May kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya tumayo ako para pagbuksan siya. It was Gwen.
Hindi ko siya hinintay makapasok at bumalik na lang sa pagkakadapa sa higaan ko.
“Bes why ka naman nag-walk out? Nalumbay bebe mo do'n hoy.” Sinilip ko siya at muling sinubsob ang mukha ko sa unan. Nang hindi makahinga ay humilata na lang ako.
“Oh bakit nga? Ngayon hindi ka makatulog 'no? Wala kang sleeping pills dito ah.” Aniya. Napatingin ako sa kaniya.
“I think... I don't deserve him.” Nagsalubong ang mga kilay niya. Napabuntong hininga naman ako.
“Anong you don't deserve him? Girl, after 2 years of settling sa bare minimum niyo ni Kayden and his mixed signals, red flag and you being the flag pole, sa sobrang pain na dinanas mo and traumas in love, deserve mo siya, deserve na deserve.” Anito. Bumangon ako at umupo ng maayos.
“He's too perfect. Sige, sabihin ko na lang na deserve ko siya but he don't deserve me. Kulang kulang ako eh.” Napakamot siya sa buhok niya.
“Kaya nga siya dumating sa buhay mo 'di ba, to make you whole.” She said.
“Edi panakip butas ko siya pag gano'n? Ang pangît namang pakinggan.” Inirapan niya ako at mahinang kinurot. Napadaing naman ako pero inirapan niya lang ulit ako.
Ang attitude talaga ng brvhang 'to!
“Bakit? Gagawin mo lang ba siyang panakip butas mo tapos kapag buo ka na, itatapon mo na lang? Woman up if you have that mindset, Ali." She seriously uttered.
You know she's serious already when she call me “Ali”.
“Ah basta, I just don't think I deserve him.”
“Hoy teh, hindi 'to scene sa mga AU stories na ikaw mahirap tapos shota mo mayaman tapos sasabihin mo hindi mo siya deserve kasi ulam mo corn beef lang samantalang yung shota mo steak na medium pa ang pagkakaluto tapos may chandelier sa taas at tiles pa ang kisame. 'Yon ang hindi mo deserve.” Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Puro TikTok kasi nasa utak nito eh.
“Eh may chandelier din sina Sebastian sa bahay nila eh tapos every morning din may beef sa ulam nila at iba pang mahal na ulam, ang pamilya rin nila ang pinaka mayaman sa buong Maynila.” Kwento ko.
“'Yon lang.” Napapakamot niyang tugon.
Oo nga 'no? Sa panahon namin, hindi kami mayaman, may kaya lang na kayang sustain ang luho ko. Unlike Xelvestry family, they were rich and flowing with wealth.
“Nevermind that. Gusto mo ba siya? Or may special ng lugar diyan sa puso mo?” Tumango ako sa kaniya.
What's the sense of denying the obvious? Kahit ngayon lang, magpakatotoo na'ko sa sarili ko.
“Then you deserve him, pareho naman pala kayo ng nararamdaman eh.” Usal niya.
Napa-iwas naman ako ng tingin at pinaglaruan ang mga kamay ko.
“Kaso...” Hindi ko tinuloy ang sinasabi ko at bumuntong hininga.
“Sabi kasi ni Tiya Teresita, sa oras na ma-in love ako sa panahon na 'to tapos mai-in love rin sa'kin yung lalaki, babalik na ako sa panahon ko and I fear that. What if magising na lang ako nasa kama ko na ako? Paano si Sebastian? I can't. Hindi ko kakayanin. I don't want another pain, I don't want this to be the hardest and my greatest pain.” I pursed my lips.
“That's what bothers you?” Tumango ako.
“Ang saklap naman. Wala na akong masabi pero siguro i-enjoy mo na 'to? Malay mo kapag nakita ni Tiyang na masaya ka rito, bigyan ka ng extension.” Sinamaan ko siya ng tingin.
Extension talaga?! Wow!
Tatlong oras lang ang tulog ko kaya antok na antok ako ngayon. Nasa simbahan kami ngayon dahil bibisitahin daw namin ang kakarating lang na sakristan ng simbahan na galing pa sa Bulacan.
“Oliver, sila ang aking mga pamangkin. Sina Aecy Alliyah at Gwen... Aecy? Gwen? Si Oliver, ang bagong sakristan ng simbahan.” Napatingin ako sa lalaking nakangiti sa amin. Nag bow siya, gano'n din kami.
“In fairness, pogi siya. Hawt niya sis.” Siniko ko si Gwen dahil pinagnanasaan na niya yata 'tong sakristan. Langyang babaetang to!
“Patawarin ka sana ng Panginoon.” Pabiro kong usal sa kaniya. Tumahimik naman siya agad.
Nakatayo lang kami dito habang nag-uusap sina Oliver at Tiya Teresita.
“Sadyang mapaglaro nga ang tadhana, ano. Narito ka pala, babaeng higâd.” Napairap ako nang makilala ang maarteng boses na 'yon. Higâd ampûta!
Nilingon ko siya at mataray niya akong tinitignan, nakataas din ang abaniko niyang hawak.
“Oh nandito ka rin pala, buti hindi ka nasunog nung pumasok ka ng simbahan?” Nanlaki ang mga mata niya. Sinarado niya ang abaniko niya at tinutok iyon sa'kin.
“Napaka básûra talaga ng iyong ugali! Hindi ko maintindihan kung bakit ikaw pa ang natitipuhan ni Ginoong Sebastian, masyadong básûra ang iyong pag u-ugali." Tinaasan ko siya ng kilay. Paulit-ulit?
“Kaligayahan mong manlait at mang insulto ng kapwa mo 'no? Masyado mo namang pinapahalata na naiinggit ka sa bàsûrang ugaling 'to at ako pa ang nagustuhan ng taong gusto mo.” Pinanlakihan na naman niya ako ng mata.
“Hi-Hindi ko talaga nais ang habas ng iyong bibig!” Inis niyang singhal.
“May sinabi ba akong gusto ko yung sa'yo? Feelingera, duhhh!” Inirapan ko siya. Nanlaki na naman ang mga mata niya.
Bagay nga nagmu— mukha siyang chanâk.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...