ʚChapter 62ɞ

9 1 0
                                    

                  𝗔𝗲𝗰𝘆 𝗔𝗹𝗹𝗶𝘆𝗮𝗵'𝘀 𝗣𝗢𝗩

4:06 PM na pero wala pa rin si Sebastian. Akala ko nga kanina nauna pa siya sa'kin eh, pero mas nauna pala ako.

Naupo ako sa sementong upuan at hihintayin siya.

“Gosh! Dapat pala inaral ko paano gumawa ng cellphone, para sana magawan ko siya ng isa. Ang hirap naman pala kapag ganito, walang update update kung nasaan na.” Naiirita kong sabi.

Ilang kalesa na ba nabilang kong dumaan? Ilang mga guwardya sibil na ba ang sinuway ako rito kasi kanina pa daw ako nandito? Ilang lamok na ba ang nagtangkang kagatin ako?

At hanggang ngayon wala pa rin siya.

Isang oras na akong naghihintay dito. Mukha tuloy akong ghinost ng ka-meet up ko.

“Hindi naman traffic.” Malamang wala namang mga kotse at traffic lights dito.

Ayoko talaga sa lahat ay pinaghihintay but here I am, patiently waiting for him.

Sana lang... sana lang hindi niya ako nakalimutan. Sana lang hindi niya nakalimutang nagsabi siyang na pinapapunta niya ako rito at hihintayin niya ako na hindi naman nangyari.

At sana lang... sana totoo ang sulat na natanggap ko kagabi. But I know it's from him kasi sulat niya 'yon eh, gano'n ang sulat niya.

“Daig mo pa ang isang palabas sa teatro sa daming emosyon na lumalabas sa iyong mukha, binibini.” Gulat akong napatingin sa harap ko nang may magsalita.

Nasa harap ko ang isang lalaking nakangiti sa akin habang nakasakay sa kaniyang kabayo. Pinanood ko pa siyang bumaba roon at ibigay ang kabayo sa isang guwardya sibil.

“Mag-isa ka lamang?” Nagsalita ulit siya.

“Hiroshi?” Wala sa sarili kong nabigkas ang pangalan niya. Tumango naman siya at bahagya pang nag bow.

“Masaya akong naaalala mo pa ang aking pangalan. Si Sebastian? Nasaan siya,binibini?” Napa-iwas ako ng tingin.

Ayon pinaghintay ako ng isang oras tapos wala pa rin siya hanggang ngayon.

“Binibini? Tila yata hindi maganda ang iyong pakiramdam, bigla ka na lamang umiiling.” Napansin niya pa ba 'yon?

Napatayo naman ako para kahit papaano medyo hindi nakakangalay tumingala sa katangkadan niya. Nagmukha akong maliit sa kaniya.

“Ah wala, wala. Bakit nandito ka?” Tanong ko pabalik.

“Ako'y nagmamasid lamang hanggang sa makita kita, ang akala ko'y kamukha mo lang ngunit ikaw nga talaga. Hindi mo pa sinasagot ang aking katanungan, nasaan si Sebastian?” Napa-iwas ulit ako ng tingin.

“Hindi pa dumarting eh.” Tipid kong usal.

“Hindi pa? Anong ibig mong sabihin, binibini?” Naupo na lang ako dahil nangangalay na'ko kakatayo.

“Magkikita kasi dapat kami ngayon, pero wala pa rin siya. Iniisip ko baka nakalimutan niya or what.” Napabuntong hininga ako. Nakalimutan. Ang pangít pakinggan ng nakalimutan.

“Huwag mong isipin iyan. Marahil ay may dinaanan lamang siya, kilala mo naman siguro si Sebastian. Masyado mabubusing tao. Hindi bale, binibini, ikaw ay aking sasamahan dito hanggang sa dumating si Seb. Mahirap na at papalubog na ang araw, delikado para sa isang binibini na kagaya mo na naghihintay dito.” Mahaba niyang paliwanag. Hindi ko na lang siya tinugunan dahil iniisip ko pa rin si Sebastian.

Hindi kaya may nangyaring masama sa kaniya—erase! Erase! Don't think about that, Aecy!

Baka nakalimutan ka lang talaga niya.

“Aish!” Napabulalas ako dahil sa inis. Napatingin naman sa akin si Hiroshi kaya agad akong napayuko.

Gosh! Kumakalat na talaga ang mga kahihiyan ko.

Nababanas na ako. Hindi pa ba siya darating?

“Binibining Aecy, sigurado ka bang darating si Sebastian ngayon? Nais mo bang ipatawag ko siya?” Napatingin ako kay Hiroshi na malungkot ang expression ngayon. Nahawaan ko na siguro.

“Hindi na kailangan, Ginoong Hiroshi. Baka parating na 'yon, pwede mo naman na akong iwan dito. Kaya ko naman ang sarili ko.” Usal ko.

Parating na kaya siya? O pinapaasa na lang niya ako?

“Hiroshi...” I called his name. Lumingon naman ito sa akin.

“P-Pwedeng humingi ng favor?” I asked. His eyebrows furrowed.

“Feybor?”

“I mean, pabor. Pwedeng humingi ng pabor?” Pagkaklaro ko. Tumango naman ito at ngumiti na naman sa akin.

“Kung halimbawa wala pa siya, pwede nating puntahan sa kanila? Samahan mo ako, hindi ko kasi alam ang papunta sa kanila.” Lumalam ang mga mata niya at kalaunan ay ngumiti sa akin.

“Walang problema, binibini. Wala naman akong gagawin ngayon.” Napatango ako. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at pinanood na lang ang mga taong dumadaan.

Dalawang oras na akong naghihintay.

Bumuntong hininga ako at napatayo. Nilingon ko si Hiroshi na naka-idlip na yata dahil hindi ko naman siya kinakausap kanina.

Bahagya kong sinipa ang paa niya. Agad naman siyang napabalikwas at tiningala ako.

“Aalis na tayo?” Tanong ko. Walang pag-aalinlangan siyang tumango at tumayo.

“Kayo ay paniguradong magkasintahan na.” Sabi ni Hiroshi habang nasa kalesa kami. Papunta na kami kina Sebastian.

“Ah oo.” Tipid kong tugon.

“Kung nahihiya ka sa akin ay huwag na, hindi ba't sinabi ko ng kaibigan mo na rin ako? Huwag kang mailang sa akin, wala akong binabalak na masama sa iyo.” Napatingin ako sa kaniya.

Did he felt that? I didn't know I was that obvious.

“Fine, wawalang hiyain na lang kita.” Natatawang biro ko sa kaniya.

Pero kahit anong pilit kong libangin ang sarili ko, si Sebastian pa rin ang iniisip ko.

Nakalimutan niya ba ako? Ang sakit naman no'n kung gano'n psh.

Isang oras din ang naging byahe namin at masasabi kong kahit papaano panatag na ang loob ko kay Hiroshi. Masaya siyang kasama, kwela at madaldal. Pala-ngiti pa siya kaya nakakahawa din. Halos tungkol lang sa amin ni Sebastian ang aming pinag-uusapan pero bakas na masaya ako habang nagka-kwento.

“Narito na pala tayo, halika na, binibining Aecy.” Aya nito at bumaba na ng kalesa.

I told him na Aecy na lang ang itawag niya sa'kin pero sasanayin muna raw niya ang sarili niya.

Bumaba na rin ako at napabuntong hininga nang makitang may bantay ang gate.

“Bawal nga pala akong makapasok diyan.” Bulong ko sa sarili. Medyo binaba ko ang soot kong sombrero para maitago ang mukha ko.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon