ʚChapter 48ɞ

21 1 0
                                    


“Sebastian, mabuti dumating ka na. Natatakot ako.” Umiiyak na sumbong ni Vienna kay Sebastian, lumapit pa siya sa kaniya at niyakap ang braso.

Napabuga ako ng hangin at napairap.

Natatakot? Bakit hinila ko ba siya papasok sa horror house tapos kinandado sa tabi ni kàmàtâyan para matakot siya? Ang OA! OA! OA!

“Feeling masyado por que nakahanap ng kakampi.” Bulong ko. Napatingin pa ako nang bumukas ulit ang pinto, pumasok mula roon si Gabriel.

“Ikaw na naman!?” Napatingin ako kay Gwen nang tumayo at at dinuro si Gabriel.

“Oh nandito pala ang mariposa, kinagagalak kong muli kitang makita.” Napunta ang tingin ko kay Gabriel na nakangisi ngayon kay Gwen.

Okay? What's with them?

“Pinalampas ko lang yung kagabi ah pero sabi mo hindi ka na magpapakita sa pagmumukha ko?! Umalis ka nga!” Rinig kong reklamo ni Gwen.

“Ganiyan mo na ba kinasusuklaman ang aking taglay na  kagwapuhan at hindi mo na maatim na titigan ng matagal?” Rebut ni Gabriel. Nakangisi pa rin.

“Ang kapal mo talaga! Ang hangin mo!” Nagulat ako nang batuhin ni Gwen si Gabriel ng hawak niyang abaniko. Nasalo naman 'yon ni Gabriel at nakangisi pa rin kay Gwen.

“Siya 'yon bes, yung sinasabi ko sa'yong mahangin. Naha-highblood talaga ako kapag nakikita ko siya!” Inis na usal ni Gwen.

“Ganiyan din nagsimula love story ng lola at lolo ko eh.” Biro ko. Inirapan naman niya ako at bumalik sa pagkakaupo niya.

Nakatingin lang ako sa buhok ni Gwen kasi ayokong makita si Sebastian.

Bakit sila magkasama? Psh! Hindi ko naman siya ni-reject ah?! Tsaka wala rin sa itsura niyang babaero siya pero kung gano'n niya ako kadaling palitan, bakit si Vienna pa? Walang ka— taste!

“Maaari na kayong makauwi. Naka-usap ko na ang ginoong Sebastian.” Usal ni father. Pagkakasabi niya palang no'n ay dali-dali na akong lumabas ng office niya.

Hinintay ko pa rito sina Tiya Teresita at Gwen. Napapakamot na'ko sa leeg ko dahil baka maunahan pa sila ni Sebastian na lumabas.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang lumabas nga si Sebastian.  Pasimple naman akong kunwari hinahawakan ang mga antigong bagay.

Oh gosh! Kinakabahan na naman ako.

Nang maramdaman kong parang wala ng tao ay humarap ulit ako pero nagkamali ako, nando'n pa rin siya at nakatayo habang nakatingin sa akin.

Napalunok ako, hindi ko na magawang i-iwas ang tingin ko. Nanghihigop na naman ang mga mata niya.

Napatingin ako sa kamay niya nang mag-thumbs up siya. It was the sign I told him na gestures kapag tinatanong mo ang isang tao kung okay lang.

Wala sa sariling tinaas ko rin ang kamay ko at tinaas ang tatlo kong daliri habang nakapabilog ang index finger at thumb ko. (👌🏻)

Agad ko ring binawi nang ngumiti siya. The fvck! Bakit ba nahi-hypnotize ako sa kaniya?

“I'm not normal anymore! Mahiya ka, Aecy. Nag-walk out ka kagabi diba.” Bulong ko sa sarili.

Pasadya kong tinignan ang bumbilya para makita siya sa peripheral vision ko.

Naroon pa rin siya sa tapat ng pinto at naghihintay. May kalayuan din siya sa'kin at nadismaya ako kasi hindi man lang niya ako nilapitan.

“Demanding talaga ako, I know.” Usal ko sa sarili. Napabuntong hininga ako at walang hiya na siyang tinitigan. Kapag napapalingon siya sa gawi ko ay umiiwas ako ng tingin tapos titingin ulit sa kaniya. I know nahuhuli niya ang mga panakaw kong tingin.

Napapalunok ako nang nakita na siyang papalapit sa'kin.

“Nasaan na ba sina Gwen, ang tagal naman nila.” Kunwari kong saad. Napapapaypay pa ako sa mukha gamit ang kamay ko.

“Napapansin na kita. May sasabihin ka ba sa akin?” Napalunok ako nang marinig ang malalim niyang boses.

Kunwari pang nagulat ako nang tignan siya. Gosh! Sana lang realistic ang acting ko.

“W-Wala. Wala akong sasabihin.” OA kong usal at may expression pa. Oh my!

“Kung ganoon, ako mayroon.” Aniya.

Seryoso siyang nakatingin sa'kin kaya sumeryoso rin ako.

“Nabasa mo ba ang sulat na binigay ko sa iyo? Iyon ay isang tula, paumanhin kung hindi ganoon masyadong makata at hindi malalim ang mga salita. Ako'y baguhan pa lamang, ngunit hindi bale, pag-aaralan ko ito ng mabuti nang sa gayon ay sa susunod na makatanggap ka ng tula mula sa akin, ay tiyak na kakailanganin mo pa ako upang maunawaan.”

Parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi niya. Tignan mo nga, he's so pure. Samantalang ako, wala talaga, kulang kulang talaga eh, tama siya doon.

“Uh oo, nabasa ko. Hindi ko lang naintindihan yung Spanish part.” Tugon ko. Napangiti naman siya.

“Tulad niyan, kakailanganin mo ako upang maintindihan ang ibig sabihin non.” Aniya.

“Nariyan naman si Tiya Teresita para ipa-translate ko eh.” Usal ko.

“Transleyt? Ano naman ang ibig sabihin ng iyong tinuran?" Tanong niya. Napangiti nama ako kasi ang inosente niya talaga tignan kapag confused siya.

“Ah ano parang ipapabasa ko sa kaniya tapos sasabihin niya sa'kin sa Tagalog, gano'n.” Paliwanag ko. Napatango naman siya sa akin.

“Kung ganoon, hindi mo nais na ako na lamang ang mag transleyt para sa iyo?” Tanong nito. He used the new word he just learned.

“Bakit? Tanda mo pa ba ang sinabi mo ro'n?” Hamon ko.

“Sí.” Tugon nito. Napakunot naman ako, sino? Anong si? Is he pertaining to someone? Or it is  a Spanish word and he's teasing me?

“Quizás nos encontramos por destino para unir nuestros corazones. Aquí tengo un poema escrito para ti, no suelo escribir esto pero dedico mi tiempo solo para crear un poema que te incluya, mi amor.” Usal niya.

I mouthed "Wow." 'Yon mismo ang sinabi niya sa sulat.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon