Pauwi na sana kami nang nagkaroon ng engkwentro. Agad akong tinago ni Sebastian sa kaniyang likuran pero sumisilip pa rin ako sa nangyayari sa hindi kalayuan.
Pinapalibutan na ng mga armadong lalaki at naka uniporme, siguro mga guwardya sibil sila ang isang lalaking hirap huminga habang may hawak na maliit na kutsílyó. Tinututok niya iyon sa mga guwardya na nagtatangkang lumapit sa kaniya.
“S-Sinabi ko na, hindi ako p-pumuslit ng mga alahas at p-pagkain! Hindi ako magnanakaw! Pakawalan na ninyo ako, pakiusap!” Garalgal na ang boses nung lalaki.
Naramdaman kong hinawakan ni Sebastian ang kamay ko.
“Huwag kang mangingialam, Aecy.” Suway nito.
“P-Pero parang binibintangan siya sa kasalanang hindi niya naman ginawa.” Usal ko.
“Hindi mo alam ang totoong naganap, huwag kang magpadala sa awa. Hindi siya nakakaawang tignan, siya lamang ay natatakot at may kaba sa dibdib. Huwag mong hayaang malinlang ka ng pagbabalat-kayo.” Seryoso niyang usal. Napalunok ako, may punto siya.
Napatingin naman ako sa isang kalesa na huminto sa gitna ng kalsada. Lumabas doon ang isang lalaki na naka sombrerong itim, malaki iyon kaya natatakpan ang mukha niya. Naka suot ito ng puting mahabang parang blazer jacket, may logo pa ang damit niya nasa kanang dibdib nito parte.
He got the points. He's a head turner. Dagdag pa na malaki ang pangangatawan niya. Halata sa postura niya na kinikilala siya.
Pinanood ko lang kung paano niya tanggalin ang sombrero niyang suot. My jaw dropped.
“Pogi shét...” Wala sa sariling bulong ko.
Nakaawang ang bibig ko habang sinusuri ang mukha niya. Singkit ang mga mata niya, maayos ang buhok niya, matangos ang ilong, maputi at makinis ang mukha, manipis lang din ang labi niya.
I bet, he's a Japanese.
Napakunot noo ako nang hindi ko na siya nakikita at parang damit na ang tinitignan ko ngayon. Bumalik ako sa huwisyo ko nang ma-realize na hinarangan ni Sebastian ang tinitignan ko.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at salubong ang mga kilay niya.
“Hindi pa kita kasintahan, ngunit mas kailangan ko yatang higpitan ang pagbuo ng bakod sa'yo.” Seryoso ang malalim nitong boses at seryoso rin ang mga mata niya.
Tumalikod siya sa'kin pero hinaharangan niya ang view ko.
Okay? Anong bakod? Nagtatayo siya ng bahay?
“Umamin ka na lamang. Shiwuga, ano otoko ni furete.”〔 ° あの男に触れて | Kapkapan ninyo ang lalaking iyan.〕
Malalim din at malakas ang boses niya. Japanese 'yon for sure, may otoko eh. Sarap tuloy kumain ng tokwa.
“Valmor, toca a ese hombre.” 〔Kapkapan ninyo ang lalaking iyan.〕
Dagdag niya pa.Hindi ko naman gets, umamin ka na lamang lang gets ko eh.
“Huy anong ibig sabihin no'n?” Kinalabit ko si Sebastian, hindi niya ako tinignan.
“Kapkapan ang lalaki, iyon ay salin sa wikang Espanyol. Ngunit ang salitang Hapon na kaniyang tinuran ay hindi ko naunawaan, marahil ay pareho lamang ang ibig sabihin.” Napatango lang ako kahit hindi niya nakikita. Hawak niya pa rin ang kamay ko.
I tilted my head so I can see what's happening.
May dalawa nang lalaki ang hawak hawak ang lalaki, nagpupumiglas pa ang umiiyak na kawawang lalaki habang nasisira na ang kaniyang damit. May isang guwardya naman ang kumakapkap sa lalaki.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...