“Binibini, ayos ka lamang ba?” Ngumiti sa'kin ang madre.
I composed myself and cleared my throat. Hindi ko siya mahawakan dahil naku-kuryente ko sa tuwing magdidikit ang mga balat namin.
“Pwede ko ba kayong makausap?” Tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot pero tinalikuran niya ako at naglakad sa medyo malayo.
Napatingin ako kina Sebastian at tinanguan lang nila ako.
“Hihintayin ka namin sa labas ng simbahan, binibini.” Dinig kong sabi ni Sebastian pero hindi ko na siya tinignan pa.
Mabilis ang ginawa kong paglakad at hinarap ang madre.
“You! You were that old lady who sell that book to me. Paano ako makakabalik sa panahon ko?” Wala na akong pakialam kung mag-iba ang tono ng boses ko o ang postura ko.
I have to clarify everything for Pete's sake.
“Mabuti at naaalala mo pa ako, Aecy.” Aniya.
Napamewang ako sa harap niya.
“Kayo po ang dahilan kung bakit nakakulong ako ngayon sa nakaraan. Kayo rin ang dahilan kung bakit muntik na akong malunod! Sa lahat ng pwedeng mapupuntahan, dagat pa talaga? I almost diéd there.” Nginitian niya lang ako.
“Iyon ay dahil may nakatakdang paglapitin kayo ng tadhana.” Nagsalubong ang kilay ko.
“Nino?” Taka kong tanong pero nginitian niya lang ako.
Masyado bang masasaya ang mga tao rito at puro sila ngiti ng ngiti?
“Whatever, manang. Bakit ako nandito? Kailan ako makakabalik sa panahon ko? Miss na miss ko na yung kama ko. Miss na miss ko na yung family ko lalo na si Lola Pasing.” Nagbago ang expression niya nang banggitin ko ang Lola ko.
“Makakabalik ka lamang kung matagpuan mo sa panahong 'to ang pag-ibig. Sa oras na mabigo ka sa iyong misyon ay muli mong makikita ang libro, ngunit hindi sigurado kung makakabalik ka pa sa panahon mo. Maaaring makabalik ka, maaari ring mapunta ka sa ibang panahon ulit at maaaring habang buhay kang makulong sa libro.” My jaw dropped.
No fvcking way!
“What?! What the fvck did I do to get this hêll life?! What did I do to you!? Of all people out there, bakit ako pa?” Hinawakan niya ang kamay ko pero sa pagkakataon na 'to, hindi na ako nakukuryente.
“Ikaw ang napili kong kabayaran sa kataksilan ni Amanda.” Kumunot ang noo ko nang mabanggit ang pangalan ng Lola Pasing ko.
“Hindi ko maintindihan. Anong... Anong ako ang kabayaran? Ano bang ginawa sa'yo ni Lola?” Nagtataka pa rin ako.
“Hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo, Aecy. Gawin mo ang nararapat kung gusto mong bumalik sa panahon mo.” Binitawan nito ang kamay ko.
“So... I have to fall in love here?” Tumango ito.
“At kailangan mo ring mapa-ibig ang taong iyong iniibig.” Dagdag niya pa.
Ang hirap naman no'n! Fresh from break up palang ako tapos expect niyang maf-fall ako?
Hello, out of my league ang mga kalalakihan dito.
They can't reach my standard.
Kahit pa ang Sebastian na 'yon.
“Teka, why am I mentioning him all of a sudden?”
Napairap ako sa hangin nang ngiti niya ang pumasok sa isip ko.
“Aecy, kailangan mong gumamit ng pagkakakilanlan. Simula ngayon, ako ay iyong kamag-anak na ipapakilala sa kung sino man ang magtatanong. Ang iyong mga magulang ay parehong pat@y na. Ikaw ay may lahing Britanya at lumaki sa Britanya ngunit tumakas ka roon upang ako ay hanapin. Ang ngalan ng iyong mga magulang ay Francisco David at Clarita Arandia. Sila ay totoong tao, ngunit sa kasamaang palad ay sumakabilang buhay na. Maimplewensya ang iyong pamilya ngunit kapag tinanong nila kung bakit hindi ka nila kilala, ang sasabihin mo lang ay ikaw ang tinatago nilang anak upang mailayo sa kapahamakan. Sa panahong ito, mahalaga ang implewensiya upang maiwasan ang kapahamakan na gobyerno at simbahan mismo ang may gawa. Magpapakilala ka bilang Aecy Alliyah Arandia, kinuha mo ang apelyido ng iyong ina dahil mas makapangyarihan ang pamilya nila.” Mahabang salaysay niya.
Napalunok ako.
Ayaw mag-process sa utak ko. Bakit may pa memorization pa kasi? Ang bilis pa naman. May short term memory pa naman ako.
“Nauunawaan mo ba, Aecy?”
“O-Opo.” Tumango-tango ako sa kaniya kahit na naguguluhan pa ako.
Ang dami ko pang mga tanong na hindi pa nasasagutan pero marami pa namang oras para doon, baka hindi lang din niya ako sagutin.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...