ʚChapter 68ɞ

16 1 0
                                    

“Ako ang nagpasya na magkaroon ng pag-iisang dibdib sa aming dalawa sapagkat ang buong akala ko ay siya na. Siya na ang babaeng para sa akin at babaeng mamahalin ko. Ngunit sa bawat araw na nakikita ko ang kaniyang pag-uugali ay nawalan ako ng gana. Hanggang sa makilala kita, hindi ko alam ngunit tila ikaw ang nauna kong pag-ibig na matagal nang nawalay sa akin at muling bumalik. Ikaw lamang ang babaeng nais kong iharap sa altar at makasama habang buhay.” Napangiti ako ng maliit siya kaniya.

‘Makasama habang buhay.’ Bakit ang sakit nito? Bakit parang hindi 'to mangyayari? Bakit ang bigat pakinggan?

“M-Mahal ko, bakit ka lumuluha?” Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko. Ang babaw ng luha ko, hindi ko man lang namalayang nag si tulo na ang mga luha ko.

“M-Masaya lang ako na may plano kang ganiyan. Rare na kasi ngayon yung mga lalaking gaya mo kaya masaya lang ako.” Nakangiti kong usal.

Only if I could hold time forever, it would be easy for us to be happy without thinking that fate might separate us.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa pagsandok. Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi ako kumibo.

Super dami kong iniisip ngayon pero miss ko na si Dad and Mom, kahit aso't pusa kami ni Reign miss na miss ko na rin siya. Miss na miss ko na rin si Lola. Ang bigat sa dibdib kapag naiisip ko sila, pero salamat dahil nandito si Sebastian para kahit papaano ay pagaanin ang nararamdaman ko.

“Galit ka ba sa akin, mahal ko? Simula nang kumain tayo ay hindi mo na ako kinausap o sinulyapan man lang hanggang sa matapos tayo.” Napatingin ako sa kaniya. Agad naman akong umiling.

“H-Hindi ah, naalala ko lang ang pamilya ko.” Mapait akong napangiti. At umiwas ulit ng tingin dahil ramdam ko na ang panggigilid ng mga luha ko.

He's now seeing my weakness. Sa panahon na 'to kung saan wala akong kilala, siya lang ang magsisilbi kong kalakasan hanggang naririto ako sa panahong 'to.

Pero walang habang buhay, and that makes my heart broke into pieces.









Nasa Luneta kami ngayon at magkakasama nina Gwen, Gabriel, at Sebastian para mamasyal.

Si Gabriel at Gwen hindi mo talaga pwedeng ipagtabi, maya't maya nag-aaway eh.

“Oh dumating na yung boyfriend. Third wheel na naman tayo dito, Gab.” Rinig kong sabi ni Gwen ng papalapit na sa amin si Sebastian na may bitbit na pagkain.

Nilapag na iyon sa lapag at naupo na rin sa lapag. Picnic time again.

“Minsan talaga hindi ko maunawaan ang iyong mga tinuturan, Gwennet” Natawa ako sa paraan ng pagtawag ni Gabriel kay gwen. Ano 'to dógshow sa pangalan?

“Baka mamaya giliw na ang inyong tawagan.” Mas natawa ako nang sumingit si Sebastian. Well trained ko 'yan.

Aangal pa sana si Gwen nang may tumikhim at napatingin ako sa babaeng huminto sa harap namin.

She's wearing a blue corset at kitang-kita ang cleâvage niya. Wow! She normalizes this kind of clothes?

May babae ring nakatayo sa tabi niya at pinapaypayan ang babae.

She's familiar.

Nakatingin siya kay Sebastian kaya napatingin din ako kay Sebastian na busy na nakatingin sa pagkain. I look back at her.

“Aray!” Napatingin ako sa gilid nang dumaing si Gabriel.

“Hugutin ko 'yang mga mata mo eh.” sabi ni Gwen. Hindi ko na lang sila pinansin at tumingin ulit sa babae.

I knew it. She's the girl na nasa bahay nila Sebastian that day. Pero bakit nandito siya and intently looking at my boyfriend?

Kinalabit ko si Sebastian at nginuso yung babaeng maganda. Kapag siya napatitig din, bubutasin ko noo niya.

