“T-Teka... Kulang tayo. Nasaan siya?” Napahinto sila sa paglalakad, ganoon din ako.
“Oo nga, nasaan siya? Akala ko nasa likod lang natin siya.” Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Ang utak ko nandoon pa rin sa nangyari kanina.
Wala na si Carmela.
Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko lahat!
“Nasaan si kuya Sebastian? Ang tigas talaga ng ulo niya! Sinabi ko ng huwag siyang lalayo sa atin.” Mabilis akong napatingala sa kanila nang marinig ang pangalan niya.
Bakit nila binabanggit ang pangalan niya? Nagkamali lang ba ako ng pagkarinig?
“Hindi kaya totoo ang sinabi ni Susan na may maingay sa talahiban kanina? Hindi kaya si Sebastian ang may gawa no'n?” Hindi ako nagkakamali lang. They mentioned him again.
“T-Teka bakit niyo binabanggit ang pangalan niya?” Naguguluhan kong tanong. Hinarap ako ni Gwen.
“Siya ang nagplano ng pagligtas sa'yo, bes. Pinuntahan siya ni Susan at sinabing dinukot ka nga. Bes, you should talk to him. You should know everything.” Napatingin ako kay Katrina na umiwas ng tingin sa akin.
“Anong dapat kong malaman?” Tanong ko.
“Ang dahilan niya at lahat lahat.” Sagot niya.
Nilibot ko rin ang tingin ko sa buong paligid at wala nga siya.
“N-Nasaan siya?” Tanong ko sa kanila. Nakakaramdam na ako ng kaba. What if siya naman ang dinakip nila Erwin? Or what if nagkaengkwentro sila tapos p1natay siya? No! No! Walang nega, Aecy. buhay siya, I can feel it.
Nilapitan ko si Katrina. “Katrina...” Tawag ko sa pangalan niya. Hindi niya ako nilingon.
“G-Galit ka ba sa'kin kasi wala dito ngayon ang kuya mo? S-Sorry, hindi ko alam na ililigtas niyo ako. Hindi ko alam na kasama niyo siya.” Tuluyan siyang humarap sa akin at pinalo ako sa balikat. She's bitting her lower lip while controlling her sob pero lumuluha na siya.
“Ikaw na ang naapi at nasaktan pero ibang tao pa rin ang iyong iniisip. Paumanhin kung kailangan mo pang danasin ang lahat ng ito.” Tuluyan siyang napahikbi at niyakap ako ng mahigpit. Anong ibig niyang sabihin?
“Hindi ako galit sa iyo, bes. Ako'y nahihiya dahil sa nangyari sa iyo at sa ginawa ng aking nakatatandang kapatid na si Manuel.” Aniya. “Paumanhin kung wala akong nagawa at wala akong alam sa plano nila.” Bulong niya habang umiiyak pa rin sa balikat ko. Kumawala siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.
“Siguro ay galit ka kay kuya Sebastian dahil hindi ka niya pinaniwalaan ano?” Dahan-dahan akong tumango. “Ngunit pinaniniwalaan ka niya.” Seryoso akong napatitig sa kaniya.
“Anong ibig mong sabihin? Eh harap-harapan ko ngang nasaksihan kung paano niya ako pagsalitaan ng masakit at ipabatid na hindi siya naniniwala sa akin eh.” Seryoso kong sabi. Literal na blood is thicker than water.
Nakayuko naman siya. “Batid kong galit ka sa kaniya ngunit may rason kung bakit at may nangyari din.” Anito. Napaiwas ako ng tingin.
Reason his face psh!
“Ano namang rason? At anong nangyari?” Tanong ko.
“Tinakwil siya ng aming ama, at tinanggalan ng karapatang gamitin ang aming apelyido. Inalis ang mga ari-ariang nakapangalan sa kaniya at patuloy na kumakalat sa buong Maynila ngayon na huwag siyang patutuluyin sa kahit kaninong tahanan. Siya ay pinagbibintangang takwil sa aming pamilya at kalat na iyon sa buong syudad.” Bumalik ang tingin ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...