May dalawang minuto na siguro pero hindi pa rin bumabalik si Sebastian.
Nako,nako nakiki maretis nanaman yun, hay nako.
“Psh! May mga kinausap na naman 'yon.” Napairap ako sa hangin at tumingin na lang sa labas ng binatana.
Nakaupo ako ngayon sa terrace nila, ang ganda ng view dito lalo pa papalubog na ang araw.
“Binibini, maaari ba akong maupo?” Napatingin ako nang may biglang nagsalita.
Napawi ang ngiti ko nang makilala kung sino ang nagsalita.
Yung panganay ng mga Xelvestry, si Manuel. Tinanguan ko lang siya at umiwas ng tingin.
Hindi palagay ang loob ko sa kaniya eh. May presence siyang hindi ko gusto, ang uncomfortable.
Lalo na pag tumitig ng matagal sakin, nakikilabotan ako my godness..
“Maaari ko bang malaman kung wala pang kasintahan ang binibining Aecy?” Hindi ko siya tinapunan ng tingin at nakatingin lang sa kalangitan.
“Kung wala, pareho tayo. Ako'y wala ring kasintahan, siyang tunay na mapagbiro ang tadhana ano? Tayo'y pinagtagpo.” Napangiwi ako.
Napatingin ako sa kaniya at nakangiti siya sa'kin.
Ang creepy pa ng smile niya.
“Meant to be, meant to be psh!” Bulong ko. Panigurado halata sa itsura ko na ayaw ko siyang kausap pero ang g@go mas ngumiti lang.
“Ganiyan ang aking tipo, mahirap makuha ang loob.” Sabi niya.
Pasimple kong hinawi ang buhok kong nalaglag mula sa pagkakatali no'n.
“At hindi kita magugustuhan.” Usal ko sa kaniya.
Nagbago ang expression nito kaya napalunok ako.
Mukhang mali na sinabi ko 'yon ah, pero totoo naman eh! Sorry siya unfiltered ang bibig ko.
One thing I'm proud about me is that I'm a straightforward person, I don't sugarcoat lies. I tell it clothed with honesty.
Wala akong pakealam kung tinamaan siya, basta nagsasabi lang ako ng totoo pshh..
I shifted my gaze when he's already looking at me pissed.
“Kuya Manuel? Ano ang iyong ginagawa rito? Hinahanap ka ng Gobernadorcillo, kararating lamang niya.” Napatingin agad ako kay Sebastian nang marinig ko ang boses niya.
By his voice palang, I knew it was him.
Kahit hindi ako nakatingin kay Manuel ay ramdam kong nakatitig pa rin siya sa'kin, parang tagos na ata pati kaluluwa ko nakikita niya na eh.. napalunok ako.
Grr! Ang creepy niya talaga.
“Paumanhin kung naghintay ka, binibini. Ako ay kinausap ng gobernadorcillo.”Tinanguan ko lang siya at kinuha ang plato na nilahad niya sa'kin.
I lost my appetite because of that creepy guy.
Natapos na akong kumain at naglalakad kami ngayon ni Sebastian sa malawak na garden nila.
Ang mga kamay ko ay nasa likod ko habang sumasabay sa mga hakbang niya.
The sun is already setting from the east, and the birds are already chirping across the sky but we're still filled with silence.
“Binibini, may sasabihin ka ba?” Kibo ni Sebastian kaya napatingin ako sa kaniya.
Dapat tatarayan ko siya pero nanlambot lang ako nang mahuling nakatitig ito sa'kin.
Gosh! Bakit kasi ganiyan siya makatingin.
“U-Uhm wala naman, ikaw ba?” Kinurot ko ang kamay ko dahil nautal ako.
This is not the typical me. Kinakabahan lang ako kasi hindi ko pa siya kilala tapos kaming dalawa lang sa garden, tama! That's the reason.
“Wala rin.” Sagot niya.
Kaya ayon tahimik na naman kami habang naglalakad.
“Let's drop the formality.” Untag ko bigla.
Napatingin naman siya sa'kin kaya tinignan ko rin siya.
“Ang ibig kong sabihin, tawagin mo na lang ako sa pangalan ko at 'wag ng binibini. Tutal Sebastian lang naman tawag ko sa'yo.” At ngumiti na naman po siya.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko.
Naka-ilang iwas ng tingin na ba ako ngayong araw? Hanggang nandito yata ako sa panahon na 'to, iiwas at iiwas ako ng tingin.
“Ganoon ba ang iyong kagustuhan? Ako ay mabilis namang kausap. Aecy kung ganoon.”Aniya.
That sounds different.
When he mentioned my name, I feel like I am part of this generation. Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala.
“'Di ba mas okay pakingggan?” Kumunot na naman ang noo niya.
Baka mas mauuna pa siyang tatanda sa Dad ko sa kakakunot niya ng noo.
“Ano naman ang salitang 'yon?”
“Okay. Ang ibig sabihin no'n ay ayos, tapos kung ayaw mo namang sinasabi na okay ka lang or okay mismo, pwede sa gesture... Parang ganito.” Nag-thumbs up ako sa harap niya, nilipat niya ang sombrerong hawak sa kabilang kamay at ginaya ang ginawa ko. Nag-thumbs up din siya.
“Pwede ring ganito...” I encircled my index finger to meet my thumb at nakatayo lang yung tatlong daliri ko. (👌🏻)
Ginaya niya rin ang ginawa ko kaya tuluyan akong natawa. Ang cute niya, ang inosente masyado.
“Nakakamangha.” Mangha nitong usal habang paulit-ulit na ginawa yung dalawang gestures. Nagtagpo ang mga mata namin at parehong kaming ngumiti, nag-thumbs up siya habang ako yung nakataas naman ang tatlong daliri. (👌🏻)
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasía"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...