“Ang aking sobrina, na si Aecy Alliyah Arandia. Marahil ay hindi niyo pa siya kilala sapagkat hindi siya pinakilala ng pamilya Arandia, ngunit siya ang bunsong anak ng aking pinsan na si Clarita.” Gulat ang expression nila nang ipakilala nila ako.
“Kung ganoon ay ako nga pala si Manuel, ang panganay na anak ng Xelvestry. Kinagagalak kong makilala ka.” Nilahad nito ang kamay niya sa'kin.
Tinignan ko lang 'yon pero siniko ako ni Tiya Teresita kaya nakipag-kamay ako.
Ramdam ko ang lagkit ng titig niya sa akin at ang pagpisil niya sa kamay ko.
“Kuya Manuel, narito rin si Tiya Teresita.” Singit ni Sebastian at inalis ang kamay ni Manuel sa pagkakahawak sakin.
Napa-iwas din ako ng tingin dahil hindi ko gusto ang paraan ng tingin ni Manuel sakin.
“Ako si Elizabeth, ang pangatlong anak.” Pakilala naman ng isang magandang babae na naka asul na baro't saya.
Nakipagkamay din ako sa kaniya pero mabilis lang.
“Ako si Martin, ang bunsong anak.” Tinanguan lang ako ng batang lalaki na siguro ay 10 years old na pero kung magsalita at tumingin parang binata.
“Ako naman ang ina, ako si Elena. Kinagagalak kong makilala ka, hija.” Nilahad niya rin ang kamay niya.
Tinanggap ko iyon at nginitian siya. Nakangiti rin siya sa akin habang pinisil ang kamay ko.
“Napakalambot ng iyong kamay, halatang inaalagaan mo ang iyong kutis.” Compliment nito.
Nginitian ko lang siya at binawi ang kamay ko.
“Ako ang Alcalde Mayor ng Maynila at ang ama nila, Jacinto Xelvestry. Masaya akong makilala ka.” Tinanguan niya lang ako kaya tinanguan ko rin siya.
“Siya rin po ang aking tinulungan nung nalulunod siya, ama.” Gulat na napatingin sila saakin kaya napa-iwas ako bigla ng tingin.
Gosh! Parang ang sikip ng bahay kahit ang laki naman. Hindi ako sanay sa ganitong attention.
Hindi ako ang nag paliwanag kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin alangan namang sabihin ko na galing ako sa ibang panahon.
Hindi ko na inintindi pa ang paliwanag ni Tiya Teresita dahil pareho lang naman ng sinabi niya kanina.
“Batid kong naiilang ka pa upang makihalubilo sa aking pamilya at sa iba pang mga bisita kaya dinalhan na kita ng iyong makakain.” Napatingin ako sa tabi ko nang may nagsalita.
Nakita ko si Sebastian na may bitbit na plato ng pagkain.
Nilagay niya 'yon sa maliit na mesa. Naupo rin siya sa upuan na kaharap ko lang.
Hindi ko alam ang pangalan nung pagkain pero masarap kaya mabilis kong naubos.
Napanguso ako nang ilapag ko ang pinggan sa kahoy na lamesita at hinarap si Sebastian na nakatingin sa akin ngayon habang may maliit na ngiti sa labi.
“Oh ano na naman? Alam kong maganda ako kaya wag mo na akong titigan ng ganiyan at ngitian.” Banat ko.
Mas lumawak lang ang ngiti niya.
“Hindi, binibini. Ako'y namamangha lamang dahil lubos kang kakaiba. Ang iyong pananalita ay kakaiba, ang iyong kilos, pati ang paraan mo ng pag-kain ay tunay na kakaiba.” Mahinhin nitong usal.
Inirapan ko siya.
“So hindi ako maganda?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Natawa ito dahilan para lumabas ang ngipin niya.
“Maganda ka, binibini. Pati ang iyong ganda ay kakaiba, ako'y namamangha sa iyong kagandahan.” I bit the inside of my cheeks to suppress my lips from smiling. I even bit my lower lip.
Nako pigilin niyo ako kahit binibiro niya lang ako napapakilig niya ako dahil sa salita niya...
Ang hirap kapag love language mo words of affirmation eh.
“Ikaw ba ay nagpipigil ng iyong ngiti, binibini?” Hindi ko siya sinagot at tinignan lang siya pero ngumiti na naman siya ng labas ngipin.
“Kuhanan mo na lang ulit ako ng sapin-sapin na 'to. Apat na piraso ah!” utos ko sa kaniya.
Nang makaalis siya ay tuluyan akong ngumiti na parang sírâ.
Mababaliw na talaga ako dito...
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...