“Hindi man ako ang iyong unang nakilala, hindi man ako ang unang inibig ng iyong mga mata, marahil hindi rin ang unang lalaking inalayan mo ng katagang ‘Mahal kita’ ngunit ikaw...” He stopped and looked me in the eye.“Ngunit ikaw ang nais kong makapiling mula sa takipsilim hanggang sa magbukangliwayway. Ikaw ang nais kong pag-alayan ng musikang aking makikilala. Ikaw ang nais kong paulit-ulit na matagpuan sa umpisa hanggang sa dulo ng daan. Ikaw ang nais ko hanggang sa aking huling paghinga. Marahil ay may nauna ngunit nais kong ako ang huling lalaki na pag-aalayan mo ng iyong pagsinta.” Madamdamin niyang usal.
Nang tumayo siya mula sa pagkakakuluhod ay bumalik ako sa reyalidad.
Hindi ko na rin napigilan ang luha ko at umagos na sila.
This means... he loves me?
Nakahawak pa rin siya sa kamay ko.
“Bigyan mo sana ako ng pahintulot na ikaw ay aking ligawan hanggang sa matutunan mo akong gustuhin din at tuluyang maghilom sa sûgat na iyong dinadala. Handa akong magsilbing gamot, maghilom ka lang.” Mas napaiyak ako.
Tuloy-tuloy ako sa pagluha habang nakatingin sa kaniya.
“P-Pero hindi pa ako handang tumanggap ng panibagong p-pag-ibig.” Halos gusto kong kurutin ang sarili ko dahil sa sinabi ko.
Why am I saying the opposite of my feelings? He's pursuing me, why am I being like this?
Parang pinisil ang puso ko nang mapawi ang malawak niyang ngiti, pero ngumiti pa rin siya ng maliit.
“Hindi kita minamadali...”Usal niya.
“Hindi naman minamadali ang paghilom, lalo na't hindi minamadali ang ang pagtanggap. Palagi namang may espasyo ang paghihintay, hindi lang sa lugar o pasyalan kundi sa ating mga puso rin. Handa akong maghintay sa iyong sagot. Maghihintay ako ng marahan at kalmado, hindi maramot at makontento, hindi nagmamadali, hindi sabik at tansyado. Ako ay maghihintay sa'yo, dahil mahal kita.” My lips parted.
He's too understanding.
He's too consistent.
He's too worth it.
He's too gren flag.
He's too the only kind of way.
He's too good to be true.
He's too good for me.
“H-Hindi ko alam ang sasabihin ko...” Bakas sa boses ko ang pagkatuyo dahil kanina pa ako hindi nagsasalita at walang masabi.
He patted my head. He's just 4 inch taller than me, halos magkapantay lang kami.
“Hindi naman kailangan palagi kang may sasabihin. Sapat nang nasabi ko na ang nais kong sabihin dahil iyon naman ang dahilan kung bakit ako narito, hindi ako umaasang may sasabihin ka agad. Ngunit kung mayroon, masakit man iyan ay tatanggapin ko nang bukal sa aking kalooban.” He slightly pinched my hand.
“Ang tunay na pagsinta ay hindi ipagkakait ninanais ng iyong puso na ligaya at saya. Uulitin ko, hindi ako nagmamadali sapagkat ako'y handang maghintay.” Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
I sniffled.
He's too much to describe.
I can't explain what I feel but I feel overwhelmed and overflowed with inexplicable feelings.
Napapikit ako ng mariin at walang pasabing tumakbo at pumasok ng bahay. Tinatawag pa ako ni Gwen pero hindi ko na sila pinansin.
Nang makapasok sa kwarto ay ni-lock ko ang pinto. At sumubsob sa unan ko at tuluyang himikbi.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...