𝗦𝗲𝗯𝗮𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩Nais kong habolin ang binibining Aecy ngunit pinigilan ako ni binibining Vienna.
Pilit kong nilalabanan ang sarili ko na taasan siya ng boses dahil siya ay babae, at hindi dapat nagtataas ng boses ang isang ginoo ang isang binibini.
Ngunit hindi ko matanggap na sinaktan niya si Aecy.
“At saan ka pupunta? Huwag mo siyang sundan pa.” Bakas ang pag-uutos sa boses niya ngunit tinignan ko lamang siya.
“Hindi mo ako pag-aari, Vienna. Sa katunayan, walang malisya ang ginawa ni binibining Aecy dahil wala akong kasintahan, gano'n din siya. Kailan man ay hindi nagkaroon ng tayo, binibining Vienna.” Winaksi ko ang kamay niya na naka-hawak sa'kin.
Dinig na dinig ko ang buntong hininga niya.
“Hahayaan kita, sige. Ngunit huwag na huwag mong babawiin ang kasal, hindi ako makakapayag. Sa oras na mangyari 'yon, hindi mo magugustuhan ang aking gagawin.” Hindi ko pinansin ang kaniyang pagbabanta at kinausap na lang si Winchi at si Katrina at kasama na din si Martin ang aking nakakabatang kapatid na samahan akong hanapin siya.
Ilang minuto na kaming naglalakad ngunit hindi pa rin namin siya natatagpuan.
“Nasaan ka ba nagtungo...” Mahina kong bulong habang maiiging nililibot ang paligid.
“Maghiwalay-hiwalay tayo upang makita siya, at muling magkita-kita tayo rito. Maghihintay tayong lahat, kung sino man ang mauna rito.” Usal ko.
Sumang-ayon ang lahat at kaniya kaniya kami sa daan. Lumiko ako sa isang madilim na daan at doon siya napasyahang hanapin.
Habang sa paghahanap, may nakita akong babae na para bang si Aecy ito.
Habang malumanay na umiikot ang mundo ay siya ring pag-hangin ng mahaba niyang buhok. Medyo matagal akong napako sa linyang ito kung saan ilang metro ang layo sa kaniya. Bawat paghakbang na aking ginagawa ay pakiramdam ko isang hakbang na lang ang natitira upang marating sa kaniya. Sa paglipas ng mga segundo ay natitiyak kong siya na nga. Unti-unti ay napapalapit na ako.
“Sa wakas nahanap din kita.”
𝗔𝗲𝗰𝘆 𝗔𝗹𝗹𝗶𝘆𝗮𝗵'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Nakapikit lang ang mga mata ko habang nakatingala nang maramdaman kong na may umupo sa tabi ko.
Napatingin ako ro'n at nagulat na katabi ko si Sebastian, pero hindi ito nakatingin sa'kin kundi sa kalangitan din habang magkasaklop ang mga kamay niya.
Hindi kami kumibo. Mabigat ang paghinga ko at gusto ko ng matulog.
“Batid mo bang kalahating oras ka na rito? Sinadya mo bang manatili ng ganoon katagal o gaya ng kahapon, hindi mo na naman alam ang daan pabalik?” He spoke.
Tumpak. Hindi ko alam kung paano makakabalik kasi nakalimutan ko na ang direksiyon.
Masyado na talaga akong makakalimotin sa daan dapat talaga may mapa akong dala-dala ..
“I'm really bad at directions. Nakakalimutan ko agad kung saan ang daan pabalik. Kaya oo, gaya ng kahapon, hindi ko alam paano babalik.” Tugon ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin din siya sa'kin.
“Malalim na ang gabi.” Mahinang usal niya.
“Malalim din ang sugat na hindi pa naghihilom. Ngunit may hudyat na panahon na upang maghilom.” Napatingin ako sa kaniya at sinalubong ang mga titig niya.
Sana araw araw akong may tama ng alak, para araw araw din akong may lakas ng loob na salubungin ang mga titig niya.
Nagiging makata na talaga ako. Baka magkagawa pa ako ng tula sa isang upuan lang.
Hindi ako umiiwas ng tingin, gano'n din siya. Pareho kaming nakatitig sa malalalim naming mga mata na parang ang daming sinasabi sa isa't isa.
“May humahadlang ba upang maghilom ang iyong sûgat?” Tanong niya. Not shifting his gaze.
“Oo eh. Ang mapalitan ng panibagong sûgat at hindi na muling humilom. Baka sa pagkakataon na ito, hindi na magagawang makabangon.” Lumungkot ang emosyon ng mga mata nito pero walang nagtatangkang umiwas ng tingin.
“Sûgat pa ba ang pinag-uusapan natin o ikaw na?” Tanong niya.
At doon, naputol ang tinginan namin dahil gaya ng palagi, ako na naman ang umiwas ng tingin.
“Pwede ba both?” Peke lang akong natawa at tiningala ulit sa kalangitan.
“Hindi pa kita lubusang kilala. Hindi ko pa alam ang iyong mga hilig at iyong mga ayaw mo. Hindi ko pa alam ang iyong pangarap. Hindi ko pa alam ang magpapasaya sa'yo at ang magpapalungkot. Marami akong hindi alam sa'yo sa ngayon at nais kong mas makilala ka pa, Aecy.” Napatingin ulit ako sa kaniya pero hindi na naman siya nakatingin sa'kin at nakayuko lang habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.
“Hindi mo maiintindihan.” Baka hindi lang siya maniwala sa oras na sabihin ko sa kaniya hindi naman ako born to be in his age, hindi ako rito pinanganak.
Oo, sa panahon na 'to baka ilang taon lang ang tanda niya sa'kin pero sa panahon ko, ilang dekada ang tanda niya sa'kin.
“Iintindihin ko sapagkat nais kitang maintindihan. Kahit magulo pa iyan, kahit akala mo ikaw lang ang nakakaintindi, pipilitin kong intindihin nang sa gayon hindi mo maisip na mag-isa ka lang na iniintindi ang sarili mo.” Napatingin na rin siya sa'kin.
Ngumiti siya. His thumb reached my cheeks and wiped it.
Umiiyak na naman pala ako.
“S-Salamat.” Mahina kong usal habang patuloy na tamatagis ang luha ko.
Mas pinahid niya lang ang kamay niya sa pisngi ko at nanatili roon ang kamay niya.
“Huwag mong pilitin ang iyong sariling maghilom, bawat sûgat ay may nakatakdang panahon upang maghilom. Hindi iyan minamadali. Kahit madaliin mo ay mag-iiwan ng bakas, na habang buhay mananatili sa iyo, habang buhay mong mapapansin at aalalahanin ang sûgat na minsan kang hindi naging sigurado kung maghihilom pa ba. Hintayin mo ang tamang panahon.” Naramdaman kong tumaas ang mga balahibo ko, grabe ang sinabi niya, tumagos sa puso ko.
Totoo. It takes time to heal. Just wait for it until you're finally wôunded free.
“Sa oras na humilom ka, hayaan mo ang sarili mong muling sumaya. Muling kumilala ng saya at lungkot. Pagkasabik at pagsawa. Sakit at ginhawa. Hayaan mong maranasan ulit iyon dahil iyon ay ayos lamang na maramdaman, ganoon ang buhay. Sa pamamagitan no'n, ikaw ay uunlad, ikaw ay uusad, ikaw ay magiging ikaw.”
Mas lalo akong napa-iyak at niyakap na siya ng mahigpit. Wala na akong pakialam kung may makakita o may maramdaman na naman siya.
He made me realize that's it's more better to heal, to let things be or let go of the things that hindrances my phase of sailing.
Dahil tama siya sa lahat.
Hindi na pula ang ilaw, maaari na muling umusad.
![](https://img.wattpad.com/cover/376343364-288-k899823.jpg)
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasi"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...