ʚChapter 75ɞ

14 1 0
                                    

                     𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩

Karga-karga ng isang lalaki ang isang babae patungo sa tagong lugar ng kanilang mansyon. Nasa likod nito ang isang babae na nagmamasid sa paligid.

“Buksan mo ang pinto, Elizabeth.” Turan ng lalaki. Mabilis na sinusi ng babae ang pinto at binuksan iyon. Pumasok sila sa madilim na lugar na iyon.

Kumalampag naman ang kadena nang makapasok sila.

“Sigurado kang walang nakakita sa atin?”

“Nakakatiyak ako na wala, Manuel. Ibaba mo na lamang siya at igapos.” Iritadong sabi ni Elizabeth na masamang nakatingin sa isang direksiyon kung saan nagmula ang kalampag ng kadena.

Pinuntahan niya iyon at hinawi ang itim na kurtina upang makita ang isang babaeng nakagapos ang mga paa ng kadena at nakatali ng mahigpit ang mga kamay. May tela rin ito sa bibig kung kaya't hindi siya makakahingi ng tulong.

Pabagsak na hinagis ni Elizabeth ang platong walang bawas ang pagkain. Tinanggal niya ang tela sa bibig ng babae.

“Walang hiya ka talaga! Pinagdadalhan pa kita ng makakain rito ngunit wala man lang bawas ang pagkain mo!”

“Paano ako makakakain kung nakagapos ang aking mga kamay at may busal ang aking bibig, sige nga? Wala ka bang isip.”

“Ano?! Ito ang dahilan kung bakit kailan man hindi kita gusto, bastos ang iyong bunganga, Vienna.” Inirapan siya ng babae.

“Wala naman akong sinabing gusto rin kita ha? Si Sebastian lamang ang aking gusto.” Pilosopo niyang usal. Sasampalin sana siya ni Elizabeth nang iniwas nito ang mukha niya.

“Huwag mo akong sasaktan, Elizabeth kung ayaw mong sipâin kita kahit nakagapos ang aking mga paa.” Palaban na sabi ni Vienna.

“Huwag kang matapang riyan! Wala ka namang binatbat. Narito ang mortal mong kaagaw kay Sebastian at walang malay.” Tinuro niya ang kaharap na kama at naroon si Aecy na ginagapos ni Manuel.

Nanlaki ang mga mata ni Vienna.

“Anong ginagawa ng basûrang iyan dito?! Alam ba ito ni Sebastian?!” Malakas siyang sinampál ni Elizabeth.

“Huwag kang magsalita na parang ikaw ang pinuno rito. Isa ka lamang bihag namin.” Gigil na sabi ni Elizabeth. “At narito siya dahil may atraso siya. Marahil hindi mo pa batid ang nangyari dahil ilang araw ka ng nakakulong dito.”

“Walang hiya ka, Elizabeth! Pakawalan niyo ako rito! Isusuplong kita sa kataas-taasan.” Pagbabanta ni Vienna.

“Paano kita pakakawalan kung ikaw ay nagbabanta? Magsama kayo ng iyong mortal na kaaway.” Masamang nakatitig si Vienna kay Elizabeth.

Tunay na apat na araw na siyang nakakulong rito, dahil tuluyan niyang inatras ang kasal nila ni Sebastian at kinagalit iyon ni Manuel kung kaya't pinadukot siya at kinulong dito.

Lumapit si Elizabeth kay Manuel.

“Paano ito pag nalalaman ni Sebastian? Kailangan niyang makita na siya ay nagtataksil sa kaniya. Dadalhin ko siya sa aking kwarto at doon siya aangkinin.”

“Nahihibang ka na ba, Manuel?! Hindi ko pa nasasaktan ang babaeng 'yan sa pagpapa-ikot sa atin sa huwad niyang pagkakakilanlan.”

“Wala akong pakialam, Elizabeth. Gagawin ko ang aking nais.”

“Nakakainis! Bahala ka sa buhay mo. Kailangan ko nang magpakita kay ama upang hindi siya magsuspetsa kung bakit wala tayo roon.”

Umalis sa silid si Elizabeth at naiwan silang tatlo sa loob. Muli na sanang kakalagan ni Manuel si Aecy upang dalhin ito sa kaniyang silid nang makarinig siya ng kaluskos. Kailangan niyang gawin ang binabalak niya at kailangang makita iyon ni Sebastian ngunit mas kailangan niyang makalabas ng silid na iyon.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon