“Ano bang sinasabi mo diyan?” Naguguluhan kong tanong.
“Hindi mo pa rin ba naaalala?” Tanong nito.
“Ang ano ba? May dapat ba akong maalala?” Hindi naman ako nagkaroon ng amnesia ah?
Oh gosh! Ang sakit nito sa ulo.
“Kung hindi lang ito ang gusto ni Lola Amanda, I already told you before. Please hurry up and remember him, your heart's flame are already waiting you. Matagal nang naghihintay na muli mong maalala.” Nagsalubong na ang kilay ko sa mga sinasabi niya. Bakit kailangan mabanggit si Lola?
Ano bang tinatago nila sa'kin?
Ever since I started working on airlines, naging weird na sila masyado. Parang ang dami nilang tinatago sa akin, lalo na si Gwen.
I traveled a lot and Switzerland is my favorite country, but I couldn't find my happiness there, I feel so empty.
What happened before? What happened before Lola died?
This is so confusing.
“Gwen, ewan ko sa'yo. I'll go ahead, pupunta pa ako ng sementeryo.” I uttered. Akmang tatayo na ako nang hawakan niya ang kamay ko.
She lend me a piece of paper.
“Puntahan mo 'yan mamayang gabi. Hanapin mo ang kakaibang libro please, Ali. Make sure mahahanap mo 'yon within tonight. I promise, pasasalamatan mo pa ako.” Binigay niya iyon sa akin at naunang umalis. Naiwan akong tulala sa pwesto niya.
She's fréàking weird! Why would I thank her? Hindi niya naman ako niretohan ng poging fafa.
I unfolded the paper.
‘#01 Eauropheus Ave., Lumang Establishimento de Librerià 1880’
1880...
1880...
My head ache while staring at that year written on this paper.
Napahawak ako sa ulo ko at nalukot ang papel.
“Ano bang nangyayari sa'kin?” There again, a vivid memories that wasn't even mine. Or was mine but I have forgotten?
“Hi, Lola Pasing.” Nilapag ko ang bulaklak na hawak lo sa puntod niya. “Ako po ito, yung pasaway mong apo. Sorry po kung ngayon lang ako nakapunta ulit dito, dami ko kasing flights eh, ayan pati tuloy kayo nag-fly.” Pagak akong natawa habang hinahaplos ang puntod ni Lola.
I wiped my cheeks dahil umiiyak na naman ako. Masyado na akong naging cry baby.
“Kumusta po kayo diyan? I hope you're already resting there in piece, don't worry about us here, we're doing great... I hope so.” I wiped another tears as they shed effortlessly.
“After Lola died, kayo naman ang sumunod.” Tumingin ako sa katabing puntod ni Lola, and there his name, Alfoso Michael Laurente.
“D-Dad, ang daya mo t-talaga... Hindi mo man lang tinupad yung promise mong magiging pasahero ka ng plane na sinasakyan ko.” I covered my mouth to suppress my sob.
I feel so lost ngayon wala na si Lola pati si Dad, hindi man lang ako binigyan ng oras para makasama pa sila ng matagal.
Muli akong napasulyap sa puntod ni Lola at napansin ko ang bahagyang lumilipad na papel doon. Kinuha ko 'yon mula sa pagkakasiksik at binasa ang nakasulat.
‘Magkikita ulit kayo, apo. Naghihintay siya, gaya ng kaniyang sinabi sa iyo.’
Iyon ang nakasulat sa papel. Naupo ako sa damuhan at inintindi pa ang nakasulat doon. Para sa'kin ba 'to o kay Aichille?
Pero bakit kumukirot ang puso ko habang binabasa 'to? Wala namang nararamdaman ang isip ko kundi pagtataka.
I closed my eyes. Naramdaman ko ang kakaibang lamig ng hangin na humaplos sa katawan ko.
I spent a couple of hours on their grave before I decided to leave at pumunta sa address na binigay sa'kin ni Gwen.
Habang nasa byahe ay tumutugtog sa airpods ko ang favorite song ko, “Got to Believe in Magic”.
At this age, I still believe in magic. I still believe in shooting stars. I still believe that fairytale somehow exist.
Indeed, tell me how do people find each other.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasía"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...