Pinanood ko lang maka-alis ang mensahero. Napatingin din ako sa kabila at nakita ko na naman yung lalaking 'yon na tinitignan na naman ako. Mag-gagabi na pero kitang kita ko pa rin ang mukha niya.
Akmang lalapitan ko siya nang mabilis siyang sumabay sa mga kalesang dumadaan. Hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
“Sino ka ba? Isa ka ba sa mga taong dapat kong iwasan?” Bulong ko sa sarili at napapailing na pumasok na lang ulit ng bahay.
Wala naman akong reason para tumambay pa sa labas kasi wala akong ka-close sa mga kapitbahay namin. Si Gwen marami. Masyadong palakaibigan yun eh at maingay kaya ganon..
“Si Tiya Teresita?” Tanong ko nang masalubong si Gwen na tinitirintas ang buhok niya.
“Nasa kumbento pa, why? Girl, bukas pala we have to go sa church sabi ni Tiya.” Aniya.
“Hindi pwede mag-skip?” Kinonoot naman niya ako ng noo at tinaasan ng kilay.
“Magkikita kami ni Seb tomorrow eh, by 4 PM. Eh 5 PM pa natatapos kapag uma-attend ako ng kumbento eh.” Paliwanag ko. Nang-aasar naman niya akong pinaningkitan ng mga mata.
“Susan and I got you.” Kinindatan niya pa ako. “Speaking of her, kanina pa siya hindi umuuwi. Mag-gagabi na huh.” Napakunot noo naman ako. Kanina pa?
Saan ba siya nagpupunta at araw-araw wala rito?
𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Humihiyaw sa sakit na naman ng isang babae ang maririnig sa tagong kutang iyon sa kagubatan.
“Walang kwenta! Bakit hindi mo siya madala rito?! Anong silbi mo sa kanila ka nagpapalipas ng gabi. Ang aking tinuran ay dalawang linggo, ngunit apat na linggo na ang lumipas. Wala kang kwenta!” Malakas na sinàmpàl ng lalaki ang isang batang babae.
Ang lalaki ay ang pinuno ng mga tulisan, si Erwin.
Sa isang tabi ay ang tahimik na ama ng bata at pinapanood lang ang ginagawang pananakit sa kaniyang anak. Hindi niya magawang pumagitna o pumigil man lang dahil batid niya ang kahahantungan niya sa oras na makisali siya.
“P-Pakiusap, pinuno, bigyan mo pa ako ng p-pagkakataon. Madadala ko rin dito ang b-binibini.” Umiiyak na pakiusap ng batang babae, si Susan.
Sa tuwing magpapa-alam siyang aalis kasama ang kaibigan niyang si Anabellya na miyembro rin ng kanilang grupo ay dito ang tungo nila. Dito sila buong araw at uuwi lang kapag malapit ng gumabi.
Pero ngayon ay gabi na, hindi pa rin siya nakakauwi sa bahay nina Tiya Teresita. Hindi niya alam ay naghihintay sina Aecy at Gwen sa kaniyang pag-uwi.
Ngunit hindi rin alam ng dalawang dalaga kung makakauwi pa nga ba si Susan.
Hinawakan ni Erwin ang panga ni Susan ng mahigpit.
“Limang araw, Susan. Limang araw lang.” Pabagsak niyang binitawan si Susan at kinuha ang baso upang tunggain ang alak na laman no'n.
Nakatingin lang ang isa pang kawawang babae na nangangayayat na ngayon at halos wala ng pag-asang mabuhay pa.
Si Carmela.
Ang hindi niya alam ay ang babaeng pinagpaplanohang dukutin ay hindi niya tunay na kapatid, at hindi niya rin alam na ang kaniyang tunay na kapatid ay narito na sa Pilipinas.
Sa kabilang dako ng lugar ay ang isang napakalaking bahay naman ang matatagpuan kung saan naninirahan ang Gobernador-Heneral at ang kaniyang pamangkin na si Regine.