Napunta ang tingin niya sa babae at tumaas ang sulok ng labi ko dahil nakatitig na siya sa babae. Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarangan ang view niya.

“Gwen, may plies ka ba diyan? Tanggalin ko na rin 'tong sa kaniya.” Nakataas lang ang kilay ko kay Sebastian na napapalunok ngayong yumuko.


“Hi, anong kailangan mo?” Hinarap ko ang babae na seryosong nakatingin sa akin. Pulang-pula ang labi niya at glossy pa. Wow, meron na pala niyan dito?

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at huminto ulit ang tingin sa akin. Ngumiti siya sa akin pero halatang peke.

“Si Sebastian, maaari ko bang maka-usap?” Mataray pa siyang nakatingin sa'kin. Wow! Kapal! Ano 'to, Vienna version 2.0?

“Kakain na kasi kami eh, pwedeng mamaya na lang?” sabi ko pa. Pinagkrus niya ang mga braso niya at nginitian ulit ako ng peke.

“Hindi ko gustong naghihintay, sana maunawaan mo.” Napangiwi ako. So, ako pa mag-a-adjust? Ako ang girlfriend duh!

“Ano ka ba ng aking KASINTAHAN?”diniinan ko pa ang word na 'yon para aware siya na taken na si Sebastian. Baka hindi nga siya kamag-anak.

“Ako lang naman ang babaeng nakata—Maupo ka muna, mahal ko. Kami'y mag-uusap lamang.” Pinutol ni Sebastian ang sinasabi nung babae at hinawakan ako sa kamay. Inilayo niya ako para malaya siyang makadaan sa pagitan namin at naglakad sa medyo malayo. Agad namang sumunod yung babae at tinignan pa ako na parang sinasabihan ng“Who you ka ngayon.”

Oh my gosh! So, hindi lang si Vienna ang sobrang ganda ng attitude dito? May umisa pa.

“Girl, hindi ko gusto vibes no'n. Sino ba 'yon?” Nagkibit balikat lang ako nang tanungin ako ni gwen na nakaupo ngayon. Naupo rin ako sa tabi niya pero ang mga tingin ay nando'n kina Sebastian.

Nakatalikod sa'kin si Sebastian kaya hindi ko makita kung tinitignan niya ba yung cleâvage ng babaeng 'yon. Psh! Bakit kasi siya nagsusuot ng gano'n damit dito?!

Medyo matagal din silang nag-usap at nakatingin lang ako sa kanila kanina pa.

“Ang tagal ah! Baka alam na nila favorite color ng isa't isa.” Pinalo naman ako ni Gwen dahil sa bigla kong sabi.

“T@ngina ka bes, hindi ka naman selosa noon.” Natatawa niyang usal. Hindi ko siya pinansin at matalim nang nakatitig sa likod ni Sebastian.

Baka enjoy siya sa tinitignan niya diyan? May dibdib din naman ako ah, dalawang beses na nga niyang naaninag.

“Halika nga, lumapit tayo do'n. Gusto kong marinig kung may tanungan na ba ng number do'n.”

“Gagâ walang cellphone dito.”

“Edi address.”

“Selosa Aecy Alliyah, selosa.” Inirapan ko lang si Gwen at pasimpleng lumapit sa kinatatayuan nila pero wala pa rin akong marinig.

Nang biglang humarap si Sebastian ay mabilis akong tumalikod at kunwaring nags-squat.

“Woah! 1 2 3... Woah! Mag jogging tayo bukas ng umaga, bes.” Nagpipigil ng tawa si Gwen habang ine-stretch naman niya ang kamay niya.

Alam kong marami nang nakatingin sa amin kaya nahihiya na'ko.

Oh gosh! Bakit ba kasi may trust issue ako?

Tumigil ako sa pag-squat ng tumango sa'kin si Gwen. Napatingin ulit ako sa kanila at nag-uusap pa rin.

“Ang tagal naman. Alam na yata nila talambuhay ng isa't isa.” Magkasalubong na ang mga kilay ko sa nakikita ko.

Oh gosh talaga ako! Ano bang mga pumapasok sa isip ko.

“Hoy hoy, nag-walk out jowabels mo.” Napatingin agad ako sa kanila at naglalakad na nga pabalik si Sebastian sa pwesto namin.


The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon