ʚChapter 105ɞ

17 1 0
                                    

Nakatingala lang ako sa pangalan ng lugar.

“#01 Eauropheus Ave., Lumang Establishimento de Librerià 1880. Wow! Ang gandang pangalan ng museum.” I whispered.

Sarado na 'yon at tanging lamp post lang ang nagsisilbing liwanag sa labas. May mga iilang sasakyan at tao ang dumadaan pero nakatingala lang ako sa museo na 'yon. It's already 11 PM.

Ang daming binago sa lugar na 'to. Dati may malawak na garden pa rito eh, pero ngayon mga bahay na ang nakatayo. May malaking bakuran pa noon dito eh, pero wala na ngayon.

Kumunot ang noo ko nang mapansing nakaawang ng kaunti ang malaking pinto.

I walked towards that door. Nakaawang nga yung pinto, it means, may tao sa loob.

“Baka guard.” Sabi ko sa sarili. Dahan-dahan kong binuksan ang mabigat na pinto at pumasok sa loob, marahang sinarado ko din iyon.

Madilim ang paligid at tanging mga siwang ng bintana at ilaw sa labas ang sumisilip doon ang nagsisislbing liwanag dito sa loob.

Hindi dapat ako mahuli, I have to get the jewelry box. That's mine.

Pati na rin yung bra ko.

Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ng tugtog, may nagpapatugtog at naririnig ko 'yon sa parte ng book shelf.

It's Got to Believe in Magic, my favorite song.

Parang kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa sulok na 'yon. Nang tuluyan akong makalapit ay napansin kong maliwanag ang parteng 'yon.

Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makita ko ang lalaking nakatalikod sa akin at abala sa paghahalo ng paints sa palette nito. At ang nasa harap niya?

Ang painting na ako ang nakaguhit.

That means, tinatapos niya ang painting?!

No way!!!

Mabilis akong naglakad papunta sa kaniya at hinila ang damit nito dahilan para mapabalikwas siya ng tayo at mahagis sa akin ang palette na puno ng mga paints.

“OH... MY... GOSH!” Bulalas ko sa sobrang gulat. Bumagsak ang palette sa sahig at kumalat pa sa floor ang mga paints.

“My robe, oh gosh! How dare you touch that painting and throw me these argh! How dare yo—” Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang makilala ko ang lalaking gulat na gulat na nakatingin sa akin ngayon.

“Ikaw?” Sabay naming sabi at tinuro pa ang isa't isa.

“A-Ah anong ginagawa mo dito? T-Tsaka bakit ka nandito?” Gulat pa rin niyang tanong.

“Eh ikaw bakit ka nandito at pinapakialaman 'yang painting? You're not supposed to touch it, it's not even yours!” Kinuha ko mula sa kamay niya ang paint brush at tinitigan siya ng masama.

Nilampasan ko siya at akmang hahawakan ang painting nang matulala ako don.

It looks so realistic now, hindi pa tapos yung ibabang parte pero sobrang realistic na ng mukha ko roon.

Parang biglang sinindihan ang pressure cooker sa loob-loob ko at biglang kumulo ang dugo ko sa kaniya.

Hinarap ko ulit siya at nagtataka na itong nakatingin sa'kin.

“Alam mo bang that painting means so much to me?! How dare you repaint that, only Sebastian—hindi ikaw ah, but your Lolo is the only one who can repaint this. Aish! You're pissing me off!” Inis kong singhal sa kaniya at tinutok pa sa kaniya ang paint brush na hawak ko.

“Gusto mo ako magpinta ng mukha mo sa mukha mo mismo ha?” Napaatras ito nang humakbang ako palapit sa kaniya.

Napapalunok pa siya habang nakatingin lang sa'kin.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon