Duh! Words of affirmation love language ko tapos ganiyan pa siya!
“Tigilan mo nga ako diyan.” Pagmamatigas ko pa pero hindi ko na mapigilan ang pagngiti ko.
“Bakit ako titigil kung totoo naman ang aking hinahayag?” Aniya na naman. Mahigpit akong napahawak sa railings.
“Stop! Nakakahiya kaya!” Nangingiti na'ko nang harapin siya para paluín.
“Oh hindi ba, napangiti kita. Mas maganda ka pala sa tuwing ngumingiti ka.” At tuluyan na akong napangiti.
Grabe siya! Bakit ba nagpapakilig siya? Nakakalimutan ko tuloy yung sinabi kong hindi ko siya magugustuhan hay!
“Sebastian alam mo? Ang pangît mo!” Natawa siya sa sinabi ko. Humarap ako sa kaniya at nag-cross arms.
Ngumiti siya na kinakunot ng noo ko. Alam naman niya siguro yung word na 'yon 'di ba? Chaka! Pangît! Unattractive! Not my type.
Nagulat ako nang hapitin niya ang baywang ko papalapit sa kaniya. Napahawak ako sa dibdib niya dahil sa gulat. Napalunok ako nang magtagpo ang mga mata namin, tila ang daming sinasabi ng mga mata namin.
Nakangiti pa rin siya sa akin, ang kaliwang kamay niya at pinisil ang ilong ko.
Ang kaninang ngiti niya ay naging ngisi at gumalaw pa ang kilay niya na akala mo inaakit ako. Napalunok na naman ako.
What the fvck? Saan naman niya natutunan 'to?
“Ano nga ulit ang iyong sinabi? Pangît ako?” Mas lumawak ang ngiti niya at unti-unting lumalapit ang mukha niya sa'kin, napapaatras naman ang ulo ko at napapalunok.
Oh fvck! Anong balak niyang gawin???
MAMA!!! BUBUKA NA BA AKO?
“Bakit ka lumalayo? Pangît ako hindi ba? Bakit hindi mo ako itulak? Hindi mo magawa dahil hindi totoo ang iyong tinuran, ang totoo ay nagagwapuhan ka sa akin, hindi ba Aecy Alliyah?” Napalunok ako dahil sinabi niya 'yon in a husky voice.
OH MY GOD I CAN'T BREATHE! HE'S TOO HEAVY FOR ME!
SAAN NIYA BA NATUTUNAN 'TO AT KANINO? Para makausap ko na turuan pa siya.
Tumatawa siya nang bitawan ako. Ako naman na-statue sa pwesto ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya na tumatawa pa rin.
Nakaawang ang bibig ko at dinadamba ang puso ko.
“Kung tinanong ba kita kung maaari mo akong halikan muli kahit hindi ka na lasing ay papayag ka? Kahit pa hindi tayo magkasintahan? Halik magkaibigan?” Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ko ang bibig ko.
Mas lumakas ang tawa niya.
“Pinagti-tripan mo ba ako???!!!” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Gosh! Bakit ganiyan siya?
I cannot! Hindi na siya si SEBASTIAN toooo!
Oh fvck!
Mahinhin na namang siyang tumawa. He patted my head.
But I still didn't move. I froze.
Natauhan ako nang itapat ni Sebastian ang kamay niya sa tapat ng mga mata ko na parang ginigising ako sa pagkatulala.
“Aecy, ayos ka lamang ba?” Kibo niya. Napakurap ako.
“Binibiro lamang kita.” Tumatawa pa niyang dagdag. Para akong sinàmpâl ng katotohanan pabalik sa reyalidad.
Pinagpapalo ko siya.
“Busit ka! Kainis ka ah!”Tumatawa siya habang hinahayaang paluín ko siya. Nang mapagod ako ay inirapan ko na lang siya.
Ilang sandali na naman kaming natahimik at dinadamba pa rin ang puso ko sa kaba.
“Aecy..” Tawag niya sa pangalan ko. Hinarap ko naman siya.
“Pupuntahan kita mamayang gabi sa inyo.” Aniya.
“Ano namang gagawin mo do'n? Mang iinis ka na naman?” Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti na naman siya at labas na naman dimples niya.
T@ngina talaga ng ngiti niya, nakakatunaw.
“Basta. Asahan mo sana ako, Aecy.” Usal nito. Inirapan ko na lang siya at tumingin sa cellphone ko.
The video was playing. At napapangiti na naman ako dahil nakangiti siya ro'n.
“Fvck it! I can't hide it anymore.” Bulong ko sa sarili. Binaling ko ang tingin ko sa kaniya at nakatingin siya sa tanawin, tinititigan ko lang siya.
There's something about him that I couldn't resist. I don't know, but I think, I like him.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...