ʚChapter 23ɞ

23 2 0
                                    

Napapalunok ako kapag dudungaw ako sa baba, ang taas ng babaan ko. Literal na nakatingala rin sa'kin si Sebastian na wala pa ring emosyon.

Ilang minuto na ba ako rito? Sumasakit na pwêt ko dahil matulit-tulis yung dulo ng mga semento tapos siya ayaw lang umalis.

What if tanungin ko siya if may hagdan sila dito?

Pero no! I don't need his help. I can do this alone.

Eh what if utusan ko siyang saluhin na lang ako?

Hêll no! Baka walang ka-exercise exercise ang katawan niya tapos mapilayan pa, kasalanan ko pa.

“Ang daming excuse, Aecy! Paano ka makakababa here? Nakakangalay na.” bulong ko.

Nakatingin pa rin sa'kin si Sebastian.

Hello? Wala ba siyang balak na mag-offer ng help? Oh my gosh, wala siyang pakiramdam!

“Papanoorin mo lang ako diyan?” Tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi niya nakikita, madilim sa pwesto ko.

“Papanoorin ko kung paano ka makakababa sa kagagawan mo, binibining Aecy! Iyan ang iyong nais, ang pahirapan ang sarili mo.” Napangiwi ako. Ouch ah! Namemersonal naman siya.

Hays, binabawi ko na! Hindi siya gentleman.

Oh baka pag dating sa'kin hindi talaga siya gentleman.

“Ha! Bias ka! News reporter ka pa naman ng governor ng lungsod na 'to psh!” Napatakip ako sa bibig ko nang mabigkas ko ang dapat ay nasa utak ko lang.

“Nangangalay na ako, tulungan mo na ako.” I gulped.

I really hate asking for a help. Lalo na from him pa.

“Nangangalay din ako sa pagtayo rito ngunit hindi ako humingi ng tulong sa'yo.” My lips parted.

Unbelievable! He's really unbelievable!

“May sinabi ba akong tumayo ka diyan?!” Inis kong bira sa kaniya.

“May sinabi rin ba akong umakyat ka riyan?” My eyes widened! Wow! Sinasagot-sagot na niya ako ngayon!

Makababa lang talaga ako dito, hindi ko siya papansinin kahit kailan!



Tinanggal ko ang suot kong sandals pati ang medyas ko para hindi ako madulas sa pader, magaspang naman ang pader kaya okay babaan.

“Ungentleman siya! He's so bias. Daig niya ba babae sa pagiging picky niya. What? Por que he saved me, he won't help me na? He's really something!” Inis kong bulong sa sarili ko at bumuntong hininga.

Umalis na ako sa pagkakaupo at lumalaylay sa pader, nakalaylay na ang katawan ko at pûtchâ! Nagsisis ako sa desisyon kong 'to, ang sakit!

Feeling ko anytime soon mahuhulog lang din ako.

“O-Ouch fvck!” Mariin akong napapikit nang maramdaman tumama ang hita ko sa matulis na bagay.

Napatingin ako ro'n at napakagat labi ako nang makita ang naka-usling alambre.

“A—Aecy? Anong nangyari?!” Hindi ko pinansin si Sebastian na napasigaw sa baba.

“Shocks! I'm blêèding!” mahinang sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang dumadaloy ang dûgo ko pababa sa binti ko.

“A—Aecy!!!” Sigaw ni Sebastian nang bumitaw ang isa kong kamay.

Ayan napapala ng matigas ang ulo!

Madiin akong napakagat sa labi ko dahil hindi ko na mabuhat ang bigat ko. Napasigaw ako nang tuluyan akong napabitaw.

I closed my eyes. Ready to hit the ground.

Pero hindi ako bumagsak sa lupa, ramdam ko ang mahigpit na paghawak niya sa likod at hita ko. Hindi rin kami natumba sa lupa at nanatili pa rin siyang nakatayo.

I misjudged him. He's strong, he didn't even flinched, his knees didn't even tremble, and he didn't even hesitate to save me.

For the second time, he saved me from the danger waiting for me to delve into. The other day, water tried to pull me but he pushed me up together with him. And now the air let go of me but his arms wrapped around me.

“Buti, Nasalo kita.” Binuksan ko ang mga mata ko at natagpuan ang mga mata niyang sari-sari ang emosyon.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon