𝗔𝗲𝗰𝘆 𝗔𝗹𝗹𝗶𝘆𝗮𝗵'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Nagising ako nang maramdaman kong may nakadagan sa akin at dumadampi ang hindi ko alam sa leeg ko.
Dinilat ko ang mga mata ko at nanlaki ang mga mata nang nasa ibabaw ko si Manuel at walang sàpl0t pang itaas.
Buong lakas ko siyang tinulak dahilan para mapahiga siya sa kama. Dali-dali akong napaupo at napalunok nang wala rin akong damit pang itaas at tanging tube lang na pang-loob ang suot.
“A-Anong... Anong ginawa mo?!” Napatingin ako kay Manuel na nakangisi sa akin at madilim na nakatingin.
“A-Anong ginagawa mo,M—Manuel.” Napapalunok ako habang umaatras sa kaniya.
“Inaangkin ang sa akin naman talaga, ikaw 'yon, Aecy.” Madilim siyang nakatingin sa'kin. Mahigpit akong napahawak sa kumot.
Dinakma niya ang magkabilang balikat ko at mahigpit iyong hinawakan.
“Huwag ka ng magpakipot hmm? Wala akong pakialam kung pinaikot mo kami sa huwad mong pagkakakilanlan. Ang mahalaga sa akin ay ikaw.” Inilig ko ang mukha ko nang hahalikan niya sana ako sa labi. Pero napunta lang siya sa leeg ko. Pilit at buong lakas ko siyang tinutulak mula sa'kin.
No! No! No way, this can't be happening!
“Tulong! T-Tulungan niyo ako! H-Help.” Umiiyak kong saklolo. Tinutulak ko si Manuel pero masyado lang siyang malakas.
“D-Daddy, tulong, D-Dad.” Humagulgol na ako habang nilalayo pa rin siya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang bawat parte na minamarkahan niya at natatakot ako.
Kahit kailan walang sumubok na gawin 'to sa'kin.
Buong lakas ko siyang tinulak at sinipa sa maselan niyang parte dahilan para mahulog siya sa kama.
Mabilis akong tumayo at tumakbo hanggang sa marating ko ang pinto.
“Hoy! Bumalik ka ritong babae ka.” Napatingin ako kay Manuel na mariing nakahawak sa ari niya. Napalunok ako at mabilis na lumabas ng kwarto ni Manuel.
Pero napahinto lang ako nang makita si Sebastian na nakatayo sa harapan ko at nagtatakang nakatingin sa akin.
Tuluyan akong napaiyak nang makita siya.
Pakiramdam ko safe na ako. Pakiramdam ko, he saved me again.
“S—Sebastian tulong.” Mahina kong bulong.
Mabilis akong napatingin nang kumalampag ang pinto at lumabas mula roon si Manuel na walang damit pang itaas at naka boxer style lang siya.
Napatingin naman ako kay Sebastian at umiling-uling. Gusto kong magsalita pero ayaw bumukas ng bibig ko.
“Aecy, bakit ka naman lumabas agad. Hindi pa tayo tapos sa mainit nating pagsisiping ah? Tignan mo nga at kulang pa ang mga marka sa iyong leeg.” Hinarap ko ulit si Manuel at pinanlakihan siya ng mga mata.
“Sinungaling ka! Manahimik ka!” Singhal ko sa kaniya.
Hinarap ko ulit si Sebastian at hinawakan siya sa kamay. Umiling-iling ako.
“H-Huwag kang maniwala, Sebastian Pinagtangkaan niya akong g-g@h.asa!n. Maniwala ka sa'kin, Sebastian. Paniwalaan mo ako. Hindi totoo ang sinasabi niya.” Humahangos na ako habang nagpapaliwanag sa kaniya.
“Huwag mo ng itanggi, Aecy. Wala na rin naman na kayong relasyon, hindi ba? At ikaw pa nga ang kusang pumasok sa aking silid upang paligayahin kita.” Matalim akong napatingin sa kaniya.
“MANAHIMIK KA!!! HAY0P KA!!!” Napaupo ako sa sahig at niyakap ang sarili ko. Nakakadiri! Nandidiri ako sa sarili ko.
“Kahit kailan hindi ako trinato ng Daddy ko na parang babôy! D-Daddy, ayoko na rito. Daddy, sunduin mo na ako please, gisingin mo na ako kung panaginip man 'to. M-Mommy, promise hindi na'ko magdadabog kapag pinapatulong mo akong magbalot ng mga chips mo. Aichille, promise ish-share ko na sa'yo yung mga branded stuffs ko just please, wake me up!” Napahagulgol ako.
Tiningala ko si Manuel at matalim siyang tinitigan. Muli akong napatayo.
“W-Walang hiya ka! Kaya pala noon palang uncomfortable na'ko sa'yo at ayaw ko ang vibes mo dahil ito ang gagawin mo?! Hay0p ka! Binabaliktad mo pa ako!” Binato ko sa kaniya ang nahawakan kong plato na naka-display.
Patuloy ko siyang pinagsusuntôk pero parang wala lang sa kaniya.
“Huwag mong saktan si kuya.” Napahinto ako nang magsalita si Sebastian. Unti-unting nabaling ang tingin ko sa kaniya at blangko itong nakatingin sa akin.
“At huwag mong paratangan si kuya Manuel sa bagay na hindi niya naman ginawa.” Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon.
Humakbang ako palapit sa kaniya.
Sinasabi niya ba 'to kasi hindi siya naniniwala sa'kin?
“Sebastian, ako ang biktima! Tinangka niya akong h-h@lay!n pero bakit parang mas pinaniniwalaan mo pa siya?” Naiiyak na naman ako.
“Dahil siya ay aking kapatid at mas lubusan ko siyang kilala kaysa sa iyo.” Sabi niya. Bumagsak ang balikat ko kasabay nang pagbagsak ng lahat ng natitira kong pag-asa.
“A-Anong ibig mong sabihin?” Mabigat sa dibdib kong tanong.
“Ikaw na ang nagsabi, marahil hindi pa kita lubusang kilala.” Nagsimula na namang manggilid ang mga luha ko.
Hindi niya ako pinaniniwalaan. Bakit nga naman niya ako paniniwalaan? Eh ex niya na ako.
Ano bang laban ko sa kapatid niya? Malamang mas paniniwalaan niya siya.
Bumuntong hininga ako at madiing tinitigan si Sebastian.
“Nagkamali akong inakala kong sa huling pagkakataon ay ililigtas mo ako. O-Okay lang kung hindi mo ako pinaniniwalaan, at least sa sarili ko alam ko ang totoo.” I keep my face straight. “Ito na ang huling pagkakataon na magkikita tayo ulit. From this day, you're a stranger to me again.” Binangga ko siya nang maglakad ako. Mabigat sa dibdib akong bumaba.
Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala na akong pakialam.
“Binibining Aecy, anong nangyari sa iy—'Wag ngayon.” Pigil ko sa kaniya at nagtuloy-tuloy na lumabas ng bahay nila.
Mabilis ang ginagawa kong paghakbang hanggang sa tuluyan akong makalabas ng bahay nila.
At tuluyan nang nagsibagsakan ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa.
Napahawak ako sa bibig ko habang naglalakad.
Yung nag-iisang taong inaasahan kong kakampihan at paniniwalaan ako ay siya ring tumalikod sa'kin. I swear, I shouldn't believe in magic.
Napahinto ako nang makaramdam ng pagod. Naupo ako sa malaking bato at sinandal ang ulo sa malaking puno.
I remember this place. The day he said that if he would given three wishes only, he will wish me three times.
“I shouldn't believe in his words, I shouldn't fell for it.” I closed my eyes. Napaiyak na naman ako mang maalala ang nangyari kanina.
I never expected I would experience that. Sa panahon na 'to, puro traumas lang ang binigay sa akin.
“D-Dad, for sure you'll be mad kapag nalaman mo 'to but don't worry, I know hindi niya ako ginalaw.” Napahikbi na naman ako.
Ramdam kong may nakatingin sa akin at kanina pa ako sinusundan pero wala na akong panahong tignan pa.
Tahimik lang akong nakapikit nang may malakas na bagay ang tumama sa ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasia"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...