"Nay, seryoso po kayo? Eh lumang luma na po ito. I-donate niyo na lang po ito sa museo." Untag ko.
I shifted my eyes as I sniffed.
"Ito ang sagot sa lahat ng katanungan mo." Muli akong napatingin sa kaniya.
Matatawa sana ako pero napalunok ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin, she's like threatening me if I won't buy this.
"Nay, wala po akong pera. Naubos na sa alak." Usal ko.
Papikit-pikit na ang mga mata ko at nagdadalawa na rin siya sa paningin ko. I couldn't recognize her face.
Kinuha nito ang libro at pinatong sa hita ko, agad namang napunta ro'n ang tingin ko.
"Kahit ilang barya lang, hija, sa'yo na ito. Bigyan mo lang ako ng barya." Napakunot noo ako.
Naguguluhan akong kumuha ng barya sa bag ko at binigay 'yon sa kaniya.
"Salamat, hija. Iuwi mo 'yan ha? Iuwi mo sa inyong tahanan." Hinaplos nito ang kamay ko at naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente roon.
Sinundan ko lang siya ng tingin. At napakurap ng ilang beses habang pinagmamasdan ang lumang libro.
Nakakatakot naman yun.
Anong gagawin ko rito?
Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ang cellphone ko at earphones. It's my wire earphones against the world.
Sinalpak ko ang earphones sa cellphone ko at nakinig ng kanta.
[Got to Believe in Magic by David Pomeranz playing ♫ ]
"Got to believe in magic, tell me how two people find each other. In a world that's full of strangers. You got to believe in magic..." Pagsabay ko sa kanta habang naglalakad papasok sa bahay namin.
Palihim akong pumunta sa likod ng bahay at doon pumasok.
Nang walang ginagawang ingay, mabilis akong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.
Napahinga ako ng malalim nang marating ang kwarto ko.
"Gosh! Hirap talaga tumakas." Bulong ko sa sarili at binuksan ang ilaw.
I sat on my bed and scanned the book. I got intrigued suddenly, anong meron sa libro na 'to at pinipilit ng matandang 'yon na buksan ko?
I opened the book at nahulog doon ang isang papel. Pinulot ko 'yon at putol na litrato lang ang nakita ko.
Isang lalaking naka-tuxedo at naka sumbrero pa. Putol ang kalahati ng litrato kaya tanging kalahati lang din ng katawan niya ang kita.
"Well, in fairness gwapo." Usal ko. Binalik ko ang litrato sa libro at sinarado ulit.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Gwen na nakauwi na ako. Sana lang walang nangyari doon, chinat ko rin naman ang manliligaw niyang si Raze na puntahan si Gwen sa bar.
Napipikit ko na ang mga mata ko kaya wala ng pakialam kung amoy alak ba ako at nahiga na sa kama ko.
I want to sleep. I want this pain to leave me when I fall in my gentle surrender. I want this pain to be just a nightmare.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko pero hindi ko na pinansin pa at tuluyan na akong nakatulog.
Naalimpungatan ako at ramdam ko ang mabigat kong ulo.
Masyado akong maraming nainom at ramdam ko pa rin ang tama ng alak.Hangover malala shuts!
Bumangon ako sa higaan kahit halos biyakin na ang ulo ko sa sakit.
Bumaba ako at pasimpleng nagpunta sa kusina para magtimpla ng orange juice, this is my hangover cure.
Naabutan ko si Aichille na nakangisi sa'kin. Nakadantay ito sa sink habang may hawak na grapon ng gatas, pinapapak niya.
"Sakit ng ulo mo 'no? Nagrereklamo si Gwen, iniwan mo raw sa bar." Nanlaki ang mga mata ko sa lakas ng pagkakasabi niya.
Mabilis akong lumapit sa kaniya at pinalo ang braso niya.
"Shut up ka nga! They don't know. They might here you. Baka magising pa sila." Usisa ko at pinagbabantaan ng tingin.
"They don't know nya nya." She mocked.
Inirapan ko lang siya at nagbukas ng fridge, kumuha ako ng isang scoop ng orange powder at nilagay iyon sa baso. Naglagay din ako ng water na hindi malamig para matunaw ng maayos ang powder.
"Siya nga pala sis, nakita kong may libro na dala-dala si lola kanina galing sa kwarto mo yata? nasa basement eh. Ang weird ni Lola kanina, akala mo may tinatago."
Humarap ako sa kaniya at uminom ng juice. Napatingin din ako sa orasan at ala-una na ng madaling araw ngayon.
I went home by 11 o'clock kanina.
"Si Lola pumasok sa kwarto ko kanina?" Tumango ito.
Sinarado na niya ang grapon ng gatas nang makarinig kami ng yapak na agad ding nawala.
"Saan niya nilagay? Alam mo?" Mahina kong tanong.
"Oo, sinundan ko eh." Aniya.
Anong meron sa librong 'yon at kailangang itago ni lola? Kinapa ko ang bulsa ko at nando'n pa ang cellphone ko habang nakasalpak ang earphones.
"Samahan mo 'ko, kukunin natin." Mungkahi ko kay Aichille.
Inirapan muna ako nito bago kunin ang grapon ng gatas at naunang maglakad.
Mabilis din kaming nakarating sa basement na maalikabok.
Flashlight lang ang tanging gamit namin para hindi mahalatang may tao sa loob.
"Where was it?" Tanong ko kay Aichille na kinakapa ang malaking estante.
"Wait okay? Don't be pressured. I know where was it." Aniya.
Pinatong ko ang grapong pinahawak niya sa'kin at tinulungan siyang maghanap. Tinutok ko ang flashlight sa mga librong nasa shelf.
I have to find that book.
"Iikot lang ako sandali." Usal ni Aichille. Hindi ko na ito pinansin at abala sa paghanap ng libro.
"Oh! I got you." Mahina kong bulong at pinagpagan ang libro. Ang bilis naman kapitan ng alikabok.
I opened the book on its first page. Hanggang sa mapunta sa chapter 1 ng libro.
My eyebrows furrowed.
"Eh historical book lang naman pala 'to eh." Binuksan ko pa ang ibang pahina hanggang sa marating ko ang kalagitnaan ng libro.
"Psh! Normal na libro lang pala."
Akmang isasarado ko ang libro nang umilaw ito.
Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ko ang hawak kong flashlight. Napasandal din ako sa estante at pinanood ang librong umilaw.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...