3 𝘿𝙖𝙮𝙨....
3 days nang nandito sa bahay si Sebastian. Hindi naman alam ni Tiya Teresita kasi magagalit siya panigurado. Sa tatlong araw, lalabas lang si Sebastian kapag nasa kumbento na si Tiya Teresita
Si Susan ay hindi na umuwi rito, hindi ko rin alam kung bakit.
Kakauwi lang namin ngayon galing sa palengke at todo balatkayo naman si Sebastian para hindi kami laman ng pagusapan sa lugar namin.
Baka anong isipin nila, mukha pa namang chismosa mga tao rito.
Naunang pumasok ang dalawa pero naiwan lang ako sa labas nang makitang may nakapatong na bagay sa paso.
Dahan-dahan akong naglakad papunta roon habang tumatambol na ang puso ko dahil sa nakikita ko.
Ang libro. Ang librong dahilan kung bakit ako nandito sa panahon na ito ay nasa harapan ko ngayon.
“Akala ko ba makikita ko lang 'to kapag nabigo ako? Hindi ako nabigo, nahanap ko ang pag-ibig ko at si Sebastian 'yon.” Mahigpit kong hinawakan ang braso ko.
Nagsisinungaling ba sa'kin si Tiya Teresita?
Sabi niya, makikita ko 'yon sa oras na mabigo ako sa aking gagawin. Pero hindi naman ako bigo, bakit nagpakita ngayon 'to?
I don't want to touch the book. Baka bumalik ako sa panahon ko, I don't want to. Hindi ko pwedeng iwan si Sebastian rito kahit na miss na miss ko na sina Daddy at Mommy at ang aking kapatid kahit hindi kami non minsan magkasundo at namimiss ko na din si Lola.
Humakbang pa ako ng isang beses pero nanlaki lang ang mga mata ko nang magsimula 'yong umilaw. Bumubukas na rin isa-isa ang pahina ng libro.
Malapit na 'yong mahati sa gitna nang may humila sa akin dahilan para matigil sa pagbukas ang libro.
Napatingin ako sa paligid pero walang tao. Nanindig ang mga balahibo ko. May humila ba sa'kin o ako mismo ang kusang umatras?
I looked at the sky. Maaga pa pero dumidilim na ang kalangitan.
Napatingin ako ulit sa may paso at wala na roon ang libro, it has disappeared.
“Kakampi ba talaga kita, Tiya Teresita dahil hindi pa kita masyadong kilala?” I whispered as I felt the few droplets pouring from above, it's starting to rain.
I'm looking at Tiya Teresita suspiciously. Kanina pa ako kinakabahan at gustong gusto ko na siyang lapitan para tanungin kung bakit nakita ko ang libro at parang may humila sa'kin paatras para hindi ako higupin ulit ng libro pero nakakapagtaka rin siya.
I remember the day when she told me this is my Lola's fault kung bakit ako nandito sa past. And I have to know how and why.
Hinihintay ko lang siyang makaalis ulit para makapasok ako sa kwarto niya ng malaya.
“May sasabihin ka ba, Aecy? Kanina ka pa tingin ng tingin sa akin.” Nagulat ako sa paglapit niya sa'kin pero hindi ko pinahalata.
“W-Wala po.” Mariin kong nakagat ang labi ko nang mautal pa ako.
“Sigurado ka ba?”Tanong niya pa. Tumango ako.
“Ah! Tiya, anong oras kayo makakauwi?” I have to know.
“Katulad pa rin ng nakasanayan, alas singko. Bakit, hija?” Anito. Umiling lang ako sa kaniya.
Kumunot pa ang noo niya pero hindi na lang niya ako pinansin at nagsimula nang gumayak.
![](https://img.wattpad.com/cover/376343364-288-k899823.jpg)
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...