Si Martin at Regine ay magkapatid sa ina. Isang kerida ang kanilang ina kaya ang dalawa ay magkalayo rin ang loob. Tinanggap lamang niya ang kaniyang mga pamangkin dahil pare na itong ulila at wala ng ibang kamag-anak na malalapitan.
Panatag si Regine, Dahil walang sinuman ang nakakaalam ng tunay na itsura ng bunsong anak ng David at Arandia. Tanging kaniyang pamilya at kamag-anak lang ang nakakaalam. Kahit pa ang mga kaibigan nito noon ay hindi alam na siya ay isang anak ng kilalang pamilya. Iyon ay dahil protektahan ang kaniyang buhay at mailayo sa naghihintay na kapahamakan mula sa mga kaaway ng kanilang mga magulang.
“Bibisitahin ko sila Sebastian bukas, nagpadala lamang ako ng sulat kay Don Jacinto, nais kong surpresahin ang kaniyang pamilya lalo na si Sebastian. Lalo't hindi niya batid na ako'y narito na.” Usal ni Regine. habang sila ay kumakain sa hapag.
“Binabalaan na kita, Regine. Hindi maganda ang iyong binabalak. Kilala mo ang mga Xelvestry, hindi ba't nagkaroon sila ng alitan ng iyong ama?” Usal naman ni Arnold.
“Kung ano man ang naging alitan nila ay iyon na ay nagdaan at labas na ako roon.” Mataray na sagot ni Regine. Napapailing na lang na uminom ng tubig ang Gobernador-Heneral.
Sa madilim na gabi ay bumangon ang isang lalaki mula sa kaniyang higaan upang gawin na ang kaniyang plano.
Kinuha nito ang may kalakihang lalagyan upang isilid doon ang mga bagay na isasama niya sa kaniyang pagtakas. Ang kaniyang telescope, kaniyang panulat at mga papel, ilang importanteng gamit, at kaniyang mga damit.
Bukas na bukas mismo ay plano niyang tumakas at isama ang babaeng kaniyang mahal, nasi Aecy
Galit na galit si Sebastian habang patuloy na sinisiksik ang mga damit niya sa bag.
Simula nang umalis si Aecy sa kanilang tahanan ay naging magulo na ang kanilang pamilya. Naging maiinitin ang ulo ni Don Jacinto. Madalas sumakit ang puso ni Donya Elena. Kakaiba ang kinikilos ni Manuel at Elizabeth. At si Katrina naman ay desperadang tumakas din kasama ang lalaking iniibig niya, si Winchi.
“Walang magaganap na kasalan. Nabawi ko na iyon, hindi maaaring mangyari ulit. Mas lalong sa panibagong babae.” Nanggagalaiiting bulong ni Sebastian bang umiigting na ang panga dahil sa pagpipigil ng masidhi niyang damdamin.
Mas umigting ang panga niya ng maalala ang pinag-usapan nila ng kanilang pamilya kanina lamang.
Nais ni Don Jacinto na maganap ang kasal sa susunod na buwan. Ngunit hindi man lang pinakilala ng ama kung sino ang babaeng kaniyang pakakasalan.
At sumumpa si Sebastian na kung hindi lang naman si Aecy Alliyah ang babaeng 'yon, hindi siya magpapakasal.
“Wala na akong pakialam kung magkaroon kami ng samaan ng loob ni ama.” Nang matapos si Sebastian sa pag-iimpake ay naupo siya sa higaan at napahawak sa kaniyang sintido.
Aminado siya na simula nang umibig siya kay Aecy ay naging kumplikado ang lahat. Pati ang kaniyang pagsisilbi sa gobyerno ay nakakaligtaan na niya dahilan para palagi na itong masermonan ng ama na kailan man hindi niya ginawa sa anak.
Mahal na mahal niya ang babae kung kaya't mas inuuna niya ito kaysa sa kaniyang sarili.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...