sa kaniya.Nananatiling nasa hawak niya ang paningin ko.

Taka naman niyang binaling sakin ang paningin niya.

"Bakit Sham?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya,pagkuwa'y kinuha ko ang hawak niyang cloak at tinitigan itong mabuti.Sinubukan kong alamin kung sino ang nagmamay-ari nito,dahil sigurado akong nandito lang siya sa loob,merong traydor sa Akademiya.

"Ah!" Napapikit ako at napahawak sa sintido ko ng bigla itong sumakit.Isa lang ang ibig sabihin nito.May napakalakas na mahika ang nakabalot sa cloak nato.Isang itim na mahika.Ngunit ang ipinagtataka ko lang,bakit hindi ko magawang malaman ang gusto kong alamin.

"Sham?Bakit?" Nagsilapit sila sakin.

"Wala." Yun lang ang sinagot ko sa kanila at binalik kay Van ang hawak kong cloak.Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsulyap sakin ni Mitch na tila nag-aalala.Tipid lang akong ngumiti sa kaniya.

"Pero ano naman ang ginawa nang may-ari ng talukbong na yan na parang hinalughog ang buong library." Saad ni Yvonne.

"Baka may hinahanap." Ani Megan.

"Eh? Ano naman ang hahanapin niya dito sa library?" Bea.

"Malamang libro!" Sagot sa kaniya ni Eros na parang yun ang pinaka obvious na dahilan.

"Tse!"

"Pero kung libro ang hinahanap niya,she or he can borrow it anytime.Hindi na niya kailangan pang halughugin tong buong library at sirain ang pintuan." Si Mitch.

"Tama ka Mitch, i think it has to do with something...important." ani Theo.

Hindi nako nakinig pa sa usapan nila.Alam ko naman na kung ano ang gustong kunin ng mga kalaban dito sa loob ng silid-aklatan,pero bigo silang makuha yun.Alam kong may koneksyon ito sa sulat na napulot ko kagabi.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon