No one initiate to move our lips. Madiin lang na naka nagtagpo ang mga labi namin.
We stayed for a long long seconds until I felt someone dragged me and pushed me hanggang sa masubsob ako sa lupa.
“Walang hiya ka! Ahâs ka! Sinasabi ko na nga ba, kaya hindi panatag ang loob ko sa iyong babae ka ay dahil ikaw ay isang kamandag! Ang iyong kaliluhan ay masangsang! Walang hiya ka!” Napahawak ako sa ulo ko dahil masakit 'yon.
Mahinang tumama ang ulo ko sa bato, buti na lang hindi malakas.
Parang bumalik ako sa huwisyo ko.
Si Vienna ang tumulak sa akin at siya ang sumisigaw ngayon.
Napatingin ako sa kanila, at maraming tao ang nanonood. Para akong tinablan ng hiya. Pakiramdam ko iniisip na nilang mang-aagaw nga ako.
“Huwag kang mag-eskandalo, Binibining Vienna ” Dinig kong banta ni Katrina.
Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tumayo. Nakahawak pa rin ako sa ulo ko dahil masakit talaga, nahihilo pa ako.
Nagulat ako nang sugurin niya ako at sinâmpál. Napahawak ako sa pisngi ko at hindi makapaniwalang tinignan siya. Parang nawala ang tama ng alak sa'kin.
“How dare you!” Mabigat ang paghinga ko pero tinarayan niya lang ako.
“Hindi mo na alam kung sino itong inaahâs mo ha?! Kung ano ako sa buhay niya?! Wala bang delicadeza sa pagkatao mo at pati ang makaka-isang dibdib ko ay hindi mo palalampasin?!” Galit na galit siya sa'kin.
Napatingin ako kay Sebastian na hinawakan ang braso ni Vienna.
“Huwag mong idamay ang kasalan dito, Vienna.” Napunta ang tingin si Vienna kay Sebastian.
“Isa ka rin. Hindi mo man lang ba ako naisip at hinayaan mo lang na halikan ka ng babaeng iyan?”
“Ano't labis ang iyong galit? Hindi mo ako kasintahan, walang namamagitan sa ating dalawa. Alam mong maaari kong bawiin ang kasal, tutal hindi naman ito ang aking nais. Ito ay iyong nais lamang!”
Natahimik doon si Vienna at parang nakalimutan niyang galit siya.
Winaksi ko ang kamay ni Katrina at walang pasabing umalis. Walang pakealam kung pinagtitinginan ako ng mga tao, at walang pakealam kung saan ako mapadpad.
Nagpatugtog na lang ako at sinalpak ang earphones sa tainga ko habang pagewang-gewang na naglakad na maliwanag na gabi.
“Got to believe in magic, tell me how to people find each other in a world that's full of strangers.~” Pagsabay ko sa kanta.
Habang naglalakad sa kung saan ay tinanggal ko sa pagkakatali ang buhok ko at hinayaan ko lang na nakalugay 'yon habang hinahangin ng malamig na hangin.
Inalis ko rin ang malapad na sinturon ng suot ko at binitbit, mahal 'to, dapat pahalagahan ko pa rin.
I wiped my cheeks.
“Ay pvta! Umiiyak pala ako.” Hindi ko rin alam bakit, basta feeling ko ang bigat ng nararamdaman ko.
Huminto ako nang makakita ako ng parang tanawin, mataas 'yon na pabundok at may nag-iisang puno sa tuktok at may mahabang upuan din doon na kakasya ang dalawang tao.
Naglakad ako papalapit doon at pasimpleng binuksan ang gate, may bahay sa tabi no'n pero mukhang walang tao.
Umakyat ako sa pabundok na lupain hanggang sa marating ko ang tuktok. Malungkot na nga ang tinutugtog ko, malungkot pa ang salubong ng paligid.
Madilim ang matatanaw sa malawak na palayan, at tanging maliit na lampara lang na nakasabit sa puno ang nagsisilbing liwanag sa paligid.
Naupo ako sa upuan at nilabas ang cellphone ko. Nag-picture ako. Pinucturan ko ang puno. Pinicturan ko ang madilim na palayan.
Bumuntong hininga ako at muling humikbi ng tahimik.
“A-Ano bang ginagawa mo, Aecy Alliyah. Makakasira ka pa ng mabuting lagay dahil lang sa lasing ka tapos hinalikan mo yung lalaking walang ibang ginawa kundi bulabugin ang isip mong nananahimik. Bakit mo kasi hinalikan? Sa harap pa talaga ng maraming tao? Nasaan nga naman ang pagiging conservative mo sa panahong 'to? Bakit kasi siya pa ang hinalikan mo kung pwede namang iba? Marami namang mga pogi diyan eh.” Pinunasan ko ang pisngi ko pero lumuha lang ulit ako.
Mas lalo akong napaiyak nang ma-realize na hindi ko alam kung ano ba ang totoo kong nararamdaman.
I stared at the sky, there are full of stars at half moon pa. Ang ganda noon, kahit saang anggulo ka tumingin sa langit ay makakakita ka ng maraming bituin.
“Wag mong sabihin sa'kin na na-a-attach na ako sa lalaking 'yon eh fresh from break up palang ako.” Pagak akong natawa habang kausap ang bituin.
“Pero bakit ang hirap niyang iwasan? Bakit hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman kapag nandiyan na siya? Someone says that it's a sign when you're starting to love again.” Natatawa akong napayuko.
Malabo. Malabong malabo na maging masaya ako rito, malabo.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasia"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...