𝗔𝗘𝗖𝗬 𝗔𝗟𝗟𝗜𝗬𝗔𝗛'𝗦 𝗣𝗢𝗩Pinupunasan namin ang mga liquid paint na kumakalat sa sahig.
“Anong sinasabi mo kanina na a girl in your dream? Tyaka hindi ba ang Lolo mo ang nag-paint non, bakit mo pinapakialaman?” Bakas sa boses ko ang inis sa kaniya.
Nang matapos ako ay naupo ako sa sahig at pinanood siyang magpunas ng sahig na may mga pintura.
“Yung sa painting, palagi ko kasing napanaginipan 'yon.” Kumunot naman ang noo ko. Palagi niya akong napanaginipan kung ganoon? Bakit naman?
“Hanggang sa hindi na ako mapakali, hindi na ako nilubayan ng panaginip ko eh. Isang araw, naisipan ko na lang na ipinta ang mukhang niya, hindi ko alam na magaling pala akong gumuhit eh.” Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Sabi nong assistant, it was painted by Sebastian, and not him.
“H-How come? Hindi ba Lolo mo nagpinta niyan?” Naguguluhan kong tanong sa kaniya.
Huminto na rin ito sa pagpunas nang wala ng natirang paint sa sahig. Naupo rin siya at hinarap ako.
“Pinalabas ko lang na si Lolo ang nagpinta non para idagdag sa attraction dito sa museum, pati yung story behind that, galing din sa panaginip ko.” Natulala ako sa sinabi niya.
So, hindi si Sebastian ang gumawa non? Gosh! Naguguluhan pa rin ako.
“At yung sa painting, kamukhang-kamukha mo nga siya.” Napalunok ako sa paraan ng titig niya.
At this moment, it feels like Sebastian is in front of me. Staring at me as if I am the most beautiful star above the dark sky.
“Nagtataka nga ako kung bakit kamukha mo eh ngayon nga pa lang naman tayo nagkakilala. Hindi ko pa nga alam buong pangalan mo eh.” Nanggilid ang mga luha ko.
Hindi ko rin alam. Siguro nga sinasapian ni Sebastian ang isipan niya.
Napakagat labi ako habang pinipigilan sa pagbagsak ang luha ko. Yumuko ako at napabumuntong hininga.
“A-Ayos ka lang ba? I-Iiyak ka na naman ba? May nasabi ba akong hindi maganda sayo?” Napahinto ako mang marinig ang nag-aalalang boses na niya.
Sounds like him. Really sounds like Sebastoan, when he's worried.
Kusang tumulo ang luha ko at napatingala sa kaniya. Now, he looks exactly like him.
“I miss you... I miss you dâmn much... I'm so sorry...” Napahagulgol ako at muling napayuko.
“I miss you too.” I froze. Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig mula sa kaniya.
Dahan-dahang umangat ang tingin ko sa kaniya na ilang inch na lang ang layo sakin ngayon, ang lapit niya sa akin.
Ramdam ko ang panginginig ng labi ko. Gusto kong itanong kung siya ba ang kaharap ko ngayon. Gusto kong paniwalain ang sarili kong kaharap ko ngayon ang lalaking gumulo sa buhay ko simula nang dumating siya.
He spread his arms. Asking me if he can give me a hug with those eyes.
Wala sa sarili akong tumango at kasabay nang pagyakap niya sa akin ay ang pagpatay sindi ng mga ilaw.
Mabilis kong dinukdok ang ulo ko sa leeg nito at mas niyakap siya ng mahigpit.
“Sinabi ko yon baka mapagaan ang nararamdaman mo. Alam kong pogi ako ah pero hindi ako yung iniiyakan mo.” Para akong hinampas ng katotohanan sa sinabi niya.
Huh! I really thought it's Sebastian.
“Nevermind. At least, his look alike was here hugging me, to calm my mind.” I whispered, almost inaudible.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasi"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...