ʚChapter 53ɞ

13 2 0
                                    

“B-Binibini? Bakit po ibang ruta ang ating nilalakbay? Hindi po ba sa mga Xelvestry kayo naninirahan?” Napatingin ako kay Susan.

“Hindi na, may nangyari kasi eh kaya wala na ako doon. Nakatira ako ngayon sa Tiya Teresita ko, ang punong madre.” Tumango naman siya agad.

Napansin ko na namang may sinisilip siya sa likod ng kalesa pero hindi ko lang 'yon pinapansin kanina, mas napapadalas lang ngayon.

“Bakit Susan? Kung iniisip mo na baka naliligaw tayo, hindi.” Gulat namang napatingin sa'kin si Susan na agad namang yumuko at hindi na ako kinibo.

Napatingin din ako sa likod namin pero wala namang meron maliban sa kalesa na nakasunod sa'min, baka pasahero lang din.

Sumandal na lang ako sa upuan ng kalesa at pinanood ang madilim na gabi. Ang mga kabayahan na nadadaanan namin pero madilim lang din, tanging mga lampara sa poste ang nagsisilbing ilaw pati na ang lampara sa loob bg kalesa.

And sudden I felt guilty for leaving Sebastian there without even saying I'm gonna leave. Kasama niya nga si Hiroshi pero baka hindi naman sila magsabay, may sariling sasakyan yung Hapon na 'yon eh.

“Hanggang dito ikaw iniisip ko, ano ba kasing ginawa ko sa'kin? You're driving me nuts! Hindi na naman ako makaka-sleep nito tonight.” Napanguso ako dahil ang malungkot niyang itsura kanina ang sumasagi sa isip ko.

“What if nag aabang lang doon si Vienna tapos ready to take my place once I left? She was Sebastian's first love, I guess.” I squinted my eyes.

“Pwa! Ano naman sa'kin? Edi magsama sila! Single naman ata si Hiroshi, baka siya talaga ang nakatakdang pag-ibig ko rito.” Usal ko. Patango-tango pa ako.

“Binibini, paumanhin kung mangingialam ako sa usapan ninyo ng iyong sarili ngunit narito na po tayo.” Napatingin ako kay kuyang nag-drive nung kalesa.

Potek! Nahuli pa ako.

“Ay sorry po, ito po bayad. Susan tara n—Narito na po ako sa baba, binibini.” Napatingin ako sa labas at nando'n nga si Susan at nakatayo.

Tf?! So kanina pa ako nagsasalita dito? Mukha akong bâliw gosh!

Kasalanan ni Sebastian 'to eh!

“B-Binibini, masakit po.” Daing ni Susan. Nililinisan ko ang sûgat niya ngayon pero daing lang siya ng daing.

“Ano ba kasi ang nangyari sa'yo? Bakit ang dami mong pasa at sûgat?” Napatingin siya kay Gwen na nakasandal sa may pintuan habang nakatingin sa amin.

“Ako po'y binúgbôg ng aking ama, tinakasan ko lamang po siya.” Napayuko ito. Binitawan ko rin ang bimpong hawak ko at naupo sa tabi niya.

I remember his father, siya yung masamang nakatingin sa'kin nung araw na nakilala ko si Susan eh.

“Tiya, pwede bang dito muna siya tumira?”  Napunta ang tingin ko kay Tiya Teresita na mariiing tinititigan si Susan.

Bakit ba jina-judge nila agad yung bata? Sa tingin palang ni Tiya, alam mo ng hinuhusgahan niya eh.

“Sa kwarto ko po siya matutulog, Tiya, wag kang mag-aalala. Ayos lang sa'king may katabi.” Dagdag ko pa.

Naramdaman kong tumayo si Susan at sinundan ko naman siya ng tingin, lumabas siya ng bahay. I know, ramdam niyang hindi siya welcome dito.

“Tiya, kahit ngayong gabi lang. Bukas hahanapan ko siya ng matitirhan niya panandalian.” Tiya Teresita heaved a sigh.

Napangiti ako nang tinanguan niya ako.

I stood up to follow Susan. She must be uncomfortable.

Palabas na ako nang makita ko si Susan na nakikipag-usap sa isang lalaki. Kumunot ang noo ko, he's familiar again. Siya yung lalaking tinititigan ako kanina sa Chinatown.

“Hoy! Ikaw!” Nagtagpo ang mga mata namin. Bahagya pang lumaki ang mga mata niya bago sumakay sa kalesa at umalis. Naalerto naman ako at tinakbo ang pagitan namin ni Susan.

