Ang hirap maging makapangyarihan sa panahong ito. Whether you like it or not, you'll will be forced to marry someone who's rich as you are.
"Why don't you tell them that you don't like him?"
Nagsalubong ang kilay niya, hay bakit ba English ako ng English?
"Ang ibig kong sabihin, bakit hindi mo sabihing sa ama mo o ina mo na ayaw mong magpakasal?"
"Hindi naman sila makikinig, lalo pa si ama. Nais niyang maging asawa ko si Gabriel dahil mayaman ito at kilala maging sa ibang bansa. Nasabi ko na kay ina ang tungkol dito ngunit hindi siya kumikibo sa ganitong usapin."
Napatango ako sa kaniya. Pinasadahan ko ng tingin ang kwarto at puro antique ang nakikita ko. Walang masyadong gamit pero ang iilang design ay halatang ginastusan.
"Eh si Sebastian? Gano'n din kaya?"
Napunta sa'kin ang tingin niya at nang-aasar na ngumiti sa'kin.
"Hindi ko alam, bes. Si Vienna ay matagal ng sinisinta ni kuya at si kuya mismo ang nagpasiya ng kanilang pag-iisang dibdib." Parang tinusok ako ng karayom tapos sagad sa ugat.
Eme! Isa lang ibig sabihin no'n, hindi siya ang pag-ibig ko sa panahon na 'to.
Gano'n lang talaga yung mga lalaki dito, mahilig magbigay ng mixed signals.
"Ang sabihin mo, binibigyan mo ng meaning, Aecy." Bulong ko sa sarili at binagsak ang katawan sa kama.
Napatulala ako sa kisame. Isang araw palang kaming magmakilala, anong big deal? Tama! baka humahanga lang ako sa kaniya.
"Natitipuhan mo ba ang aking kuya Sebastian bes?" Napatingin ako kay Katrina na nakatingin sa'kin ngayon habang nakadantay ang mga kamay sa kama.
"OA ka teh, hindi 'no. Iniisip ko lang pamilya ko." Palusot ko.
Pero totoo, nami-miss ko na ang pamilya ko.
Kamusta na kaya sila? Hinahanap kaya nila ako?
I took my phone and opened my messenger, kahit walang signal ay nagtype ako sa chat box namin ni Kayden.
To : Kayden Verdell
➟: [𝙸 𝚠𝚒𝚕𝚕 𝚐𝚎𝚝 𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚢𝚘𝚞. 𝙸 𝚔𝚗𝚘𝚠 𝙸 𝚠𝚒𝚕𝚕 𝚑𝚎𝚊𝚕 𝚏𝚛𝚘𝚖 𝚢𝚘𝚞. 𝙸 𝚌𝚊𝚗 𝚏𝚎𝚎𝚕 𝚒𝚝. 𝙸𝚝'𝚜 𝚖𝚢 𝚏𝚒𝚛𝚜𝚝 𝚗𝚒𝚐𝚑𝚝 𝚑𝚎𝚛𝚎, 𝚊𝚗𝚍 𝚝𝚘𝚖𝚘𝚛𝚛𝚘𝚠 𝚠𝚒𝚕𝚕 𝚋𝚎 𝚝𝚑𝚎 𝚏𝚒𝚛𝚜𝚝 𝚍𝚊𝚢 𝚝𝚘 𝚏𝚘𝚛𝚐𝚎𝚝 𝚢𝚘𝚞.]Naramdaman ko na namang kumirot ang puso ko nang i-send ko 'yon. Nanggigilid na rin ang luha ko kaya mabilis kong pinunasan.
Kahit anong pilit kong ituon ang nararamdaman ko sa iba, hindi ko magawa. Siya pa rin talaga, si Kayden pa rin.
"Ang hirap mong kalimutan, Pina sanay mo ako eh ."
Nagising ako nang May gumising sakin. Nahihilo pa ako dahil feeling ko kulang ako sa tulog.
Napatingin ako sa kasuotan ko at iba na 'yon, naka puting manipis na saya na lang ako.
"Ah yeah, nagpalit nga pala ako kagabi." I murmured.
Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mga mata nang makitang alas singko palang ng madaling araw. 8 o'clock ang body clock ko.
May kumatok sa pinto ng tatlong beses at bumukas iyon. Pumasok doon si Lushia na may hawak hawak na basket.
"Magandang umaga, binibini. Ang inyo pong kasuotan ngayon, binibini. Ako po ang inatasang tulungan kayong mag-ayos." Tinanguan ko lang siya at muling nahiga.
"Naku binibini, kayo po ay inaanyayahan nang bumaba matapos niyong magbihis. Mag-a-almusal na ho kayo." Napakamot ako sa ulo ko at naiinis na bumangon.
"Tignan mo yung oras, 4am palang! Inaantok pa ako, masyado pa namang maaga eh."
Muli akong nahiga at nagtaklob ng kumot.
"Ngunit binibini..." Tinakpan ko ang mga tainga ko at pinikit ang mga mata.
Ilang sandaling natahimik at napangiti ako.
"Magpapatulog din pala eh." Bulong ko at nagpa-antok ulit.
"Anong nangyayari?"
"Ang binibini po."
"Anong nangyari?"
"Ayaw niya pong magbihis at siya ay matutulog pa raw po dahil maaga pa naman. Kayo po ay mag-aalmusal na ginoo."
"Iyan lang ba ang kaniyang mga tinuran?"
"Opo."
"Ibigay mo sa akin ang basket at ako na ang bahala sa kaniya. Huwag kang mag-alala dahil hindi ako gagawa ng kahit anong paparusa sa aking kaluluwa, batid ito ng Panginoon."
"Ang ingay! Ang ingay!" Naiinis akong napabangon sa higaan at inalis sa pagkakatalukbong ko ang kumot.
Pero napanganga lang ako nang makita si Sebastian na nakatingin sa akin. Bagsak ang buhok niya at nakaputing long sleeve lang ito at black pajama style, naka medyas lang din siya pero napaka-gwapo niya pa rin.
"Magandang umaga, Aecy. Ikaw ay magbihis na at kung hindi..." Hindi niya tinuloy ang sinasabi niya at pinatong ang basket sa kama ko.
"Ikaw ay aking bibihisan."
Nanlaki ang mga mata ko! Bastos siyaaa!!!
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...