ʚChapter 26ɞ

20 1 0
                                    


                  𝗔𝗲𝗰𝘆 𝗔𝗹𝗹𝗶𝘆𝗮𝗵'𝘀 𝗣𝗢𝗩

6 o'clock na ako nagising, buti na lang hinayaan lang nila akong makatulog. Nag-ayos na ako at bumaba.

Nakita ko si Tiya Teresita na nasa sala. Nang makita niya ako ay mabilis siyang lumapit sa'kin.

She held my hands and scanned me.

“Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo.” Mahina nitong usal.

Hinila niya ako sa hindi kalayuan at tinignan ako ng seryoso.

“At nasugatan ka. Huwag mo na hahayaang maulit iyon, ako'y nanghihina rin. Sa tuwing ikaw ay nasusugatan, nanghihina ang aking katawan at hindi maigalaw ng malaya.” Gulat akong tinignan siya.

That's possible?

“So may connection tayo?” Gulat kong tanong.

Sabagay not impossible, nakuryente nga ako nung hawakan niya ako eh.

“May problema ba, punong madre?” Napatingin kami kay Elizabeth nang magsalita siya.

“Wala, hija. Inaanyayahan ko lamang si Aecy na sumama sa atin sa kumbento sa darating na linggo. Nang sa gayon ay may gawin naman ito.” Napatango naman si Elizabeth.

“Maganda nga iyon, binibining Aecy nang sa gayon ay mas makilala pa kita.” Ngumiti siya sa akin kaya napangiti rin ako.

It was the first time I saw her smiling.

“Mag-almusal ka na, Binibining Aecy. Paumanhin kung hindi ka na namin ginising upang sumabay sa amin, batid naming hindi pa magaling ang iyong sugat.” Nang banggitin niya ang huling kataga niya at napatingin ako sa paligid.

Speaking of him. Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw ah nasaan kaya siya?

“Wala si Sebastian?”  Nagbago ang expression ni Elizabeth sa tanong ko.

Gosh! Baka na-misinterpret niya.

“Uhm sabi niya kasi ano... Lilinisin niya ang sugat ko.” Agad kong usal.

Grabe talaga! Gano'n ba sila kabilis makapansin?

“Ang aking kapatid ay may biglaang pag alis. Mamaya ay uuwi rin 'yon, payo niya pa na si Lushia na muna ang maglilinis ng iyong mga sugat.” Tinanguan ko na lang si ate Elizabeth.

Hanggang kailan yung mamaya? Anong oras ba? Hindi man lang siya nagpaalam sa'kin.

“Wow, Aecy Alliyah. Wala kayong label niyan ah. Ni hindi ka sigurado kung gusto ka ba no'n eh at ikakasal na 'yon.” Usal ko sa sarili.

Napairap ako nang maalala 'yon. Pft!

Baka naman kasi kikitain niya yung bride to be niya.

“Oh pake ko naman sa kanila? Edi magsama sila.” Inirapan ko ang chandelier.

“Bakit kinakausap mo ang iyong sarili at ganiyan pa ang iyong mga tinuturan? Dahil ba kay ginoong Sebastian?” Mabilis akong napatingin kay Tiya Teresita at umiling-uling.

Hay, Aecy Alliyah! Kailangan ka magiging in denial.

Bumuntong hininga ako at tinignan si Tiya ng seryoso.

“Alam niyo po ba, nong bago pa ako nagpunta rito, kaka-break lang namin nung 2 years boyfriend ko,hayyy. Syempre sobrang sakit po no'n sa'kin, lalo na 4 days palang ang nakakalipas, sobrang fresh pa kaya. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin po ako sa nangyari sa'min,tuwing naalala ko yun, ang tagal din nung dalawang taon eh. Tapos napunta ako rito, ang bilis ng pangyayari. Hindi na ako umiiyak tuwing gabi, pero umiiyak naman ako kapag sesendan ko siya ng message kahit alam kung hindi niya din naman mababasa.” Huminto ako sandali para muling bumuntong hininga.

“Ngayon hindi ako siguro Tiya, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko ngayon.” Hinawakan niya ang mga kamay ko.

“Tama ang naging desisyon kong dito sa panahon na 'to ikaw ipadala, magtiwala ka sa akin, Aecy. Ang sakit na nararamdaman mo ay may hangganan, at malalaman mong hindi na lamang sakit 'yan kundi panghihinayang dahil ang tagal ng relasyon ninyo. At may isang tao rin sa panahong 'to ang magpaparamdam sa'yo kung ano ang tunay na pag-ibig talaga.” Aniya.

Pero hindi naman ako tângà para hindi maintindihan ang magiging bunga sa oras na ma-attach ako dito yun ang kinatatakotan kung mangyari.

“Sabi mo kapag nahanap ko ang pag-ibig ko dito ay makakabalik ako sa pahanon ko. Paano ang pag-ibig ko rito? Imposible namang masama ko siya sa panahon ko. Double k!ll naman 'yong sakit nun.” Peke akong natawa.

Tinapik lang ni Tiya Teresita ang aking kamay at hindi ako sinagot. Iniwan niya ako at bumalik sa sala. Napabuntong hininga ako.

What's the sense of falling in love here if it's love beyond time.

9 o'clock na pero hindi pa rin bumabalik si Sebastian. Nalinisan na ni Lushia ang sûgat ko.

“Tila ikaw ay hindi mapakali.” Napatingin ako sa pinto nang may pumasok doon, si Katrina.

May dala-dalang damit, magarang sombrero at flat shoes. Nilapag niya iyon sa kama.

“Bes, ito ang isusuot mo sabi ni kuya Sebastian. Siya pa ang pumili nito.” Parang kinikilig na usal ni Katrina.

Naglakad ako palapit sa kaniya at nagtatakang tinignan yung damit.

“Okay pa naman yung suot ko ah?” Napatingin din ako sa suot ko.

Kinikilig na hinawakan ni Katrina ang mga kamay ko at ngiting-ngiti siya sa'kin.

Tinignan ko ito na parang nalilito.

Ang saya talaga ng mga tao dito.

“Tayo'y tutungo sa fiesta ng Santa Rita, naroon na si kuya Sebastian at tayo na lamang ang pupunta roon. Nais kong maranasan mo ang pista dahil ang sabi ni punong madre ay hindi mo pa raw iyon nararanasan pa, pangako masisiyahan ka doon.” Masaya niyang usal kaya nahawa na rin ako sa ngiti niya.

Mas excited pa siya sa akin eh.

“Si Sebastian talaga pumili nito?” Paninigurado ko sa kaniya.

Naupo ako sa kama ko at hinawakan ang malambot at makinis na dress.

Kimona ang tawag dito. Ginagamit kapag may espesyal na okasyon. Maluwag ang manggas niya, may malapad na sinturon din, at marami pang mga tela na bago sa paningin ko. Pati ang sandals ay halatang mahal.

Kulay puti iyon na may mga design design na bulaklak na ang kulay naman ay ginto.

Pwede ko kayang ibenta to? Mukhang tunay kasi na ginto ito eh.. Pag talaga makabalik ako sa panahon ko dalhin ko kaya to (evil smile) hindi ko nalang pinahalata kay katrina baka matakot sakin eh HAHA..

But ..

It's really gorgeous. This was the first time I saw this.

“Ang ganda naman nito. May taste rin pala sa pagpili ang kuya mo 'no?” Pabiro kong untag. Mahinhin naman siyang tumawa.

“Ako'y naiinggit sa iyong kasuotan, bes, sapagkat tunay na natatangi ako sa'yo. Ang sa akin ay simpleng kimona lang na ginamitan ko nakaraang taon.” Napatango ako.

Pero kahit na simpleng kimona lang siguro isuot niya, hindi parin naman mababawasan ang ganda niya...

“Mamayang alas singko ang simula ng pista at may isa't kalahating oras ang byahe natin. Dadaan pa tayo sa kumbento upang magpabasbas. Mabuti pa at kumain na tayo para makapag-ayos na.” Sumang-ayon na lang ako sa gusto niya.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon