Nakatulala pa rin ako sa kaniya hanggang sa matapos na siyang kumanta.
Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Ang ganda ng boses niya, bagay na bagay ang malalim niyang boses sa kantang 'yon.
How did he know that song? And how Winchi knew the chords of the song? And how the fvck Gabriel harmonize with the song through that drum?
Oh my gosh!
“Binibining Aecy Alliyah, maaari mo ba akong samahan dito sa labas ng iyong bahay?” Malakas niyang usal.
Pero hindi ako gumalaw, maski kumibo man lang.
Hindi pa rin ako bumabalik sa wisyo ko.
Nagulat pa ako nang hilain ako ni Gwen at naglakad kami palabas ng bahay, nagpatianod lang ako sa kaniya dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang nangyari.
This was the first time I experienced a face-to-face form of courting, Kayden never did this. Online niya lang ako niligawan eh.
Nasa harap na ako ngayon ni Sebastian pero nakatulala pa rin ako sa kaniya. Nakita ko ang pagngiti nito at lumabas na naman ang mga cute dimples niya.
“Batid kong hindi mo inaasahan ito, Aecy at hindi ko rin inaasahan na gagawin ko ito. Hindi ko kailan man naisip na magsaulo ng kantang napakinggan ko lamang sa bagay na pag-aari mo.” Pinakita niya ang cellphone ko at hawak niya iyon.
The fvck? Wala sa'kin 'yan all this time?!
“Nabitawan mo ito kanina noong tayo'y paalis na, nakalimutan ko na ring isauli sa iyo dahil umalis ka na. Paumanhin kung pinakealaman ko ito, nung una ay hindi ko alam ang gagawin ngunit may napindot ako rito at tumugtog ang musikang aking inalay sa iyo ngayong gabi.” Paliwanag niya.
I'm still not in my right senses.
Naririnig ko na ang mahihinang tili ni Gwen pero hindi ko iyon pinansin.
“Biruin mo nga namang sa sandaling panahon na tayo'y pinagtagpo, hindi na agad maipaliwanag ang aking nararamdaman. Bigla na lang, tuwing gabi ay hinahanap ko ang iyong presensiya. Natutuwa ako sa tuwing umiikot ang iyong mga mata at sa tuwing tinataasan mo ako ng iyong kilay. Natutuwa rin ako sa tuwing pinagsasalitaan mo ako ng mga bagay na tila kakaiba sa aking pandinig. Sa tuwing kasama na kita ay hindi ko alam ang aking gagawin, ako'y nawawalan ng salita kapag ikaw ay aking kaharap.” Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinatong doon ang papel na nakalagay sa sobre.
Inabot niya rin kay Winchi ang pulupong ng mga pulang rosas at nilahad din sa akin 'yon. Wala sa sariling tinanggap ko ang bulaklak.
Nanlaki ang mga mata ko ng lumuhod ang isa niyang tuhod sa lupa, habang ang isa ay nakaalalay sa bigat niya.
“Hoy magp-propose ka ba? Wala pang tayo!” Wala sa sariling bulalas ko. Hindi ako pinansin ni Sebastian at tumingala sa akin. Hawak niya ang isa kong kamay.
Nakita ko pa ang pagbuntong hininga niya bago muling ngumiti sa akin.
“Ako'y kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na ginawa ko ito kaya paumanhin, binibining Aecy.” Mahinhin na naman siyang tumawa.
“Ang pagligtas ko sa'yo sa kalagitnaan ng madilim sa gabi sa malamig na karagatan ang tanging pinagpapasalamat ko sa Maykapal na nangyari. Nang dahil doon, natagpuan ko ang pag-ibig na hindi ko inaasahang kakailanganin ko pala. Ang unang gabi kung saan nag-usap tayo ng seryoso, sa pagkakataon na 'yon batid ko nang ikaw ay nabigo sa pag-ibig. Nagpatuloy ang mga araw at gabi na ikaw na ang sinisigaw at ninanais ng aking puso.” Tumigil ito sandali at pinunsan ang pisngi niya, lumuluha na pala siya.
And here I am, trying my best to suppress my tears.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...