Chapter 81: The Enchanting Enigma

11.8K 429 79
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nakarating sa harap ng isang matayog at may kalakihang pintuan ang dalawang magkaibigan na sina Bea at Yvonne kasama ang dalawang kalalakihang sina Eros at Gino.

Hindi na sila nag-alinlangan pa't agad nang kumatok sa pintuan na siyang agaran namang nabuksan.

Tumambad sa kanilang harapan ang isang napakalawak na bulwagan na punong-puno ng mga mamahaling kagamitan.

Labis na napakaganda't napaka-engrandeng pagmasdan ang buong kapaligiran bagay na siyang ikinamangha ng dalawang kababaihan.

"Woah." namamangha ang tinig na naibulalas ni Yvonne habang hindi maawat sa pagmasid sa buong silid.

"A-Ang ganda." agad ding pagsegunda ni Bea na ikinatawa ng dalawa nilang kasama.

"Shall we?" walang ano-ano'y tanong ni Eros na agad na inilahad ang kamay sa harap ni Bea.

Dahan-dahan namang napatango ang huli bago tuluyang iniabot ang kamay ng lalaki't tuluyang pumasok sa loob ng engrandeng bulwagan. Hindi kalaunan at agad naman silang sinundan ng kanilang mga kaibigan.

Dumaan sila sa isang malawak na mwebles na sahig, at habang naglalakad ay hindi pa rin mapigilan ng dalawa ang mamangha't purihin ang kagandahan ng kanilang kinapapalooban.

Halos ginto ang lahat ng bagay na kanilang nakikita, lahat ay tila ba'y kumikislap, kumikinang.

Ngunit napatigil sila sa gitna ng kanilang paglalakad at magkasabay na napatingala sa itaas.

Sunod-sunod na napaawang ang kanilang mga labi nang sandaling masilayan nila ang isang napakalaki't napakagandang kandelabro. Kulay ginto rin ito at sadyang kakaiba ang ilaw na nagmumula rito.

Sadyang nakakamanghang pagmasdan.

Tatawa-tawang napapailing nalang sa kanila ang dalawang lalaki at muli na silang inakay papunta sa sarili nilang mesa.

Nang marating ito ay doon nila nakita ang iba pa nilang mga kaibigan. Tumayo ang mga ito at binati sila.

"Wow! Both of you look so gorgeous in those gowns." papuri sa kanila ni Serene habang nakangiting pinagmamasdan ang kanilang kabuuan. Kagaya ng lahat ay nakasuot din ito ng kulay itim na kasuotan na may palamuting kulay asul na mas lalong nagbigay pansin sa kaniyang kagandahan.

"Salamat! Ang ganda ganda mo rin ngayon." agad na tugon sa kaniya ni Yvonne.

"Ngayon lang?" pabalik na biro sa kaniya nito dahilan upang sila ay magtawanan.

"Pero seryoso, ang gaganda niyo rin talaga ngayon." sinserong sambit ni Bea na pinasadahan pa sila ng tingin bawat isa.

Kakaiba ang mga damit nila dahil sa bukod na kulay itim din ang mga ito ay umiinggat ang mga elementong tanyag nila sa kani-kanilang mga kasuotan. Sa isang tinginan pa lang ay alam na alam na kung anong kapangyarihan ang hawak nila.

"Salamat." nakangiting sagot ni Mitch sa dalawa.

"Nasaan na nga pala si Theo? Bakit wala siya rito?" maya-maya pa ay tanong ni Gino nang mapagtantong wala ang kaibigan. Luminga-linga pa ito sa paligid sa pagbabakasakaling makita ang hinahanap.

"Hindi ba kayo nagkita? Ang sabi niya kasi susunod nalang daw siya, pupuntahan niya raw si Shamiere." pahayag ni Megan.

"Ha? Hindi eh, hindi namin siya nakita, baka nagkasalisihan kami. Pero kung pupuntahan niya si Sham ay wala siyang aabutan do'n. Wala si Sham sa dormitoryo nila, umalis raw sabi ni Bea." mahabang litanya naman ni Eros dahilan upang sabay-sabay na mapabaling ng tingin kay Bea ang mga ito.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon