“Yung sinabi mo kanina, hindi mo ako kailangang mahalin ng palihim. Dahil kahit anong pagtatakip ko sa katotohanan ay hindi ko maitangging ikaw lang ang babaeng minahal ko at hanggang ngayon mahal ko.” Ang bilis ng pangyayari.
Hindi ako makahinga. Hindi na kumukurap ang mga mata ko. Both of my hands freezes.
That's all happened when he leaned forward and gave me a gentle kiss. HE FVCKING KISSED ME!
Magkadikit pa rin ang mga labi naming dalawa.
“I love you.”Nanlaki ang mga mata ko. Those words, hindi Tagalog 'yon. Nagkakamali ba ako ng rinig? Did he just—
I stopped thinking when he moved his lips. Slowly biting my lower lip so my lips will be parted, and it happened. My lips parted.
How did he learn this way to kiss?
Napahawak ako sa balikat niya nang higitin niya ang baywang ko at hawakan ang batok ko para palalimin ang halik niya. Hindi alo gumagalaw, he's the only one who's moving.
“Kiss me back.” Nanlaki na naman ang mga mata ko. Mabilis ko siyang tinulak dahilan para maglayo ang mga labi namin na pinagsisihan kong ginawa ko, I feel empty tuloy.
“P-Paano? Paano mo nalaman yung mga salitang 'yan?” Gulat kong tanong. Mahinhin na naman siyang tumawa.
“Ang bagay na 'yan, mayroong mga salitang may kahulugan sa Ingles. Kung kaya't natutunan ko ang mga 'yon.” Nakangiti niyang sabi. Kumunot noo naman ako. My phone has dictionary? No way! Wala naman akong gano'n dito?
Or meron talaga ako at nakalimutan ko lang?
“Omg ka!” Hindi makapaniwalang sabi ko. Pero nang magtagpo na naman ang tingin namin ay tinablan na naman ako ng hiya. Gosh! Nawala lahat ng angas ko.
Siya talaga yung sweet escape ko at safe place, lahat ng takot, lahat ng sakit, lahat lahat parang nawala bigla nung nakita ko siya at ngayong nakaka-usap ko na siya.
Partida mag-ex na kami pero kiniss niya ako. He missed me for sure.
“Bakit mo ako... hinalikan?” Umayos naman ito ng tayo at parang nagsisisi pang ginawa niya 'yon.
“Marahil ay nadala lamang ako ng aking nararamdaman.” He retort.
Napahawak ako sa cellphone ko ng mahigpit.
“Sabi mo mahal mo pa ako, s-seryoso ka ba doon?” Mahina kong tanong sa kaniya. Nasisinagan na ng araw ang mukha niya pero hindi nakatitig pa rin ang nagkukulay brown niyang mga mata dahil sa sinag ng araw.
He nodded. “Hindi ako tumigil. Mula noon at hanggang ngayon, mahal pa rin kita, mahal ko.” Aniya. Napa-iwas ako ng tingin.
But we can't be together.
We can't be together, Sebastian.
We can't.
I missed him calling me "Mahal ko" pakiramdam ko, kamahal-mahal talaga ako.
“Patawad sa mga masasakit na salitang binitawan ko sa'yo. Ngunit kung pahihintulutan mo akong bumalik muli sa piling mo, nais kong maghintay ka.” Bumalik ang tingin ko sa kaniya. What? Maghihintay ako? Bakit? Ako ba nagsabing ipu-pursue ko pa siya?
Ang unpredictable talaga ng lalaking 'to.
“Bakit ako maghihintay? At saka, nandiyan naman si Regine. Pwede siya.” Kasi tayo hindi pwede. Kahit saang anggulo natin tignan, hindi talaga.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasía"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...