ʚChapter 94ɞ

9 2 0
                                    

“Naiinis ako pero ano bang magagawa ko ro'n? Gets naman kita, ma-pride lang talaga ako. Huwag mo na lang ako intindihin, okay?” Nginitian ko siya ng maliit.

“Hindi pa rin talaga sapat ang pag-aaral ko ng wikang Ingles, hindi ko pa rin lubos na maintindihan ang iyong mga tinuturan.” Aniya. I winced my lips and looked away.

Nanghihigop ang mga mata niya, baka mamaya magulat na lang ako kiniss ko na siya.

Napapikit ako at napatingala sa kailangitan. I opened my eyes, at nasisilip ko na ang mga nagniningning na mga bituin sa kailangitan. Ang ganda ng pwesto na 'to, kahit ang lalaki ng mga puno, nakikita ko rito ang mga bituin at kalangitan.

“Alam mo ba kapag daw may dumaang shooting star sa langit, humiling ka raw at matutupad iyon.” Bigla kong sabi.

“Shooting star? Ano naman ang bagay na 'yon?” Napatingin ako sa kaniya na magkasalubong ang kilay habang nakatingala rin sa langit.

“Ewan ko talaga no'n, basta yung mabilis na asteroids na dumadaan sa langit. Basta 'yon.”

Napunta naman ang tingin niya sa'kin kaya nagkasalubong ang mga titig namin.

“Bulalakaw. Bulalakaw ang tawag doon. At iyon ay sinasabi rin ng mga tao rito, ngunit hindi ako naniniwala roon. Napakalabong makatupad ng isang hiling ang bulalakaw na madalang mo lamang masaksihan.” Anito.

“Naniniwala ako ro'n. Simula pagkabata ko, palagi akong dumudungaw sa bintana ko at titingala sa langit at mag-aabang ng shooting star tapos hihiling ako. Kahit pa ni isang kahilingan ko ay hindi natupad, naniniwala pa rin ako. Wala namang masama sa maniwala 'di ba?” Tumango naman ito.

Hanggang ngayon naniniwala pa rin ako. Kasi when you wish something, hindi naman agad binibigay o natutupad 'yan eh. Minsan it takes a lot of time, a very long time bago mo makuha yung hiling mo.

“Kung gano'n, naniniwala na rin ako ro'n. Naniniwala na akong natutupad ang iyong hiling sa oras na humiling ka sa bulalakaw, maaaring hindi ngayon ngunit sa tamang panahon matutupad.” Mabilis akong napangiti sa kaniya. Tumingala ulit ako sa langit at kahit malabong maka-witness n shooting star, umaasa ako.

Inaantok na'ko pero ayaw kong lumipas ang gabing 'to na tulog lang ako. I want to spend this night with him.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagpunta sa music app. I searched this song na nagplay bigla sa utak ko. “Unang sayaw” by Nobita.

Pinindot ko 'yong play at tumayo. Pumwesto ako sa harap niya at hinila siya patayo. Gulat naman siyang napatingin sa'kin kaya natawa na ako ng tuluyan.

Nagsimulang tumugtog ang unang verse ng kanta.

“Bumawi ka sa'kin, sumayaw tayo.” Offer ko sa kaniya. Tinuro ko ang cellphone ko kung saan nanggagaling ang kanta. “Sayawin mo ako sa kantang 'yan. Ang unang sayaw natin.” Nakangiti kong sabi.

Mabilis namang umukit ang ngiti sa labi niya at mabilis akong hinawakan sa bewang at pinalibot niya ang mga kamay ko sa leeg nito. Ang isa niya pang kamay ay humawak sa bewang ko.

We started to sway our body.

And the chorus part finally played.

Sindandal ko ang ulo ko sa dibdib nito kaya rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya.

"Sa ilalim ng kalawakan, pangalan mong isisigaw.

Sa ilalim ng buwan ay titigan at hawakan aking kamay.

Isasayaw ka ng dahan-dahan, hanggang di mo mamalayang

ako na pala ang 'yong kailangan at gusto mong pamahalaan."

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon