ʚChapter 101ɞ

11 2 0
                                    

“Ano yung sinasabi nung mga students na kamukha ko raw?" Tanong ko sa babaeng ina-assist ako. Pinakatitigan niya rin ako at nagulat pa siya.

“D-Dito po ma'am.” Nauutal niyang sabi at tinuro niya ang daan. Sinundan ko naman siya at nagtungo kami sa part ng puro library pero marami ring paintings.

Parang bumagal ang galaw ng paligid nang papalapit ako sa sentrong iyon, isa malaking litrato ang nakapaskil sa pader. May nagsisilbing ilaw pa rito na nagbibigay liwanag sa litrato.

And it looks like me. Kopyang kopya ang mga features ko sa imahe na 'yon.

“A-Anong pangalan niya?” Wala sa sarili kong tanong sa babae.

“Wala pong sinabing pangalan, ma'am pero ito po ay pininta ni Sebastian Xelvestry, taong October 23, 1880. Kaarawan daw po ng babae noon at naisipang ipinta ni Sebastian ang babaeng iyan upang ibigay sa kaniya bilang regalo pero hindi niya po nagawa dahil sa mga trahedyang nangyari noon. Kung mapapansin niyo ma'am, hindi pa tapos ang buong painting. Kamukhang-kamukha niyo po yung nasa painting, parang identical twin tuloy.”

October 23? That's also my birthday.

And the bracelet tho hindi pa siya gaanong detalyado pero kamukhang-kamukha niya ang bracelet na suot ko.

Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit na naman 'yon.

“A-Anong meron? B-Bakit pakiramdam ko konektado ang buhay ko sa panahong 'yon?” I confusingly asked myself.

I kept on stepping backward when I stumbled upon an old book. Dahan-dahan kong pinulot ang libro at nahulog mula roon ang isang papel, pinulot ko rin 'yon at nagulat nang makita ang picture.

It was the guy named Sebastian at ako ito. Akong ako ang nasa picture.

But how...

How?

Sunod-sunod na nagsitulo ang luha ko habang pinagmamasdan ang picture na parehong naka-wacky.

“I-I-It's m-me.” I said with a shaky voice. “A-At si S-Sebastian ito.” Napahawak ako sa ulo ko nang magsimulang i-occupy ng mga vivid memories ang isip ko.

“M-Ma'am ano pong nangyayari sayo? Ma'am?”

Pinaalis ko na lang ang nag-a-assist sa akin at naupo sa sulok ng mga book shelf.

Ang librong ito, parang may malakas na enerhiyang tinutulak ako para buksan.

“Wag kang matakot, Aecy, hindi sa iyo ang mga memories na 'yon. Kakanood mo 'yan ng mga movies!” I convinced myself. “Tama, tama.” I tightened my grip on the book and heaved a sigh.

Sinimulan kong buksan ang libro at tumambad agad sa akin ang mga iba't ibang sulat. Hindi ko binasa lahat pero bawat pahina ay nandoon ang pangalang Sebastian.

Napansin ko ring may nakaipit sa libro na isa lang libro.

‘Lihim na Talasalitaan ni S’

'Yon ang nakasulat doon. Binuklat ko rin ang diary at kusang tumulo ang luha ko nang mapunta ako sa kalagitnaan ng libro.

“𝙽𝚘𝚘𝚗 𝚞𝚗𝚊 𝚔𝚒𝚝𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚔𝚒𝚝𝚊, 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚊𝚔𝚘 𝚗𝚊𝚗𝚒𝚗𝚒𝚠𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚒𝚗𝚜𝚊𝚗 𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚐𝚕𝚊𝚔𝚋𝚊𝚢 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚋𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚊𝚑𝚘𝚗 𝚊𝚝 𝚗𝚊𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊 𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚛𝚘𝚘𝚗. 𝙷𝚊𝚗𝚐𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊 𝚖𝚊𝚜 𝚕𝚊𝚕𝚘 𝚔𝚒𝚝𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊, 𝚖𝚊𝚜 𝚕𝚊𝚕𝚘 𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚔𝚒𝚕𝚘𝚜 𝚖𝚘, 𝚍𝚘𝚘𝚗 𝚊𝚢 𝚞𝚗𝚝𝚒 𝚞𝚗𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚙𝚊𝚙𝚊𝚝𝚞𝚗𝚊𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚔𝚊𝚠 𝚗𝚐𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚋𝚊𝚎𝚗𝚐 𝚖𝚒𝚗𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚔𝚘. 𝙰𝚗𝚐 𝚍𝚒𝚗𝚊𝚕𝚊 𝚜𝚊 𝚊𝚔𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚍𝚑𝚊𝚗𝚊 𝚞𝚙𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊 𝚔𝚒𝚝𝚊.

𝙽𝚊𝚒𝚒𝚋𝚒𝚐𝚊𝚗 𝚔𝚊,
𝐒𝐄𝐁𝐀𝐒𝐓𝐈𝐀𝐍”


I flipped the other page.

“ 𝙷𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚜𝚊 𝚝𝚊𝚘𝚗𝚐 𝚒𝚝𝚘 𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚞𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊, 𝚔𝚞𝚗𝚍𝚒 𝚜𝚊 𝚒𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚊𝚑𝚘𝚗 𝚍𝚒𝚗. 𝙳𝚊𝚕𝚊𝚠𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚎𝚜𝚎𝚜. 𝙳𝚊𝚕𝚊𝚠𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚎𝚜𝚎𝚜 𝚝𝚊𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚐𝚔𝚊𝚋𝚞𝚗𝚐𝚐𝚘. 𝚃𝚞𝚗𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚙𝚊𝚐𝚕𝚊𝚛𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚍𝚑𝚊𝚗𝚊, 𝚔𝚊𝚑𝚒𝚝 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚘 𝚖𝚞𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚔𝚊𝚋𝚊𝚕𝚒𝚔 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚊𝚑𝚘𝚗 𝚖𝚘, 𝚍𝚒𝚗𝚊𝚕𝚊 𝚔𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚗𝚒𝚢𝚊 𝚜𝚊 𝚊𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚊𝚑𝚘𝚗. 𝙸𝚔𝚊𝚠 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐 𝚒𝚋𝚒𝚐 𝚗𝚊 𝚔𝚊𝚒𝚕𝚊𝚗 𝚖𝚊𝚗 𝚊𝚢 𝚙𝚊𝚞𝚕𝚒𝚝 𝚞𝚕𝚒𝚝 𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚑𝚒𝚑𝚒𝚕𝚒𝚗𝚐𝚒𝚗, 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚔𝚘𝚗𝚐 𝙰𝚎𝚌𝚢. 𝙰𝚎𝚌𝚢. 𝙰𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚕𝚊𝚗 𝚖𝚘 𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗𝚐𝚊𝚑𝚞𝚕𝚞𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚕𝚒𝚖 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚕𝚊𝚕𝚊𝚔𝚋𝚊𝚢 𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚒𝚙𝚊𝚗, 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚝𝚊𝚔𝚊𝚜 𝚖𝚞𝚕𝚊 𝚜𝚊 𝚛𝚎𝚢𝚊𝚕𝚒𝚍𝚊𝚍 𝚙𝚊𝚙𝚞𝚗𝚝𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚞𝚗𝚍𝚘 𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚛𝚊𝚙. 𝙽𝚊 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝚊𝚔𝚒𝚗, 𝚒𝚔𝚊𝚠 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚑𝚞𝚕𝚞𝚐𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚠𝚊𝚝 𝚙𝚊𝚐𝚕𝚒𝚖𝚘𝚝 𝚔𝚘 𝚜𝚊 𝚘𝚛𝚊𝚜 𝚊𝚝 𝚕𝚞𝚐𝚊𝚛. 𝚂𝚊 𝚋𝚊𝚠𝚊𝚝 𝚜𝚊𝚗𝚍𝚊𝚕𝚒 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚝𝚊𝚑𝚒𝚖𝚒𝚔𝚊𝚗, 𝚒𝚔𝚊𝚠 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚞𝚖𝚞𝚙𝚞𝚗𝚘 𝚜𝚊 𝚒𝚜𝚒𝚙𝚊𝚗 𝚔𝚘 𝚙𝚊𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚛𝚊𝚙 𝚗𝚊 𝚊𝚢𝚘𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚒𝚜𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚞𝚕𝚊 𝚜𝚊 𝚒𝚢𝚘. 𝙸𝚔𝚊𝚠 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚒𝚛𝚊𝚜𝚘 𝚗𝚐 𝚒𝚖𝚊𝚑𝚒𝚗𝚊𝚜𝚢𝚘𝚗 𝚔𝚘 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚐𝚋𝚒𝚋𝚒𝚐𝚊𝚢 𝚔𝚊𝚑𝚞𝚕𝚞𝚐𝚊𝚗 𝚊𝚝 𝚔𝚞𝚕𝚊𝚢 𝚜𝚊 𝚊𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚊𝚐𝚒𝚗𝚒𝚙 .

𝙷𝚞𝚖𝚊𝚑𝚊𝚗𝚐𝚊 𝚜𝚊 𝚒𝚢𝚘,
𝐒𝐄𝐁𝐀𝐒𝐓𝐈𝐀𝐍.”

Tuluyan kumirot ang puso ko nang mabasa ang sarili kong pangalan, even the meaning, the meaning of my name is dream.

Did I really time travelled back in 1880?

6 years ago... What was just happened?

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon