“Hindi ko talaga makuha ang punto ni Ginoong Sebastian. Halatang dukha ang iyong ugali.” Insulto na naman niya.
Hinarap ko siya ulit at pinalo ng hawak kong abaniko, gulat naman niyang hinawakan ang braso niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin.
Mag-isa lang siya. Kung sugurin ko 'to, talo siya!
“Hindi ko rin gets si Sebastian bakit ikaw ang dapat niyang pakasalan eh kanal 'yang ugali mo eh, tambakan ng bàsûra, inuuod na tubig imbornal, lahat na!” Napaawang ang bibig niya sa inis.
Psh! Sarap niya tîrisin. Nakakainis, umagang umaga!
“Sino 'yan? Bakit masyadong OA? Akala mo hindi nakikipag-trash talk.” Kibo ni Gwen. Napangisi ako at naglakad sa tabi ni Vienna.
“Ito?" Nagtataka naman akong tinignan ni Vienna.
“Siya yung ex fiancé ni Sebastian, piniling iatras ang kasal nila para habulin ako kasi kahabol-habol naman ako eh. Maganda, sexy, matalino rin, mabait, at marami pa hindi tulad niya na may tinatagong kabahuan ng ugali. Siya si Vienna Hallado, tambakan ng basûra ang ugali.” Pakilala ko sa kaniya. Kinunutan naman ako ng noo ng brvhildang 'to.
“Ang kapal ng mukha mo!” Akmang sasàmpalín niya ako nang pigilan siya ni Gwen na nakalapit na pala sa'min.
“Sige subukan mong saktan ang kaibigan ko, ako ang makakaharap mo. Wala akong pake kung nasa simbahan pa tayo, kakaladkarin kita sa labas para lang magûlpi ka!” Matapang na banta ni Gwen kay Vienna na napapalunok ngayon.
“P-Puro ka lang naman salita! Tingin mo ba ay natatakot ako sa iyo? Isa ka lamang din palang basûra ang ugali. Bagay kayong maging magkaibigan.” Rebut ni Vienna.
“Aba! Matapang ka ah, eh bakit nautal ka? Hindi ka takot?” Rebut naman ni Gwen.
“Pwes dapat matakot ka! Hindi pwede sa'kin 'yang ugali mo, lalo pa inaapi mo frienny ko?! Ako lang pwedeng manlait sa kaniya 'no!” Nagulat ako nang wala niyang pasabing hinawakan si Vienna sa braso at buong lakas na kinaladkad palabas ng simbahan.
Sinundan ko naman sila.
gwen vs. vienna? Real quick! Kanina ako palang kaaway niya, ngayon kaming dalawa na.
“Makapal din naman mukha mo, sasâmpàlin ba kita? Hinde! Kasi sasabunûtàn kita!” Nanlaki ang mga mata ko nang pwersahang tinanggal ni Gwen ang sombrero ni Vienna at sínabûnutan niya ito.
“A-Aray ko! A-Ah! Bitiwan mo ako, walang h-hiya ka!” Pinagpapalo-palo ni Vienna ang kamay ni Gwen pero hindi pa rin binibitawan ni Gwen ang buhok ni Vienna.
“Tama! Walang hiya talaga ako—Aray! T@nginang resbak 'yan.” Napasapo ako sa noo nang nagsasabúnûtan na silang pareho.
Parehong maingay.
Parehong naghihilaan ng buhok.
Parehong sinira ang ayos nila. Psh!
“Go bes! Go! Ilaban mo 'yan." Mahina kong cheer habang nag-eenjoy sa sabûnútan nila.
“Bagay sa'yo 'yan, Vienna! Matikman mo naman ang resulta ng ugali mo.” Mahina kong usal.
Nang makita kong paparating na sina Tiya Teresita at yung sakristan ay mabilis akong lumapit sa kanila at kunwaring umaawat pero sinasàbûnutan ko lang din si Vienna.
Lintik lang walang ganti 'no!
“Ano ba! Tumigil na nga kayo!” Kunwaring suway ko pero hinihila ko rin ang buhok niya. Natatawa pa ako dahil feeling talaga ni Vienna, inaawat ko sila.
“Sus maryosep!”
“Itigil ninyo 'yan! Huwag niyong bahiran ng kahihiyan pati ang simbahan.”
“Awatin niyo ang dalawa!”
Ilan lang 'yan sa narinig kong sigaw ng mga tao sa paligid.
Hinawakan nung sakristan si Vienna habang ako wala lang, display lang dito.
“Ayaw mo pang magpa-awat ah!” Sinàmpàl ni Gwen si Vienna nang hawak hawak pa rin ni Vienna ang buhok ni Gwen.
Pwersahang hinila ni Oliver si Vienna dahilan para pareho silang bumagsak sa sahig. Hindi ko pinansin ang dalawa at pinuntahan si Gwen na napaupo rin sa sahig. Gulo-gulo ang buhok.
“Ang satisfying, bes.” Biro ko.
Tumatawa naman siyang tumayo at tinaasan ng kilay si Vienna na naiiyak na sa sahig.
“Ang tatanda ninyo na ngunit kung umasta kayo ay para pa rin kayong mga bata! Batid niyo bang nasa sagradong lugar kayo? Anong naisipan ninyo at pahiyain ang inyong mga sarili sa harap ng Panginoon. Kayo'y nakakahiya.” Nakayuko kami habang sinesermonan kami ni Padre Spencer.
“W-Wala po akong kasalanan, Padre Spencer. Sila po ang unang gumawa nito sa akin, ako ay gumanti lamang po.” Umiiyak na usal ni Vienna. Napamaang naman ako. Ang sinungaling niya talaga.
“Uso pala dito maging pa-victim?” Rinig kong sarkastikong bulong ni Gwen.
“Nagsisinungaling siya, father. Siya po talaga ang nauna, nilalait at iniinsulto niya po ako.” Depensa ko naman.
Napahawak sa sintido si father at tila hindi na alam ang gagawin sa'min. Mukha nga naman kaming mga wârfréak sa school tapos nasa guidance office ngayon.
“A-Ako pa ang n-nauna? Tignan ninyo nga ang itsura ko.” Singit ni Vienna na may paawa effect pa.
“Wow! Nahiya naman ang itsura ko sa'yo.” Rinig kong rebut ni Gwen.
“Tsaka bakit ba kayo maniniwala sa babaeng 'yan? Halata naman sa itsura niyang masama ugali. Napuno lang ako kanina kaya sinugod ko siya.” Dagdag ni Gwen.
Napatingin ako kay Tiya Teresita na walang emosyon ang mukha. Napatingin din ako doon kay Oliver at nakatingin siya kay Vienna.
“Para kayong mga bata! Magsitig—” Hindi natuloy ni father ang sinasabi niya nang bumukas ang pinto.
Napunta ang tingin ko ro'n at halos tawagin ko na ang lahat ng santo para lang maglaho ako sa kinauupuan ko.
Nagtagpo ang mga mata namin kaya dali-dali akong umiwas ng tingin. Napatingin ako sa mga rosaryong nakasabit.
Anong ginagawa niya rito? Oh gosh! Bakit siya nandito.
“Ginoong Sebastian, narito pala kayo. Ano ang inyong sadya?” Rinig kong usal ni father.
“Ako po ang kasama ng binibining Vienna, napag alaman kong narito siya sa inyong silid tanggapan.” Kumunot ang noo ko.
Magkasama sila sa pagpunta rito? Bakit? Para saan? Tsaka why?
Napatingin ako kay Vienna at nakangisi ngayon sa'kin. Akala mo inaasar pa ako.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasía"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...