ʚChapter 52ɞ

12 2 0
                                    

Gabi na ngayon, 8 o'clock na nga eh.

Pero nandoon sila, nag-uusap pa rin. Kaya pala ngayon ko lang siya nakilala kasi isang taon siyang na-distino sa France, wala pa akong isang buwan sa panahon na 'to.

Nabo-boring na ako kasi kanina pa sila nag-uusap. Napapansin ko ring madalas akong tignan ni Hiroshi kaya binabaling ko na lang ang attention at tingin ko sa iba.

Ngayon na nalibot ko ang halos kabuuan ng Maynila, I can't believe I would love to live here even more and t— “B-Binibining Aecy, t-tu-tulungan po n-ninyo ako.”

Gulat akong napatingin sa laylayan ng damit ko nang may humila doon. Kinabahan pa ako nang agresibo niya iyong ginawa.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang batang babaeng humangos habang nakaluhod sa harap ko at mahigpit na nakahawak sa baro't saya ko.

“Susan?”

“T-Tulong po... Tulungan n-niyo po ako, b-binibini...” Nagmamakaawa niyang usal. Garalgal ang boses niya at parang natatakot.

Akmang hahawakan ko siya nang may humila sa akin dahilan para mapabitaw si Susan sa pagkakahawak sa saya ko at makalayo sa kaniya.

Napatingin ako kung sino ang gumawa no'n at si Sebastian, nag-aalala akong tinignan at tinignan din ang kawawang si Susan.

“Diyan ka lang, Aecy. Ako na ang bahala dito.” Saad ni Sebastian.

Akmang hahawakan niya si Susan nang hawakan ko rin siya sa kamay.

“H-Hindi, ako... ako na! Kilala ko siya, ako na bahala.” Inalis ko sa pagkakahawak sa'kin ni Sebastian at nilampasan siya. Inalalayan kong tumayo si Susan pero bumigay lang din ulit siya sa lupa.

Para pantayan siya ay ako na ang naupo sa lupa.

“A-Anong nangyari sa'yo? Bakit napakarami mong pasa at sûgat?” Nag-aalala kong tanong.

Ngayon ko na lang siya ulit nakita pero I didn't expect her to be like this.

“B-Binibini hi-hindi ko po... hindi ko po, bini-binibini... h-hindi k-ko p-po...” I hushed her immediately. Hindi siya makapagsalita ng tuwid.

I hugged her tight. Rinig ko ang pigil niyang hikbi.

I patted her head to calm her.

“Iiyak mo lang, Susan. Narito ako.” Bulong ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin, nasasanggi na niya ang sûgat ko sa likod pero wala na akong pakialam kung masakit 'yon.

“Sabihin mo sa'kin ang nangyari sa'yo kapag okay ka—I mean, kung maayos na ang pakiramdam mo.” Usal ko.

Ramdam ko ang pagtango niya. Mas niyakap ko lang siya nang humikbi pa siya lalo.

“Paano mo siya nakilala?” Napatingala ako nang magsalita si Sebastian.

“N-Nung araw na buong araw akong wala, nakilala ko siya. Siya si Susan, siya yung tumulong sa'king makauwi sa inyo.” Paliwanag ko.

Binalik ko ang tingin kay Susan na umiiyak pa rin, nagtataas baba ang balikat nito.

“Anong nangyari sa paslit?”

“Hindi ko rin tiyak.”

“Huwag mong masamain ang sasabihin ko, Seb, ngunit ang mga tulad niya ay maaaring nagpapanggap lamang upang makuha ang tiwala ng isang tao. Alam mo naman ang panahon natin, bilang lang ang mga taong mapagkakatiwalaan.”  Nag-uusap ang dalawa.

“Hindi rin maganda ang pakiramdam ko sa kaniy—” Hindi natuloy ni Sebastian ang sinasabi niyang nang tumayo ako at hinarap siya.

“Huwag sana kayong manghusga agad-agad. Hindi naman natin alam ang nangyari ah? Bakit ganiyan na agad ang mga sinasabi niyo sa kaniya? Tsaka hindi niyo naman siya kilala.” Inis kong usal. Pinatayo ko si Susan sa kinalukuhudan niya pero nakakakapit pa rin siya sa'kin.

“Ang sinasabi ko lang, Aecy ay huwag kang magtiwala basta-basta.” Ani pa nito.

“Kilala ko siya, at may tiwala ako sa kaniya. Ano bang alam mo ha?! Sebastian, nakakainis ka na ha. Palagi mo na lang akong sinasabihan, may karapatan naman akong mag-desisyon eh.” Naiirita na ako.

Bakit na naman ba niya sinasabi 'yang tiwala na 'yan!? I trust Susan. What's the matter?

“Ang mahirap sa iyo ay mabilis kang maniwala, mabilis kang magtiwala. Nilalayo lamang kita sa kapahamakan.” Parang piniga ang puso ko sa una niyang sinabi.

“Ganiyan ba ang tingin mo sa'kin?” Nagbago ang expression niya.

“Mali na ba magtiwala at maniwala ngayon? Hindi naman tayo iisa ah? Anong alam mo sa kaniya? At hindi ako mabilis magtiwala, sadyang napalapit na siya sa'kin kaya naniniwala ako sa kaniya.” Lumamlam ang mga mata niya pero hindi ko na lang siya pinansin.

“H-Hindi gano'n ang ibig kong sabihin...” Akmang hahawakan niya ang braso ko nang humakbang ako paatras para iwasan siya. Napatingin din ako kay Hiroshi na sa akin nakatingin.

“huwag na lang muna tayong mag-usap. Uuwi na'ko at isasama ko si Susan.” Matigas kong usal.

Inalalayan ko si susan at nag umpisa kaming maglakad nang mabigat ang dibdib ko.

Kanina palang ang saya namin tapos ngayon nagtatalo na naman. Daig pa namin may label kung magtalo.

Napabuntong hininga ako nang ma-realize na hindi ko alam paano uuwi.

“Susan, dito ka lang.” Iniwan ko si Susan sa hindi kalayuan at binalikan si Sebastian.

Nahuli ko pa ito na parang naiinis na ginugulo ang buhok, pero nung makita akong papalapit ay sumigla ulit ang mga mata niya.

Huminto ako sa harap niya at nilahad ang palad ko. I looked at him expressionless.

Napunta ang tingin niya sa palad ko. “Ayokong maglakad pauwi kasi hindi ko alam paano, magco-commute kami pero wala akong pamasahe kaya pengeng pera.”

Kinapalan ko na ang mukha ko kahit naiinis pa rin ako sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya pero wala na akong panahong magpaliwanag.

“Maaari kitang ihatid.” Napatingin ako kay Hiroshi nang magsalita siya.

“Iniwan ka na ng kalesa mo, ayoko ngang maglakad.” Tanggi ko.

“Ngunit nakatago lamang ang aking kale—” He cut his words when I shifted my gaze.

“Sabay na tayo.” Napatingin naman ako kay Sebastian.

“Hindi pwede.”  Pigil ko. Kumunot naman ulit ang noo niya, maagang kukulubot mukha niya niyan, bahala siya.

“Ngunit bakit?”

“Naiinis ako sa'yo eh. Bigyan mo na lang ako ng pera, babayaran kita kapag may nauto ako dito.” Mas nilapit ko lalo ang palad ko, natatamaan na ang dibdib niya.

Naguguluhan man ay naglagay siya roon ng pera. Tinanggap ko agad iyon at tinalikuran siya. Nang may dumaang kalesa ay kinawayan ko agad.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon