“Welcome, ma'am. How may I assist you?” Inilingan ko lang ang babaeng bumati sa'kin ng makapasok ako sa museo. It wasn't only a library but also a museum that is full of vintage and antique things.
Malaking bahay siya na may dalawang palapag. Sa bukana ng bahay ay makikita ang napakalaking picture frame that consists of a family. They are 7 in the picture.
“That is the Xelvestry family ma'am. A well-known family noong taong 1880 sa buong Manila, ang nasa front seat ang ang pinakamakapangyarihang Alcalde noong panahon, their family was really a league, a famous family. But sadly, iyon pong isang lalaki na nasa kanang bahagi ay hindi na nahagilap noong tuluyang naatras ang nakatakdang kasal nila ni Vienna, siya po ay si Sebastian Xelvestry, ang heartthrob noong kaniyang panahon.” Mabilis na tumibok ang puso ko nang mapunta rin ang tingin ko sa lalaking 'yon.
“B-Bakit hindi natuloy ang kasal nila?” Curious kong tanong at hindi inaalis ang tingin sa litrato ng lalaki.
“Hindi po naisulat sa history pero ang haka-haka ng mga piksyonal na storya ay may babaeng inibig noon ang lalaki kaya't tinigil ang kasal.” I gulped. Why my heart's beating even faster?
“H-Hindi na ba siya nag-asawa after?” I asked again.
“Ayan po ay hindi na rin naisulat. Ang sabi po ay tumakas daw po siya sa kanilang pamilya at namuhay sa malayong lugar ngunit iba ang sinasabi ng isang lumang diary, siya raw ay naglakbay sa iba't ibang panahon para lang mahanap ang babaeng tunay niyang inibig pero hanggang 1912 lang po ang naging kwento, wala ng kasunod.” Napatitig ako sa litrato ng lalaki at naramdaman kong tumulo ang luha ko.
“The hêll? W-Why am I crying?” I wiped my tears and immediately looked away.
Ang weird talaga! Pati yung nararamdaman kung hindi ko alam kung ano o bakit ako nag kakaramdam ng ganito.
Binaling ko na lang ang tingin ko sa iba dahil naiiyak lang ako kapag tinititigan ko 'yong lalaki sa litrato.
I don't even know him!
Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng pink lace bra na nasa glass container.
“B-Bakit may b-bra?” Gulat kong tanong. Natawa naman ang babae na nasa tabi ko.
“Ayan din po ang tanong ko noon, ma'am. Nagtataka nga ho ako bakit uso na ang panloob ng mga babae noon eh wala namang nagpatunay no'n. Nitong 19s lang din po umusbong ang bagay na 'yan, pero parte nga raw po talaga siya ng nakaraan.” I winced. Bakit kamukha ng mga style ng bras ko noon?
“Hindi na lang sinamahan ng pànty eh.” Bulong ko at naglakad na.
Huminto ako nang makita ang isang bagay na nasa closed glass container din. It was a wooden jewelry box.
Napatingin ako sa bracelet na suot suot ko. I've been wearing this for 6 years now, hindi ko kilala kung sino nagbigay nito o kung saan ko nahagilap pero parang napaka-importante sa'kin nito na hindi ko hinahayaang masira.
Bagay na bagay ang porcelain bracelet ko sa style ng jewelry box na 'yon. And even that jewelry box seems so important to me.
Baka bahay ko talaga 'to ah?
“Miss, hindi ba pwedeng bilhin yung jewelry box?” Umiling ito sa'kin. Tinanguan ko na lang siya at nagtingin-tingin ng iba.
“Huy kamukha ni ate yung painting doon 'no?”
“Hala oo nga! Hawig na hawig niya.”
“Baka reincarnated siya no'n or baka kamag-anak 'di ba? Possible gano'n.”
“Oo nga. Oo nga. Kamukha niya talaga! Nakakainggit. Biruin mo iguhit ba naman ng bebe Sebastian ko tas kamukha niya pa.”
Napatingin ako sa kumpulan ng mga estudyante na nakatingin sa akin? Are they talking about me?
“Tignan mo kamukha niya talaga! Ang ganda naman ni ate.” Parang kinikilig pa nilang sabi. Pa-cute naman akong ngumiti sa kanila.
Normal thing ng isang Aecy maging maganda, effortless.
![](https://img.wattpad.com/cover/376343364-288-k899823.jpg)
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...