ʚChapter 80ɞ

8 1 0
                                    

Kung may mas deserving na makatakas dito, si Carmela 'yon.

But here she is, sacrificing herself just to save me. She's being a sacrificial lamb.

“Magtatampo yung tiyan mo sa'yo, kumain kana.” Umayos ako ng upo at naupo sa tabi niya. Kumagat ako sa tinapay at hindi 'yon matamis, malayo sa panlasa ko pero pwede nang pangtanggal gutom.

“Kung may nagawa man sa iyo ang aking kapatid, binibigyan kita ng karapatan na huwag siyang patawarin hangga't hindi siya nagsisisi.” She retort. Dahan-dahan lang ako sa pagnguya habang hinihintay pa ang sasabihin niya. “Sana rin maayos niyo ang mayroon kayo ni Sebastian.” Napakagat ako sa labi ko.

Galit ako kay Sebastian. Kung may dahilan man siya kaya siya nakipaghiwalay, tatanggapin ko pa pero yung hindi niya ako pinaniwalaan nung sinabi kong muntik na akong g4h@sa.in ni Manuel? Mas lalo lang akong nagtatanim ng sama ng loob sa kaniya.

Pero hindi ko maiwasang hindi isipin na kahit anong gawin ko, mahal ko pa rin talaga siya.

But it will fade, as long as makabalik ako sa panahon ko at hindi na siya nakikita. I know his image in my mind will haunt me, but later on, I will be able to erase his memories.

Yes, I'm lying.

Alam kong hindi ko kayang gawin 'yon.

“P-Paumanhin, Aecy. Hindi ko ibig paluhain ka.” Agad akong napahawak sa pisngi ko at basa na 'yon, umiiyak na pala ako, hindi ko man lang namalayan.

Dali-dali kong pinunasan ang luha ko. Bigla na lang nag-play sa utak ko yung mga memories namin together at mas masakit dahil sa background music na "Kisah Tanpa Dirimu" an Indonesian song.

Ang sakit potek!

“M-May naisip lang.” Pagde-deny ko agad. Ramdam pa ring umiiyak ko habang kumakain.

Aaminin ko, miss ko na siya. Miss ko na ang lahat sa kaniya. Miss ko na kaming dalawa.

I'm busted.

Hindi ko namalayang humihikbi na pala ako. Ngayon ko lang mas malayang naramdamang grabe ang iniwan niyang hinanakit sa akin, tagos hanggang buto ko. I'm in the deepest level of pain, and it's drowning me—I don't know how to go up anymore.

“Gumising ka!” Nagulat ako nang may bumuhos sa akin ng tubig. Agad akong nagising at ramdam kong nakatali ang mga kamay at paa ko sa upuan. Napatingin ako sa tabi ko at gano'n din si Carmela na nakatingin sa akin.

Napatingin ako sa paligid at madilim pa ang kalangitan. Tanging apoy na nakasilab lang sa harap namin ang nagsisilbi naming liwanag.

Napatingin ako kay Susan at naiiyak na ito ngayon.

Teka! Akala ko ba ililigtas kami sa pagdapit ng madaling araw? Niloloko na naman ba ako ni Susan?

Hindi makapaniwala ko siyang tinignan pero mabilis lang itong umiling at tinaas ang palad niya. It's a sign of "Wait" that I told her.

Anong ibig niyang sabihin?

“Ano bang tinitingin-tingin mo riyan?!” Napadaing ako nang may humawak sa panga ko ng mahigpit at hinarap sa kaniya. It's Erwin.

“Ano bang kasalanan ko sa'yo?!” Singhal ko. Nagtatapang-tapangan lang ako pero natatakot na ako para sa buhay ko.

“Hindi ba sinabi sa iyo ng iyong kapatid?” Mapang-asar siyang tumingin kay Carmela at muling bumalik sa'kin ang tingin.

“Hindi niya rin ba sinabi sa'yo ang totoo?” Kahit mabigat sa loob ko, sinabi ko ang sinabi niya sa'kin na sabihin ko raw sa oras na mangyari 'to. Nagsalubong ang mga kilay niya.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon