Chapter 4

49 1 0
                                    

Napatingin ako kay Gwen na nakasandal sa couch at natutulog. I silently moved, tumayo ako at kahit umiikot ang paningin ay sinundan ko ang ingay na naririnig ko.

I have to know who's I'm talking to.

Bago pa ako makarating sa counter ay may nakabunggo na naman ako.
Muling nagtagpo ang mga mata namin, parehong may cellphone na nakadikit sa tainga.

At naririnig ko ang matinis na choppy sound sa cellphone ko.

"Ikaw?" Pareho naming tanong at gulat nang marinig ang boses namin sa linya.

He was the person I'm talking to?
The same guy I bumped into yesterday?

Nagsimula na namang manlabo ang paningin ko at tuluyan na akong tinamaan ng alak.

"Ikaw! Where the hêll did you get the nerve to tell me those? Akala mo ba hindi masakit? Masakit 'yon. Tapos you're talking as if you are Kyden." Ramdam ko ang panggigilid ng luha ko dahil mukha na ni Kyden ang nakikita ko na nakatayo sa harapan ko.

"You don't know how much you hurt me, Kyden. And until now, I still love you. Hindi ko alam na after we graduate, ga-graduate rin pala ang relasyon natin." I punch his shoulder.

Napanguso ako nang wala itong emosyon.

Umiiyak na ako sa harap ni Kyden at naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

Binaba ko ang tawag at umiikot na naman ang paningin ko. This time, hindi na si Kyden ang nakikita ko kundi wala. Wala nang taong nakatayo sa harap ko.

Napahawak ako sa ulo ko dahil nahihilo na talaga ako ng bongga.

"Nasaan ka na naman?" Tinignan ko ang cellphone ko at kita ko lang ang sarili kong luhaan.
Nababangga na ako ng ilang tao pero wapakels, I have to find that guy.

Palagi na lang nawawala sa paningin ko.

Iniwan ko si Gwen sa loob at nagpasyang maglibot para hanapin ang lalaking 'yon.

Hawak ng kaliwa kong kamay ang sintido ko samantalang hawak ng kanan kong kamay ang bag at heels ko.

I was just wearing a hanging blouse and a plain white trouser.
I feel comfortable kahit sa ganitong lugar ang punta ko.

Pagewang-gewang lang akong naglalakad sa kalsada. At parang sirang hindi alam ang pupuntahan.

"Psh!" Untag ko at tamad na napatingin sa hindi kalayuan.

Napanguso ako at naupo sa isang mahabang troso.

Biglang nag si tulo ang mga luha ko sa nakikita ko kahit alam kung lasing na ako at madilim ang linaw parin.

"Kaya pala hindi ka nagrereply kasi may iba ka nang rereplayan. Kaya pala sinasabi mong hindi naman talaga kita mahal kasi may naka reserve nang magmamahal talaga sa'yo. Kaya pala napagod kana sakin kasi may nagpapasaya na sayo. Ang d-daya!" Pumiyok ako.

Nakatingin ako kay Kyden at sa babaeng kasama niya, inaayos nito ang sintas ng sapatos ng babae.

Nang matapos 'yon ay naglakad na sila sa direksiyon ko, dali-dali akong yumuko at nagtakip ng bag sa mukha.

I was so persistent to face him yesterday but now, I couldn't even look at them.

Bagsak ang balikat akong napatingala sa kalangitan. Malalim na ang gabi, kitang kita na ang mga nagniningning na mga bituin.

"Kung magwi-wish ba ako sa'yo, tutuparin mo?" Parang sira kong usal.

Pagak akong natawa nang hinangin ako, tila pinapatahan ang puso kong nagwawala.

"Paano kung i-wish ko na sana bumalik ako sa nakaraan? Kung saan hindi ko pa nakikilala si Kyden, para sana hindi ko nararamdaman ang sakit na 'to." natatawa akong napasinghap at yumuko. Patuloy paring tumutulo ang luha ko hindi ata napapagod.

"kaya lang napaka Imposible." Untag ko at napahinga ng malalim.

Naipikit ko ang mga mata ko at dinamdam ang malamig na simoy ng hangin.

"Hija? Bilhin mo na itong libro oh."

Nagulat pa ako dahil bigla bigla ba namang may nagsalita.

Napatingin ako sa matandang umupo sa tabi ko.

Itim ang kasuotan nito maging ang balabal sa ulo.

Natakot pa ako dahil sa gabi na at nasa labas pa ito lalo na puro itim ba naman mga damit na suot nito.

Kaya lang napa isip din ako na baka naghahanap kung sino bibili sa benebenta niyang libro kaya naabutan siya hanggang sa gumabi.

Napatingin ako sa librong pinatong niya sa ibabaw ng troso and it looks very old.

Bakbak na nga ang dulo ng libro eh, bakit ibebenta niya pa?

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon