ʚChapter 88ɞ

6 2 0
                                    

“Mag-iingat ka sa paglalakbay mo, apo. Kusa kang dadalhin ng libro sa nakaraan.” Paalala pa ni Lola. Nginitian ko lang siya at niyakap na ang libro at diary saka pumasok sa loob ng bahay.

Ang sama talaga ni Tiya Teresita, gawa-gawa lang pala yung Regine na 'yon pero nakakainis siya! Masyado siyang hambog hmp! Kuhang-kuha inis ko.

Love can make anyone the greediest villain of all novels. Loving is very unpredictable, hindi mo namamalayang nakakasakit ka na pala ng damdamin ng ibang tao para lang sa kagustuhan mong ibigin ka rin ng taong iniibig mo.

No one wants to be a villain but they chose to be just to satisfy their empty heart and fill the jar of their broken feelings.

Kung ganoon, kaya siguro dinala rin ni Tiya Teresita si Gwen sa nakaraan para may kaagaw ako kay Sebastian. Pero dahil magkaiba kami ng taste ni Gwen sa lalaki, mas pinili niyang enemy to lovers si Gabriel. Gustong gusto niya kasing nasasaktan muna eh.

Kawawa talaga si Raze na manliligaw niya.

Maybe that plan failed kaya lumitaw si Regine. Yeah, right!

Unti-unti ko ng nabubuo ang puzzle.

Paakyat na sana ako sa hagdan nang marinig ko sa kusina si Mom and Dad na nag-uusap.

Mabilis akong mapatakbo sa kusina at natagpuan silang nag-uusap at napatingin sa akin.

“Oh Ali, you're awake. A-Ano 'yang suot mo?” Pareho silang napatingin sa suot ko.

I missed them. I missed them so much!

Walang pasabi akong tumakbo palapit sa kanila at niyakap sila ng mahigpit, umiiyak na naman ako pero wala na akong pakialam.

“You like old fashion now? How's your sleep, baby damulag?” I jokingly glared at Dad.

I missed my Daddy. Daddy, nothing happened to me. I'm still a virgin, kay Sebastian ko lang po isusuko 'to, promise!

Mommy, kahit you're nonchalant sometimes, I love you so much! Para kayong si Donya Elena kapag nag-aalala sa'kin.

“Bakit ka umiiyak?” Tanong ni Mom pero mas niyakap ko lang sila.

I'm so lucky I have them with me.

I spent my time with my family habang hinihintay kong higupin ako ng libro.

Kinapkap ko sa damit ko ang phone ko para mai-charge and luckily, I found it.

Chineck ko ang gallery ko pero nagtaka lang ako ng ang mga pictures naming dalawa ni Sebastian ay blurred siya doon, lahat ng litrato niya ay blurred pero ang akin hindi.

I tapped the recent. At mas nagtaka ako nang yung picture namin together ay hindi blurred. Yung picture namin kanina lang.

I smiled. At least, I saved one.

Kinuha ko ang mini printer ko para mag-print ng dalawang copy nito. Parehong naka wacky kami kasi kitang kita yung magagandang dimples ni Sebastian.

Nang matapos ay tinitigan ko ang litrato, naging parang sinauna ang dating nung na-print ko na, malayo sa cellphone. Pero okay na, at least hindi siya blurred this time.

“Hala teh, ang gwapo. Hot papi rawr!” Napabalikwas ako nang makita si Aichille sa tabi ko at nakatitig sa printed cards ko. I hide it under the pillow.

“Sino 'yan? Hindi si Kayden 'yan ah. Break na kayo 'di ba?” Pinanlakihan ko siya ng mata. How dare her mention that guy.

“Wag ka ngang mangialam!” Inis kong sabi sa kaniya.

“Uy! Uy! May bago siyang boyfriend. Teh, 3 days palang kayong hiwalay!” Palihim akong napangiti. Correction, months.

And now I realized, I don't really love him it was just a forced love dahil I've been single all my life. In short, ginawa ko lang siyang pang-character development that later on I got attached to him. That's all, not the kind of love I felt with Sebastian.

“Lumayas ka nga! Ayokong makita pagmumukha mo.” Inirapan niya lang ako at kinuha ang malaking teddy bear ko saka naglakad palabas ng kwarto ko, sinunandan ko lang siya ng tingin.


Naligo muna ako at ginamit ang shampoo ko, gosh! I missed my shampoo na mabango. Nilinis ko talaga ang katawan ko, I rubbed every part of me para malinis.

Gosh! Nakakadiri!

Nang matapos ako ay nag-skincare din ako. I hair dry my hair, put an hair oil on my hair para smooth and shiny at hinayaan lang na bagsak. I miss taking care of my hair.

Nagpunta ako sa closet ko at naghanap ng masusuot. Nang makita ko ang white curved long dress na hanggang ankle na gift sa'kin ni Mommy ay napagdesisyonan ko ng sootin. Actually, mukha siyang corset sa top but it looks a lil bit gown sa baba dahil sa lace. Mukha lang akong soft girl sa suot ko.

I looked so pretty agad.

Pero syempre, hindi lang 'to. Kailangan may make-up ako. Major renovation 'to haha.

Humarap ako ulit sa salamin ko at nagsimulang magpaganda kahit maganda na ako.

Nakita ko rin ang white fluffy head band na bigay sa'kin ni Dad na nakasuksok sa headboard ng kama ko kaya sinuot ko na rin.

“Argh! I know it, kapag nakita ako ni Sebastian mai-in love na naman siya sa'kin.” Nakangiti kong sabi habang naglalagay ng light pink lipstick.

Grabe ang inosente kong tignan, parang hindi ako nagbabasa ng mga dark romance books. Kalma, it's normal na sa'yo Aecy Alliyah.

“Ah! I'm so pretty. Fall in love with me again, Sebastian.” I stopped. Again? Teka! What if hindi niya ako maalala sa oras na bumalik ako sa nakaraan? No way! Not gonna happen!

No! No! No!

Naupo na lang ako sa kama ko at binuksan ang libro. Sumalukbaba at inaantok na nakatingin lang sa libro. Makatulog na sana ako nang biglang umilaw ang libro.

I held my phone, the diary and lastly, the book.

Pumikit ako at hinintay na higupin muli ako ng libro pabalik sa nakaraan.

Ang taong 1880 kung saan nakilala ko ang lalaking hindi ko inaasahang babago sa buhay ko.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon