THIRD PERSON'S POV
Napaliyad si Yvonne nang sabay-sabay na umatake ang mga kasamahan ng binatilyong si John gamit ang hawak-hawak nilang mga sandata.
Ginamit niya ang kaliwa niyang kamay upang bumuo ng mahabang espada na gawa sa buhangin.
Muli siyang tumayo at masamang tinitigan ang lalaki.
"Magbabayad ka sa kalapastanganang ginawa mo!" nanggagalaiting sigaw niya sa kaharap.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na isa itong taksil.
Halos araw-araw nila itong nakakasama sa silid-aralan, halos araw-araw nakikita. Subalit 'yon pala ay isa itong kalaban. Isang traydor.
Nagpupuyos sa galit ang loob-loob ni Yvonne.
"'Wag kang puro salita, Yvonne! Gawin mo!" nang-uuyam namang tugon ni John bago sunod-sunod na pinaulanan ng mga patalim na nagmula sa kung saan ang dalaga.
Mabuti nalang at mabilis na nakagawa ng panangga ang huli upang protektahan ang sarili.
Nang mapagtantong tumigil na ang mga ito sa pag-atake ay pinalaho ng dalaga ang ginawa nitong harang ngunit gano'n na lamang ang gulat niya nang makita niyang pinalilibutan na siya ng mga kalaban.
Isa laban sa lima.
Subalit hindi siya natinag.
Marahas niyang pinaikot ang espadang hawak niya dahilan para mapapikit ang mga ito sa buhanging kumakawala mula rito.
Ginamit ng dalaga ang pagkakataong iyon upang makagawa ng panibagong atake.
Bumuo siya ng ipo-ipong gawa sa buhangin sa harap niya at pinalaki ito nang pinalaki.
At saktong sa pagdilat ng mga mata ng mga kalaban ay ang sunod-sunod na pagtama ng buhangin sa kanila't ang pagtangay nito sa mga katawan nila dahilan para tumilapon sila sa iba't ibang direksyon.
Ngunit may iisang natitira.
Si John.
"Hindi mo 'ko matatalo ng basta-basta nalang, Yvonne. Hindi ako katulad nilang mahihina." nagmamalaki ang tinig na wika nito at pagkuwa'y pinagsaklob ang mga palad.
Kasabay niyon ay ang pagsinghap ng dalaga nang bigla na lamang siyang masakal ng kwintas na nasa leeg niya.
"Hindi mo ako kaya." dagdag pa nito at muling kinontrol ang mga sandatang gawa sa metal.
Dahan-dahan niyang pinalutang ang lahat ng ito sa ere at itinuon sa direksyon ni Yvonne na ngayon ay hawak-hawak ang leeg upang mapigilan ang pagkakasakal sa kaniya ng kwintas.
At sa mga susunod na sandali, akmang bubulusok na ang lahat ng mga sandatang iyon sa katawan ng dalaga nang makaramdam ang binata ng presensya mula sa likuran niya.
Nasilayan nito ang marahang pagngiti ng kaharap kung kaya't lalo itong kinutuban.
Akmang ililihis na nito ang atakeng ginawa patungo sa likuran niya nang bigla na lamang siyang matumba't mapasalampak sa damuhan nang lingunin niya ito nang malakas na tumama sa kaniyang mukha ang kamao ni Kianah.
Naghuhurumintado itong tumayo't napadila sa sarili nitong mga labi nang sandaling malasahan nito ang dugong nagmumula ro'n.
"You'll pay for this, bitch!" nangangalit nitong asik at mabilis na iniangat ang kaniyang mga kamay. Matapos no'n ay sunod-sunod na punyal ang nagsiliparan patungo sa dalagang si Kianah na mabilis naman nitong nailagan.
Nang makawala si Yvonne mula sa pagkakasakal ay agad niyang hinabol ang kaniyang hininga at dali-daling tumakbo papunta sa likod ng binata upang saksakin, ngunit bago pa man niya ito magawa ay naunahan na siya ng huli.

BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...