“Sino 'yon? Paano mo nakilala?”

“H-Hindi ko po k-kilala, binibini... Nagtanong l-lang po ng d-daan.” Nakasunod lang ang tingin ko sa kalesa na papalayo na, even that thing looks familiar.

Napahawak ako sa bibig ko nang ma-realize na 'yon yung kalesang sumusunod sa'min kanina.

“Am I being stalked?”

Malalim na ang gabi at tulog na si Susan pero hindi pa rin ako makatulog. Nakikinig na'ko sa mga songs ko pero hindi ko makuha ng antok ko, I even blink rapidly pero wala, dilat na dilat ako ngayon.

Kung uso lang cellphone dito, edi sana chatmate na lang kami. Hay!

Napaupo ako sa higaan ko dahil nangangalay na'ko kakahiga. Tumayo ako sa higaan ko at bahagyang binuksan ang bintana, sinalubong naman ako ng malamig na simoy ng hangin.

Alas onse na ngayon ng gabi, at delikado kung maglalakad-lakad pa ako.

I looked up at the fine night sky, there are a lot of stars above.

“Hindi na'ko magpapaligoy-ligoy pa, I admit... I'm already in love with him, nararamdaman kong nag iinit ang mga pisngi ko everytime he's around. I admit it, I love him already.” I whispered while still looking at the sky.

“Aecy.” Napahinto ako nang may marinig na bulong, may tumatawag sa pangalan ko. I wandered my gaze but I didn't saw anyone.

“T@ngina may multo?” Nanindig ang mga balahibo ko nang hanginin ako. Pûtcha! May multo ba?

“Aecy” Ayon na naman, pabulong na naman. Lumunok ako at sinilip ulit ang bintana, wala pa ring tao.

*Bogsh

Napaatras ako nang may nagbato sa'kin ng papel? Bakit may papel? Napunta 'yon sa ibabaw ng estante kaya kinuha ko pa.

I unfolded the paper and saw a handwritten letter.

〔𝙽𝚊𝚜𝚊 𝚕𝚊𝚋𝚊𝚜 𝚗𝚒𝚗𝚢𝚘 𝚊𝚔𝚘, 𝙰𝚎𝚌𝚢. 𝙷𝚒𝚗𝚒𝚑𝚒𝚗𝚝𝚊𝚢 𝚔𝚘 𝚝𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚞𝚖𝚒𝚕𝚒𝚙 𝚔𝚊 𝚜𝚊 𝚒𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚋𝚒𝚗𝚝𝚊𝚗𝚊, 𝚊𝚔𝚘'𝚢 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚖𝚊𝚙𝚊𝚔𝚊𝚕𝚒. 𝙱𝚊𝚝𝚒𝚍 𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚢 𝚙𝚊𝚐𝚝𝚊𝚝𝚊𝚖𝚙𝚞𝚑𝚊𝚗 𝚝𝚊𝚢𝚘, 𝚜𝚞𝚕𝚊𝚝𝚊𝚗 𝚖𝚘 𝚜𝚊𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚘 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚔𝚊𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚖𝚘 𝚒𝚝𝚘. 𝙸𝚑𝚊𝚐𝚒𝚜 𝚖𝚘 𝚜𝚊 𝚕𝚊𝚋𝚊𝚜, 𝚊𝚔𝚘'𝚢 𝚖𝚊𝚐𝚙𝚊𝚙𝚊𝚔𝚒𝚝𝚊. —— 𝚂𝙴𝙱𝙰𝚂𝚃𝙸𝙰𝙽 𝚇𝙴𝙻𝚅𝙴𝚂𝚃𝚁𝚈.〕

I froze. We're going to exchange letters?

“Yes, we are going to!” Dali-dali akong humanap ng papel at ballpen.

Gosh, wala pa yata silang ballpen dito.

Napabuga ako ng hangin at tinapon na lang sa labas ang papel. Dumantay ako sa bintana at hinintay siya kung lalabas.

Ramdam ko naman ang mabilis na tibok nang puso ko nang makita na siyang pinupulot ang papel. Naka puting damit lang ito na mahaba ang manggas at itim na parang panjama. May sombrero din siyang suot.

He looked at me. Inirapan ko siya.

“Walang panulat dito, ibalot ko yung sa'yo tapos hagis mo ulit.” Medyo malakas kong bulong. Ginawa naman niya.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon